Patay si Lolo, naka-white s'yang long sleeves at beige na pants. Nakahiga s'ya sa table. Burol n'ya. Tapos biglang namatay si Lola. Naka-duster s'ya ng floral na blue at white. Binuhat s'ya, nilagay sa ibabaw ni Lolo. Tapos maya-maya, nabuhay s'ya. Sabi ng mga tao, buhay pa pala. Bumangon nang kanya si Lola. Naka-salamin s'ya tsaka hindi s'ya masyadong mataba.
O sa English, slices of thoughts. Hindi akin ang title ng blog. Hiram ko ito sa isang taong nagpasilip sa akin sa mas makabuluhan at malalim na pag-iral, ang umakay sa akin patungo sa pagmamahal sa sining, sa wika at sa buhay. Si Rodel Calalo. Kung nasaan ka man, Rodel, hinding-hindi kita malilimutan. Kulang man ang salita, pero ito lang ang meron ako, kaya't patawad kung hindi man makasapat pero ang makakayanan ko lang sabihin, paulit-ulit, ay maraming salamat.
Friday, September 25, 2009
Tuesday, September 22, 2009
Wisdom of Sadness
Mas nararamdaman kong malungkot ako kasi mas malungkot maging malungkot sa crowd na masaya kesa maging malungkot mag-isa o kasama ng ibang malungkot.
Unang araw kong bumalik sa office pagkatapos mamatay ni Tatay. Gusto ko lang magpakapagod sa trabaho. Sana madaming madaming madaming trabaho.
Sabi ni Kaziela, sabi daw ni Rodel, pag daw nalulungkot tayo, dapat daw damhin ang kalungkutan para mas madali maging masaya.
Oo nga naman. Tsaka mas lumalalim ang isang tao kapag dinaramdam ang kalungkutan. Kailangan ko yun. Miss ko na yun. Kalaliman.

Friday, September 18, 2009
Job well done, Tatay!
Palagay ko, wala nang kailangang sabihin. Walang pagsisisi. WAlang panghihinayang. Hindi naman Superman si Tatay at hindi din ako super hero. May mga bagay na hindi n'ya alam gawin. Ganun din ako. Pero hindi ibig sabihin n'un na hindi n'ya ako minahal. Hindi ibig sabihin n'un na hindi ko sya mahal. Sabi sa akin ng Tiya ko, bahala na daw akong magpasensya sa pagkukulang ni Tatay. Hindi ko iniisip na may pagkukulang siya. Minahal n'ya ako sa paraang alam n'yang tama. Hindi iyon pagkukulang. Maaaring hindi katulad ng sa ibang ama pero hindi iyon pagkukulang.
Magpahinga kang payapa, Tatay. Job well done!
Magpahinga kang payapa, Tatay. Job well done!
Wednesday, September 9, 2009
Uphill Climb
Kailangan daw harapin ang challenge kasi pag hindi, magre-retrogress -- the mother in me told the child in me. . .
Subscribe to:
Posts (Atom)