Monday, June 21, 2010

Kailangang Maging Paru-Paro na Ulit





"How can I believe there's a butterfly inside you and me when all I can see is a fuzzy worm?"


Sa nakaraang dalawang linggo, ganitong ganito ang pakiramdam ko sa sarili ko. Pakiramdam ko, isa akong mababang nilalang na walang alam gawin kundi kumain, matulog, magpasikat sa natututunan kong Spanish, magpakita sa ibang tao at sa pamilya ko na magaling ako at maganda ang buhay ko.

Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Puno ako ng inggit, tampo, pagmamataas at pagpapaka-paimportante. Madali akong magtampo. Umaasa lagi akong lalapit sa akin ang pamilya ko at ipapaalam ang mga bagay-bagay na nangyayari. Umaasa akong tatawagin ako kapag may kailangang pag-usapan ang pamilya.

Masakit. Masakit talaga. Pero tanggap ko nang sila ang nakakaalam. Gusto kong sabihin sa kanila na wag na silang magpa-meeting kasi wala namang kwenta ang meeting. Napagdesisyunan na nila ang mga pag-uusapan bago pa man ang meeting. Para ano pang mag-meeting. Gusto kong sabihin sa kanila na dahil sila naman ang nakakaalaam, bahala na silang mag-desisyon. Wag na kaming magkunwaring may pagdedesisyunan sa meeting dahil wala na naman.

Masakit sa ego. At inaamin kong malaki ang ego ko. Ang totoo, ego nga ang nagko-control ng mga desisyon at mga aksyon ko sa buhay. Bakit ako nag-aaral ng Spanish? Bakit ako nagbi-business nang akin? Ano'ng intention ko? Ego -- para maging maganda ang pakiramdam ko sa sarili ko. Para masabihan akong magaling. Hinayaan kong ego ang mag-control sa akin.

Katulad ko na rin sila -- yung mga higad na umaakyat pataas tinatapakan ang bawat isa para makataas dahil lahat ng higad na nakikita nila ganun ang ginagawa. Pero hindi naman nila alam kung ano'ng nasa taas.

"What's at the top? No one knows that either but it must be awfully good because everybody's rushing there."


Hindi ako maayos ngayon. Yung mga bagay na sabi kong gagawin ko, kahit na yung pinakasimpleng bagay tulad ng pagdadala ng maduming damit sa laundry o paglabas ng basura, hindi ko magawa. Ang tamad-tamad ng katawan ko. Ang gusto lang ng katawan kong gawin ay kumain, humilata at matulog. Ang bigat-bigat ng katawan ko. Bago ako makagawa ng isang bagay, kailangang hinihila na ako ng oras o pupwersahin ko ang sarili kong gumalaw.

Wala akong tiwala sa sarili ko. Pakiramdam ko, ang bigat-bigat ng puso ko -- ang dami-daming naipong galit. Galit para saan? Para kanino? Galit sa sarili siguro. Klarong-klaro na hindi ito ang estado ng pag-iisip at pag-iral na dapat. Maliwanag na ang ako ngayon ay hindi ang nararapat na maging ako.


"Tell me, Sir, what is a butterfly?"

"It's what you are meant to become."

"It flies with beautiful wings and joins the earth to heaven. It drinks only nectar from the flowers and carries the seeds of love from one flower to another. "

"Without flowers, the world would soon have few flowers.
"


Ang pakiramdam ko, galit ako sa mundo. Hindi naman ako galit sa Diyos pero malayo ako sa kanya ngayon. Dati-rati, nag-eeffort ako para magsimba kasi nakakakuha ako ng spiritual blessing pag sumisimba. Pero ngayon, dahil ang tamad-tamad ko, kahit halos katapat na ng bahay namin ang simbahan, ni hindi pa ako nakasimba kahapon.

Ayoko na ng ganito. Hindi ako ito. Hindi dapat ganito ang ginagawa ko. Hindi ko gusto na ganito ako. May mga taong umaasa sa akin -- mga assistants ko sa balloon decorating services, kakilala kong pinangakuan ko ng trabaho pag lumakas ang party planning services ko. Ang hirap-hirap naman kasing pasayahin ng mga kliyente ko. Mas gusto ko pa yung mga hindi nagbabayad, yung mga hindi kayang magbayad. Ni hindi ko nga nakikita kung may napasaya nga kaming mga bata.

Natatakot na akong mag-ayos ng raket ko. Tinatamad na ako. Pero alam kong hindi dapat dahil nga may mga taong umaasa sa aken. At sa likod ng isip ko, sinasabi ko rin na kahiyaan na. Nasimulan ko na. Ang dami ko nang nabigay na oras at pagod dito. Ego. Ayokong isipin ng pamilya ko at ng ibang tao na failure ako. Ego.

Hindi ako totoong malaya. Alipin ako ng aking ego.

Kailangan kong mag-ayos ng buhay. Ang gulo-gulo eh. Dapat inayos ko yung get together ng batchmates ko sa Canossa. Dapat ako ang nag-organize nun. Alam ko namang inaasahan akong tumulong. Pero nakaya kong walang gawin. Nakaha kong hayaan na lang sila. Dapat inaayos ko na ang sarili ko. Nagawa ko na yun dati at kaya ko ulit yun gawin ngayon. Sabi nga nila pag daw nasa impyerno ka, wag ka daw magtatagal. Don't take pictures. Wag mong hayaang maging komportable ka dun. May mas maayos na buhay. Naranasan ko na yun dati. Kaya ko ulit ibalik ang gan'ung uri ng buhay.

Simple. Walang desire na magpasikat. Walang desire na masabihang magaling. Lahat ng bagay, nagsisimula at ibinabalik kay God. Walang takot. Walang bigat sa puso. Blessing para sa iba. Walang desire na maging importante. Walang desire na maging in control. Walang ibang klase ng buhay akong inaasam kundi ang ganung buhay. Tuwing wala ako dun, pakiramdam ko, nasa impyerno ako. Nasa impyerno ako ngayon.

Once you are a butterfly, you can really love. The kind of love that brings new life.

May galit, oo. Tamad ang katawan, oo. Laging lipad ang isip, oo. Mabilis magtampo, oo. Mahilig sa panandaliang aliw, oo.

Pero hindi ako magfo-focus sa mga yan.

Maayos ako. Mahal ako ng Diyos. Gusto ng Diyos na maging maayos ako. Gusto ng Diyos na maging maayos ako para maging blessing ako sa iba.

Kaya ko to! Simpleng buhay, may peaceful na pag-iisip, ang sentro ay si God at inilalaan ang oras, lakas, talino at talento sa paglilingkod sa iba.


You must want to fly so much that you are willing to give up being a caterpillar.





Saturday, June 5, 2010

Even the best fall down sometimes

That's true. You should have learned that by now. It's not that they deliberately want to hurt you; it's just that it's something that can't be avoided.

Although it hurts a bit, it shouldn't be a cause for anger.

Just think of it this way: sometimes, we aren't aware that we have turned on the people repellant switch. Yes, there is such a switch.

Hayaan mo na. Life is too short to hold a grudge against someone especially someone close to you.

Friday, June 4, 2010

Mga Bata Vs. Mga Ka-edad

Sabi kanina ni Chico sa The Morning Rush, mas gusto daw nyang kasama ang mas bata sa kanya kasi yun daw mga ka-age nya, sobra na daw seryoso. Gustong-gusto daw n'ya pag pumupunta ang mga pamangkin nya sa bahay nya kasi naglalaro sila ng helicopter na de-remote control.

Ako din, gusto ko ding kasama ang mga bata. Hindi kasi sila people-pleaser. Kung ayaw nila sa iyo, ayaw nila sa iyo. Kahit bigyan mo ng chocolate, kukuhanin lang nila ang chocolate pero kung ayaw nilang magpa-embrace o magpa-kiss, ayaw nila. Sa mga bata, ang ayaw ay ayaw, ang gusto ay gusto. Kapag gusto ka nila, talagang gusto ka nila. At kapag gusto ka nila, talagang pinapakita nila. Niyayakap ka. Lagi kang hinahatak at niyayaya. Lagi kang kinukulit. Lagi kang kinakausap at kapag lumayo ka, hinahanap ka.

Kapag tumatawa ang mga bata, alam mong masaya sila. Kapag may masakit sa kanila, hindi sila nagpapanggap na okay lang sila. Umiiyak sila.

Kapag may gusto silang bagay o laruan , sasabihin nila at hindi nila ikinahihiyang gusto nila yun. Hindi sila titigil hangga't hindi nila makuha yun o hangga't hindi nila naiintindihang hindi puede kung hindi puede.

Sinasabi nila kung ano ang nasa isip nila. Hindi sila natatakot kung hindi sila magustuhan ng sasabihan nila o hindi. Kung napapangitan ako sa sarili ko o sa gupit ko, o suot ko, o kung natatabaan ako sa sarili ko, ang tinatanong ko kung totoo yun ay mga pamangkin ko kasi hindi sila nagsisinungaling. Sinasabi nila ang totoo.

Isang beses na nakita akong may suot na reading glasses ng isa kong pamangkin, sabi nya sa akin, "Ninang, (inaanak ko rin kasi sya) tanggalin n'yo na yan, nagmumukha kayong matanda."

Kung may isang araw akong libre at papipiliin ako ng kung sino ang makakasama sa araw na yun -- mga importante at may-sinabing tao o mga bata sa kalye, mas pipiliin ko ang mga bata sa kalye kahit magagaslaw sila, kahit mga amoy pawis sila at madudumi. Kapag kasi nakuha mo ang loob nila, ang dali nilang pasayahin.

Ngayong nahihirapan ako sa trabaho ko at ang dami-daming negative thoughts na tumatakbo sa isipan ko, ang isang positive force na nakakapagbigay sa akin ng strength para magpatuloy ay yung thought na hindi naman talaga party planning service at balloon decorating ang business ko. Kumbaga sa construction, mga equipment ko lang sila. Ang business ko talaga ay magpasaya ng mga bata at buhayin ang mga bata sa bawat matanda na sobrang seryoso na sa buhay. Naks! Pero totoo ito.

Na-miss ko tuloy makipaglaro ng bahay-bahayan sa mga pamangkin ko. . . Ngayong weekend!!! Weeeeeeeeee!!!!!!!