Monday, September 19, 2011

People pleaser no more



Konting tiis na lang, matatapos ko din ang Level B2 Spanish ko sa ICM. Hangga't maaari, ayaw kong maging mapang-husga sa ibang tao kasi madami rin naman akong kapintasan. Pero pag minsan, katulad ngayon, nasusuka na ako sa sarili ko sa pagiging people pleaser ko. Ang pinaka-ayoko sa lahat na ugali, ang pagiging plastik, yun pa ang natutunan ko sa pagpilit na magkaroon nang maayos na relasyon sa mga kaklase ko.

Paano ko ba sasabihin sa kanya na ayaw ko naman siyang kasama? Na mas gusto ko pang mag-isa kaysa kasama siya? Na kung hindi ako nahihiyang hindi sumama sa kanya, kina R. ako sasama.

Wala siyang ibang alam kundi kalandian. Pumapasok lang siya sa klase kasi wala siyang ibang magawa sa buhay. Maghapon at magdamag siyang nasa internet. Nasa facebook. Sa bagay, hindi ko dapat siya pinapakialaman pero ayaw ko na kasi talagang maging associated sa kanya.

Makikilala mo ang isang tao sa kanyang mga kaibigan, di ba? Kung ganun s'ya at siya lagi ang kasama ko sa Instituto, ano ako?

Magagaling ang mga bakla pero isa siya sa mga dahilan kung bakit bumababa ang pagtingin ng tao sa mga bakla. Puro kalandian ang alam niya.

Alam ko naman na kaya niya ako niyayaya at kinakausap ay dahil walang ibang kayang tumiis sa kanya. Walang ibang gustong sumama sa kanya. Wala kasi talaga siyang sense kausap.

Hanggang kailan ako makikipag-plastikan sa kanya? Napapagod na akong maging mabait sa kanya.

Titiisin ko na lang ba hanggang November? Kung hihiwalay ako sa kanya, paano? Pag minsan iniisip kong pinagpala ang mga autistic, at least hindi nila iniisip kung paano sila magugustuhan ng tao. Pero hindi naman ako puedeng basta na lang kunwari naging autistic. Hindi naman puedeng pagtaguan ko siya tuwing break time.

Sobrang mas masayang mag-isa kesa kasama siya!

NA-MI-MISS KO NANG MAGING TOTOO SA SARILI!

Ang sabi ni Jesus, kung mabait ka lang sa mga taong gusto mo, walang kuwenta yun. Wala daw yung pinagkaiba sa pagmamahal sa sarili. Dati inisip ko, baka naman may mas malalim pa sa kanya. Hindi ko lang alam pero baka produkto ng isang malalim na sugat kaya siya ganun. Pero ilang buwan ko na siyang inuunawa. Ilang buwan ko na siyang pinag-papasensyahan.

Madali lang sumimba tuwing Linggo, tumayo pag pinapatayo, lumuhod pag pinapaluhod, sumagot pag pinapasagot, kumanta pag pinapakanta. Pero ang mahirap ay ang sundin ang thinking ni Jesus.

Sabi ng mga Pharisees kay Jesus, bakit daw siya nakikisalamuha sa mga makakasalanan? Ang sabi ni Jesus, hindi naman daw kailangan ng doktor ang mga taong walang sakit.

Pero hindi naman ako doktor. Hindi naman ako si Jesus. Heto na, nalilito na ako. Stop na.

Sakit sa bangs!


Sunday, August 14, 2011

Cannonball



Noong ganito ang nararamdaman ko, itong kantang ito ang lagi kong pinapatugtog. In love na naman ako. In love sa love. At ang object ay may girlfriend na ulet. Ikakasal na nga.

Bakit ako na-i-in love sa mga taong wala naman kaming future together? Or more apt, bakit ang mga guys na nagugustuhan ko ay nagkakataong taken na?

No answer but I got to keep the faith. Faith that nand'yan na s'ya.

I'll respect my feelings. Sabi nga ng kapatid ko: feelings are always real and valid. Hindi mo puedeng sabihin sa isang taong huwag dapat ganun ang feelings n'ya. Hindi mo puedeng sabihin sa sarili mong hindi dapat maging ganun ang feelings mo.

This is what I feel: I like you. I'm in love with the idea that I could be in love with you; that we could be in love. I validate my feelings for you. You make me want to be a better person.

Masaya akong may inspiration ako. Mababaw nga pero masaya ang may nagpapakilig sa iyo.

It's not hard to fall when you float like a cannonball.



Friday, April 1, 2011

Tiwala

Doble ang effort kapag walang katiwa-tiwala sa iyo ang mga taong may pinapagawa sa iyo. People who trust you are life's blessings talaga. I appreciate them now more than before because of these persons na walang katiwa-tiwala sa akin.

You don't have to prove anything to the people who don't trust you, Shau. Look at it this way: they are sent by God to teach you to become a better person. You asked Him to teach you to be more patient. You asked Him to teach you to be more responsible. They are God's answers to your prayers.

Kaya't para sa inyo, sige na nga, no hard feelings na. God bless you! :-)






Wednesday, March 2, 2011

Pag-uwi



Naglalakad ako sa gitna ng mga book shelves sa National Library. Naaamoy ko yung amoy ng mga pages ng mga librong luma. May distinct silang amoy, amoy ng matatandang punongkahoy na kahit naging papel na sila, hindi pa rin nila mapigilan ang sariling magbagahi ng bango nila.

Habang naglalakad ako at nilalapat ang mga daliri sa mga libro, maya't-maya ay nakakakita ng mga librong pamilyar, unti-unti kong naramdamang umuuwi ako. . . .

Mahirap i-explain pero naramdaman kong nandoon ako sa lugar na dapat nandoon ako at kasama ko ang mga bagay na dapat kasama ko.

Na-realize ko lang na ang mga gusto kong gawin n'ung 3rd year high school ako, sa likod ng utak ko, yun pa rin ang gusto kong gawin ngayon. Hindi ko minsan man lang naisip na frustrations ko na sila. Sa likod ng isip ko, nand'yan lang sila. Naghihintay na magka-hwisyo ako at balikan ko sila.

Gusto ko pa ring gawin ang mga ginagawa ni Rodel dati -- nagsusulat ng play, nagdidirect ng play, nagtuturo, nag-i-inspire sa mga estudyante, nagsusulat ng tula. Gusto ko pa ring magsulat ng pelikula.

Sana makauwi na ulit akong tuluyan at umuwi nang umuwi nang umuwi hanggang buhay ko. Miss ko nang umuwi.

Pauwi na ako.



Tuesday, February 15, 2011

Ain't givin' up on love


One fact about having an agitated mind is that it doesn't give you the power of being mindful to little things.

Little things such as him not sending "Good morning" texts as often. Or him re-scheduling a date because although he's in the vicinity he doesn't want to be seen because he's not wearing the "proper" clothes. Or him replying to text messages an hour after you sent them.

Things like that.

An agitated mind doesn't let you see these small things that signal you to run.

I was opening up and doing the extra work but in the end, he fucked up. Or to put it more accurately, his subconscious mind fucked up. He's doing his end, yes, but his subconscious mind doesn't take bull shits. A no is a no is a no.

It's the end of him -- it should have been clear to me long before this Valentine tragedy.

Even so, I ain't givin' up on love.

In fact, I'm readying for the next.


;-)




Auto-pilot



Sinabi nang wag mag-auto-pilot, yan ang nangyari! Things fell apart.
I didn't put God in my decision and actions.

Now, back to square one. I can die anytime now but since that is not an option I need to make this life of mine work. The flowers are still waiting for me. I can still be hope for the flowers.

And for this life to work I need to exert effort and I should never compromise these things:

1. Prayer
2. Communion with God
3. Yoga
4. Running
5. Literature

I have exchanged enjoyment of rich coffee as morning ritual with these 5. I went into auto-pilot. I started being comfortable and stopped exerting effort.

And look what it has done to me.

I am such a mess.

I hate this state of being. I hate coffee and the agitation it brings to my mind!

Why the hell did I start drinking it again?

Never again!

I am going to stop this caffeine addiction and go back to my sadhana.



Saturday, January 22, 2011

Kuwento, kuwento, kuwento




Mga totoong tao ang mga ito pero hindi ko alam kung totoo ang mga kuwentong ito. Mahirap minsan pag pinagda-drive mo ang Nanay mo tapos may kasama s'yang madaming inside info sa mga buhay-buhay ng nasa paligid na tao. Hindi ko ito itsitsismis kasi hindi ko iyon ugali. Hindi ko lang matiis na hindi ikuwento kasi ang ganda-ganda ng mga twists, puedeng pang-telenovela. Pag sinulat ko dito, hindi ko na ikukwento, magkamatayan man. Pero puede sigurong pagkuhanan ng inspiration sa mga future writing projects, haha!


Si W. (biologically male, 31 y.o.)

Halos magka-age lang kami pero insecure ako sa kanya dati kasi ang bata pa niya pero ang laki na ng business niya. Napapagsasabay n'ya rin ang pagbi-business at pagtuturo. Full time s'yang professor at pangita namang malaki ang kita n'ya sa business n'ya. May Pajero na agad s'ya, katas ng sariling kayod, hindi mana o bigay ng magulang. Nakapundar na rin s'ya ng 3 ***** na ang bawat isa ay milyon ang presyo.

May pamilya s'ya --- asawa, anak. Maganda ang asawa n'ya. Cute na cute ang anak n'ya. Nakakatulong s'ya sa mga magulang at kapatid n'ya. Halos lahat ng staff n'ya ay mga kamag-anak n'ya. Ang galing n'ya.

Tapos nabalitaan ko ito:

Una, na sumama na sa ibang lalaki ang misis n'ya.

Pangalawa, na may lalaki din s'ya (si biologically male W.)

Pangatlo, na daang libo na ang nakulambat ng pinagkakatiwalaan n'yang pamangkin sa business n'ya.

Pang-apat, na pinagsasabunutan n'ya ang pamangkin n'ya dahil sa galit.


Si A. (female, 32 y.o.)

Asawa s'ya ng hs crush ko. May isang anak sila ni crush. 11 years old na ang anak nila.

Heto ang huling update sa kanya.

Nilalakad na ni crush ang annulment case kay A. At si A., ang kinakasama ngayon ay isang tomboy.

Mas complicated siguro kung ang tomboy na kinakasama ni A. ay may anak na pala kasi dati, kunwari, na-gang rape ang tomboy isang gabi na nakipag-inuman s'ya sa mga lalaki. Oo, maganda yun. Pero di ito totoo. Sorry.

Si L. (female, 40 y.o.)

May anak si L., si A. (female, 19 y.o.). Hindi ko alam kung ano'ng kuwento sa ama ni A., kung bakit wala. Basta wala. Pag pumupunta dito ang usapan, tumitingin ang lahat sa mga guhit sa sahig at sa mga butas sa kisame.

Pero pangit naman ang kuwento kung basta wala. Gawin na lang nating ganito para mas kumpleto. Kunwari, na-in love si L. sa ama ni A. pero hindi n'ya alam na may asawa't anak na pala ang lalaki. Buntis na si L. noong nalaman n'ya na niloloko lang pala s'ya ng kanyang love. Kaya pinalaki n'ya ang anak n'yang walang ama. Puede. Maganda. Pero hindi ito totoo. Sorry ulet.


Heto, totoo na ito. Matagal na sa U.S. si L., nakapag-asawa na s'ya doon ng isang U.S. citizen. Iniwan n'ya si A. sa Lolo at Lola dito sa Pilipinas pero 2 years ago, pinetition na n'ya si A. at nakapag-stay na sa U.S. si A. ng isang taon.

Heto ang kuwento.

Nagbakasyon ang mag-ina sa Pinas noong isang taon, si L. at si A. Pumunta sila sa amin. Kinumusta ko si A. Ang sabi n'ya ok naman, nag-aaral daw s'ya. Tinanong ko si L. kung ano ang course ni A. Ang sabi ni L. katulad daw ng sa bunso n'yang kapatid. Tinanong ko si A. kung malapit lang ang school n'ya sa bahay. Ang sabi ni A. kapag daw freeway ang gagamitin, mga 30 minutes lang daw. Tinanong ko s'ya kung nagdadrive na s'ya. Ang sabi n'ya oo daw, may kotse na daw s'ya doon.

Totoong kinausap ko sila at totoong iyon ang mga sagot nila. Alam kong iyon ang sinagot nila dahil ako mismo ang kausap.

Ang hindi totoo ay ang kinuwento nila at least ito ang sabi sa narinig ko.

Ang sabi sa narinig ko na hindi ko naman kasalanang marinig dahil nagda-drive nga akong tahimik at hindi ko naman matakpan ang tenga ko.

Ang sabi sa narinig ko ay heto:

Una, nakabili daw ng kotse ang Lolo dahil sinanla nila ang titulo ng lote ng tinitirhan nilang bahay.

Pangalawa, hindi daw nag-aaral at hindi daw nag-dadrive pa-school si A. sa U.S. Ni hindi nga daw marunong magpa-urong ng kotse.

Hindi ko na alam kung ano ang totoo sa kanila. Pero napaka-interesting.

Si B. (female, 31 y.o.)

Maikli lang. Buntis na siya nang nagpakasal. Nagpakasal siya sa isang lalaking taga malayong lugar, si M. Ngayon, ang taba-taba at naglalakad na ang anak nila. Nagtatrabaho sa abroad si M. para itaguyod ang kanyang mag-ina.

Ang twist ay heto:

Hindi si M. ang ama. Ang ama ay isang kapitbahay. Totoo ba ito? DNA testing lang ang makakapagpatotoo.


Si R. (male, 36 y.o.)

Ang ganda ng kotse niya, bagong-bago. Pulang-pula.

Heto ang kuwento:

Sinanla pala niya ang titulo ng lote ng ama at ina n'ya at ang pinagsanlaan ay pinangdown sa kotse. Ngayon, wala na ang kotse at maeembargo na ng bangko ang lote ng ama at ina n'ya. Wala siyang naipambayad sa monthly amortization dahil nakabuntis siya ng babaeng katrabaho niya at ngayon sinusustentuhan n'ya ang anak n'ya sa girl pero wala siyang maipangsustento sa 4 niyang anak sa asawa.


Wala akong comment sa lahat. Kuwento kuwento lang. Kunwari na lang hindi totoo ang lahat. Sorry, sorry, sorry.

Wednesday, January 19, 2011

Guhit ng palad



Love Line


Meron daw 3, ang isa daw ay gusto lang akong ikama, hahaha! Ang 2 ay totoong mahal ako pero ang piliin ko daw ay yung mas bago dahil yun daw ang magtatagal. Hmmmmm...

Head line

Ang passion ko daw at life work ay papuntang education. May isang bagay daw akong ginagawa ko dati at totoo kong passion na sinet-aside ko at yun daw ay kung pinagpatuloy ko dati ay magiging successful at magbibigay sa akin ng travel opportunities. Pero nasa sa akin lang daw yun, puede ko pa daw balikan. Balikan ko daw. Nand'un daw ang passion ko. Hindi pa daw itong ginagawa ko ang talagang passion ko.

Heart line

Ang career line ko daw, love line, at life line -- lahat ay nakakonekta dun sa isang bagay na sinet-aside ko. Mahal na mahal ko daw yun dati. Balikan ko daw talaga yun. (Tuloy na talaga M.A. sa June at tuloy lang ang Spanish classes?)

Travel line

Ang travel opportunity daw lagi lang nand'yan. Sa Sunday, puede na nga, haha!

Life line

Matagal pa daw akong mamamatay. Aabot daw ako ng 80's. Kailangan ko talagang ipagpatuloy ang yoga para kahit 80's na ako, supple pa din, hehehe!

Leadership

Spiral daw lines sa fingertips ko at ibig sabihin daw nito ay leader ako. Hindi daw magiging masaya ang marriage life ko kung hindi ako ang leader.
Kids

Magkakaroon daw ako ng 2 anak, hindi masabi kung babae, lalaki o kambal, hehe. Ok ang 2, ganun nga lang ang gusto kong anak.

Marriage

Magpapakasal daw akong tahimik na tahimik at biglaan. Shotgutn wedding siguro, hehehe.

Palm Reading

Ang ganda naman ng guhit ng palad ko. Madaming bagay na naging clear lalong lalo na sa love, sa life work at sa career. Galing!



Saturday, January 8, 2011

Problems


Problems and conflicts are truly opportunities for us to be more creative, resourceful, and trusting of God's goodness. Since we cannot evade them because they are facts of life, why not just make the most of them, right?

I thought I was in for a really big trouble last night when I have booked a client for a date that I found out was already fully booked on the calendar of my supplier. I was already accepting the idea that my ruin had finally come but then suddenly, I thought of something. A wonderful idea.

It's amazing how wonderful ideas just pop into our heads and make us feel without an ounce of doubt that they will work. To me, that's a miracle!

The conflict with the supplier thing was really a blessing in disguise. If not for the conflict, I would have never discovered this new supplier that gives a better price and is also very nice.

I have been living some sort of a charmed existence for a few days now and if this continues for the rest of my life, I don't have any problems with that.

Thanks be to God!

Thursday, January 6, 2011

Reminder for 2011

So I'll always remember to remember, relationships first. God, family, friends, relatives, clients, brothers and sisters in Christ.