Maganda ang umagang ito. Sumisikat ang araw pero hindi nakasisilaw. Hindi masakit sa balat at mata ang sinag. Makintab at berdeng-berde ang mga puno at halaman. Kumakaway ang mga dahon, sumasalubong sa aliwalas pagkatapos ng ilang araw na ulan. Umaawit ang hangin, mga ulap at ibon ng bagong simula. Bagong-ligong sanggol ang ngiti at amoy ng lahat ng may buhay.
O sa English, slices of thoughts. Hindi akin ang title ng blog. Hiram ko ito sa isang taong nagpasilip sa akin sa mas makabuluhan at malalim na pag-iral, ang umakay sa akin patungo sa pagmamahal sa sining, sa wika at sa buhay. Si Rodel Calalo. Kung nasaan ka man, Rodel, hinding-hindi kita malilimutan. Kulang man ang salita, pero ito lang ang meron ako, kaya't patawad kung hindi man makasapat pero ang makakayanan ko lang sabihin, paulit-ulit, ay maraming salamat.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment