O sa English, slices of thoughts. Hindi akin ang title ng blog. Hiram ko ito sa isang taong nagpasilip sa akin sa mas makabuluhan at malalim na pag-iral, ang umakay sa akin patungo sa pagmamahal sa sining, sa wika at sa buhay. Si Rodel Calalo. Kung nasaan ka man, Rodel, hinding-hindi kita malilimutan. Kulang man ang salita, pero ito lang ang meron ako, kaya't patawad kung hindi man makasapat pero ang makakayanan ko lang sabihin, paulit-ulit, ay maraming salamat.
Wednesday, January 19, 2011
Guhit ng palad
Love Line
Meron daw 3, ang isa daw ay gusto lang akong ikama, hahaha! Ang 2 ay totoong mahal ako pero ang piliin ko daw ay yung mas bago dahil yun daw ang magtatagal. Hmmmmm...
Head line
Ang passion ko daw at life work ay papuntang education. May isang bagay daw akong ginagawa ko dati at totoo kong passion na sinet-aside ko at yun daw ay kung pinagpatuloy ko dati ay magiging successful at magbibigay sa akin ng travel opportunities. Pero nasa sa akin lang daw yun, puede ko pa daw balikan. Balikan ko daw. Nand'un daw ang passion ko. Hindi pa daw itong ginagawa ko ang talagang passion ko.
Heart line
Ang career line ko daw, love line, at life line -- lahat ay nakakonekta dun sa isang bagay na sinet-aside ko. Mahal na mahal ko daw yun dati. Balikan ko daw talaga yun. (Tuloy na talaga M.A. sa June at tuloy lang ang Spanish classes?)
Travel line
Ang travel opportunity daw lagi lang nand'yan. Sa Sunday, puede na nga, haha!
Life line
Matagal pa daw akong mamamatay. Aabot daw ako ng 80's. Kailangan ko talagang ipagpatuloy ang yoga para kahit 80's na ako, supple pa din, hehehe!
Leadership
Spiral daw lines sa fingertips ko at ibig sabihin daw nito ay leader ako. Hindi daw magiging masaya ang marriage life ko kung hindi ako ang leader.
Kids
Magkakaroon daw ako ng 2 anak, hindi masabi kung babae, lalaki o kambal, hehe. Ok ang 2, ganun nga lang ang gusto kong anak.
Marriage
Magpapakasal daw akong tahimik na tahimik at biglaan. Shotgutn wedding siguro, hehehe.
Palm Reading
Ang ganda naman ng guhit ng palad ko. Madaming bagay na naging clear lalong lalo na sa love, sa life work at sa career. Galing!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
i'm trying to find the tagalog of "simian crease" and find myself here. hey, nice blog you got here. cheers.
thank you anonymous, hehehe!
hi.. curious lang po, psychologist po kau? if u dont mind, pwde ko rin po bang malaman ang kahulugan ng guhit ng palad ko?
Salamat po.
toto ba ang guhit na palad? pag kaalam ko tanging diyos lang ang may alam ng kapalaran ng tao, kasi tayo ay tao lamang wala tayo alam kong kailan darating ang kapalaran natin ..ang diyos ang makapangyarihan sa lahat... god bless you im jhey rendon of lao-ang samar
Hnd ata nila Pwede gawin un..
Kc I think dapat in personal ang pag consult sa knila
Post a Comment