Kailangan ko ang ibang tao, siempre. Kailangan ko ng may magmamahal sa akin. Kailangan ko ng may mamahalin. Kailangan ko ng mga kaibigan. Kailangan ko ng pamilya. Kailangan ko ng mga makakasama sa iba't-ibang gawain sa pagtahak sa lubos na pamumuhay. Pero sa huli, ako at ako pa rin ang responsable sa buhay ko. Hindi ko puedeng sisihin ang ibang tao kung hindi maayos ang buhay ko. Sa huli, ako dapat ang pinakanagmamahal sa sarili ko. Mas makakapagmahal ako nang tama kung ganun kesa aasahan ko ang ibang punuin ang pagkukulang ko sa sarili ko.
O sa English, slices of thoughts. Hindi akin ang title ng blog. Hiram ko ito sa isang taong nagpasilip sa akin sa mas makabuluhan at malalim na pag-iral, ang umakay sa akin patungo sa pagmamahal sa sining, sa wika at sa buhay. Si Rodel Calalo. Kung nasaan ka man, Rodel, hinding-hindi kita malilimutan. Kulang man ang salita, pero ito lang ang meron ako, kaya't patawad kung hindi man makasapat pero ang makakayanan ko lang sabihin, paulit-ulit, ay maraming salamat.
Tuesday, September 3, 2013
Kaya Kong Mabuhay Kahit Wala Ka
Ito ang mas healthy na sabihin kesa sabihing "Mamamatay ako kapag wala ka" o "Hindi ko kayang wala ka sa buhay ko." Kaya kong ipagpatuloy ang buhay ko, kaya kong mabuhay nang lubos, kahit wala ka, kahit mahal kita. Ganyan ang tamang pag-iisip. Yan ay dahil inaalagaan ko ang sarili ko nang tama. Binibigay ko sa sarili ko ang tamang pag-aaruga-- pag-aaruga na hindi ko dapat inaasahan sa kahit na sinong tao. Hindi obligasyon ng iba na arugain ako dahil obligasyon ko iyon sa sarili ko. Kaya kong maging ina sa sarili ko na nag-aasikaso ng mga pangangailangan ko - pisikal, emosyonal, sikolohikal. Iisa lang ang taong responsable sa buhay ko, kung ano ang magiging kalalabasan ng buhay ko, at iyon ay ako. Hindi ako sanggol na kailangang idepende ang buong buhay sa iba para mabuhay. Isa akong ganap na tao. Hindi nakadepende sa iba ang ikasusulong at ika-aatras ng buhay ko. Tanging ako lang ang makakagawa n'un. Kung anuman ang kalabasan ng buhay ko, ako at ako lang ang maaring sisihin o purihin dahil ako ang responsable sa buhay ko at wala nang iba. Taray.
Subscribe to:
Posts (Atom)