Sunday, September 26, 2010

Follow your Butterflies



May mga bagay na bigla mong napapansin at hindi mo alam yun pala ang mga bagay na sasagot sa mga katanungan mo. Madalas, para sa akin, libro o kaya ay tao. Kapag may dilemma ako, madalas na may susulpot na tao o bigla na lang may maaalala akong libro o may makikita akong libro na parang humahatak sa akin na basahin ko siya.

Sabi sa nabasa ko sa Reader's Digest ngayong umaga, huwag daw pangalanan ang isang tagay na nakakatakot na "nakakatakot" kasi ang tendency natin ay hindi iyon gawin kahit na may pagkakataong lumago tayo bilang tao kung itutuloy natin iyon kahit na takot na takot tayo.

Ang nagsulat ng article ay isang stand-up comedian sa Australia. Ang sabi n'ya, ang tawag daw n'ya dun sa feeling na may butterflies sa stomach o kinakabahan o natatakot o hihimatayin o masusuka sa nerbyos -- ang tawag daw n'ya sa feeling na yun ay "newfeeling". Na-realize daw n'ya na kapag pinapaltan n'ya ang pangalan ng feeling into a word that is nuetral, hindi nagiging automatic ang reaction n'ya na tumigil at h'wag magpatuloy. Noong una daw n'yang audition, mamamatay s'ya sa sobrang nerbyos at takot pero kahit na, pinagpatuloy n'ya.

Sabi n'ya sa article:

I think the best thing about "newfeeling" is that it unerringly points to things we could be doing to express more fully who we are meant to be. And the best way to find it is to look around, consider your options, then do the thing that gives you the biggest knots in your stomach. Notice what scares you most, then grab life with both sweaty palms.


Kailangan bang ang reaction sa mga bagay na nagbibigay ng "newfeeling" ay tumakbo palayo? Tamang ang takot ang nagsasabi sa akin na nasa danger ako pero ang takot ding ito ang nagpipigil sa akin para kausapin ang isang taong gusto ko, pumunta sa isang bagay na puedeng makatulong sa growth ko bilang isang tao, gumawa ng isang bagay na maaaring mag-fail pero malaki ang magagawang maganda kung nag-succeed.

Gagayahin ko s'ya. At least, susubukan ko. I am going to grab life with both sweaty palms. Natatakot akong pumunta sa QC ngayon kasi baka hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pag awkward moments, baka hindi ko alam kung paano ako makikipag-usap, baka kung anu-ano'ng kagagahan ang masabi ko, baka feel ko na ma-op ako.

What the hell. Pupunta ako at kahit na mangyari lahat ng yan, pupunta ako. Ang dami-dami kong narerealize sa tuwing pumupunta ako sa Idente at napi-pick up ko ang energy nila. Mangyari na ang mangyari, I am going to grab life with all the butterflies in my stomach.

Tuesday, September 7, 2010

Emotional Eating


Inaamin ko na, kapag bad trip ako, kapag agitated ang utak ko, kapag anxious ako, kapag bored na bored ako, kapag excited ako, kapag kinakabahan ako, kapag frustrated ako sa isang bagay --- iisa ang reaction ko -- emotional eating.

At nagiging habit na ito kasi halos araw-araw may 1 sa mga nasa taas na emotional agitations na nangyayari. Lalong-lalo na pagkagaling ko ng Instituto at pauwi ako. Laging may emotional state ako, isa o dalawa sa mga binanggit ko sa taas.

At dahil kaliwa't-kanan, puro pagkain ang nakikita ko pauwi ko ng bahay, mas lalo akong nagiging mindless sa pagbili at sa pagkain.

Ngayon na ang araw para aminin kong araw-araw na umuuwi ako ng bahay, nagpapaubaya ako sa agitation ng utak ko at negative emotions at ang laging katapusan ay emotional eating.

Kanina, frustrated ako kasi nakuha ko na ang certificates ko for Levels 1 to 3 at na-frustrate ako kasi may nakuha akong grade na hindi ko ini-expect. Akala ko mas mataas ang makukuha ko kasi dun sa level na yun ako nag-aral nang maayos. Sumama din ang pakiramdam ko kasi nakita ko si I. na nakikipag-usap kay A. Sabi ko sa sarili ko, bakit hindi ako ganung ka-komportable sa kanya para makipag-usap nang ganun although gustong-gusto ko siyang kausapin?




Yun ang iniisip ko pagkatapos naming maghiwalay ni O. at nasa jeep ako papuntang Cash and Carry. Bumili ako ng ingredients para sa Minestrone na hindi ko pa naluluto hanggang ngayon. Bumili ako ng 2 bayabas kasi yung nakita kong bayabas sa Buendia P40 itinitinda. P15 lang naman sa Cash and Carry yung ganung kalaki. Abusado yung nagtitinda.






Sa daan, bumili ako ng paborito kong calamares na tinitinda sa may kanto sa St. Scho. Sarap ng sawsawan nila, maanghang nang konte tapos may calamansi yung suka tapos madaming sibuyas. Habang nagluluto ako ng pasta, kinakain ko yung calamares tapos yung bayabas. Tapos yung pasta hinalo ko sa puttanesca sauce yung de-bote. Hindi ko na masyadong nalasahan yung pasta kasi pati yung bayabas sinawsaw ko sa suka parang halos lasang sukang maanghang na rin ang lasa ko sa pasta. Pagkatapos ng pasta, kape. Yung Kopiko Brown Sugar. Sarap.




Ang unang step daw para sa pagbabago ng isang habit ay acceptance. So here I am accepting na may habit akong kumain ng calamares na madaming sawsawang sukang maanghang, bayabas, santol or mangga, kung alin man itinitindang pinakamaasim at pasta na may maasim-asim din na tomato-based sauce at madalas din may Marty's na vinegar flavor. (Minsan, yung pancit canton na chilimansi o kaya yung Chiam Pong pag walang-walang pera) Hindi ko maintindihan kung bakit naging comfort food ko ang maaasim na pagkain. Dati matatamis, ngayon naman maaasim. Pero maliwanag sa akin ngayong gabi na hindi nagdudulot ng maganda ang emotional eating na ito. Maasim man, matamis, ma-carbo, mapait, o kung anumang comfort food ang sinasaksak ko sa bunganga ko.

Bakit masama? Una, kasi meron akong emotional need at hindi ko yun napa-process dahil sa pagsuot nang pagsuot ng mga comfort food sa bibig ko. Dahil dun, hindi ako dumadating sa mas malalim na pagkakaunawa sa sarili ko. Imbes na intindihin ko kung bakit ako may emotional agitation, ini-stuff ko nang ini-stuff ko ang sarili ko ng comfort food. Tama ba yun? Hindi ba sa isang taong totoong nag-aaruga sa sarili, kailangang i-process ang internal conflict niya para maging wiser siya at para mas maging healthy sya psychologically?

Hindi naman puedeng maging substitute ang pagkain para sa comfort na ibinibigay ng tunay na pagkakaintindi sa sarili. Para lang siguro iyong paglalagay ng band aid sa malaking sugat. Natapalan nga ang sugat pero hindi ibig sabihin nun, wala nang sugat. Mas maganda pa ring linisin ang sugat, tingnan kung gaano ito kalalim o kalaki, at tingnan kung ano'ng mas magandang gawin para gumaling ang sugat, tahiin man o langgasin o lagyan ng Betadine.

Sumisigaw at nagwawala na ang buo kong katawan na bumalik na ako sa meditation at yoga, communion with nature, private time with God, running. Magsulat, magsulat. Gawing inyodoro ang journal. Ilagay lahat ng frustrations at anxieties sa journal at wag sa tiyan.

Paunti-unti. Paunti-unti. Slowly but surely ang motto ko ngayon.

I can do anything through Christ who strengthens me.

*pictures courtesy of google image search*