Hindi ko naasikaso ang spiritual life ko. Ang layo-layo ko na kay God. Hindi na ako attuned sa kanya. Ang dami-daming ingay, hindi ko Sya naririnig. Ang dami-daming galaw. Galaw ako nang galaw. Galaw nang galaw ang isip ko. Laging lipad ang isip ko. Kailangan na ng oras para pahupain ang ingay, patigilin ang paggalaw, padapuin at patigilin ang isipan.
Napapagod na ako sa walang direksyon na paglipad. Napapagod na akong laging lipad at magulo ang isip. Ang pinakamahalagang asikasuhin ay ang mga ito:
- Stillness (ano ba ito sa Tagalog?)
- Focus
- Single-mindedness
- Centeredness
- Being attuned kay God
- Being composed and calm
Being joyful- the joy that came from being attuned to God, yung hindi dumedepende sa external things, sa ibang tao, sa magagandang pangyayari -- kundi yung totoong kasiyahan. Nandito lang yun. Nasa akin lang. Natabunan. Kailangan lang linisin ko ang aking sarili kasi natabunan ng ingay at galaw.
Nakikita ko ang sarili kong in control sa aking monkey mind. Nakikita ko ang sarili kong walang erratic at needless energy. Nakikita ko ang sarili kong malinaw mag-isip, attuned sa feelings, relaxed at masaya. Yoga- union of the mind and body. Kailangan kong magsulat. Kailangan kong magsulat dahil iyon lang ang alam kong paraan para maglinis ng sarili.
Mas kailangan kong magsulat ngayon kesa kumain, matulog o magtrabaho.
No comments:
Post a Comment