O sa English, slices of thoughts. Hindi akin ang title ng blog. Hiram ko ito sa isang taong nagpasilip sa akin sa mas makabuluhan at malalim na pag-iral, ang umakay sa akin patungo sa pagmamahal sa sining, sa wika at sa buhay. Si Rodel Calalo. Kung nasaan ka man, Rodel, hinding-hindi kita malilimutan. Kulang man ang salita, pero ito lang ang meron ako, kaya't patawad kung hindi man makasapat pero ang makakayanan ko lang sabihin, paulit-ulit, ay maraming salamat.
Wednesday, April 23, 2008
(Meta) Pisika
Walang anumang bagay sa mundo ang napaparam.
Nagbabagong labas na anyo
o kaayusan ng pagkakabuo
ngunit walang napaparam.
Hindi lamang bagay na nakikita't nasasalat,
hindi lamang ang umuukupa ng espasyo,
ang dumadaloy,
ang nagsasahugis sisidlan,
o ang inihihinga,
ang sakop ng batas.
Yapos rin ng batas
ang mga walang bilang
walang kimpal
walang hugis.
Ang kaligayahan, halimbawa,
At ang pag-ibig.
(pasintabi kay Rodel)
Monday, April 7, 2008
Pagbobote
The word Enthusiasm first appeared in English in 1603 with the meaning "possession by a god." The source of the word is the Greek enthousiasmos, which ultimately comes from the adjective entheos, "having the god within," formed from en, "in, within," and theos, "god."
'Eto ang etymology ng salitang "enthusiasm". Iniisip ko kung ano ang enthusiasm sa Tagalog. Ang sabi sa English-Tagalog dictionary -- sigla, kasiglahan. Kapag sinabi natin na ang isang bata ay masigla, halimbawa, ang ibig sabihin ay hindi siya matamlay. Ang salitang "kasiglahan" ay mas konektado sa kalusuhan ng katawan. Kung matamlay ang isang bata, tinitingnan kaagad kung may sakit siya. Kung matamlay ang bata, kailangan n'ya ng iron o gulay. Samakatuwid, ang "sigla" ay nasa physical, nutritive level. Ang kasiglahan ng isang tao ay nakukuha unang-una sa tamang pagkain at pangangalaga sa katawan. Hindi na nasapo ng salitang "sigla" ang etymology ng enthusiasm -- "having the god within". Ano kaya'ng mas angkop na salitang tagalog para sa "enthusiasm"?
Sa dictionary, ito ang definition ng enthusiasm:
Enthusiasm -- n.
- Great excitement for or interest in a subject or cause.
- A source or cause of great excitement or interest.
Masaya nga sigurong maging magbobote kung iiisipin mong may kabuluhan ka sa iba. Kung walang magbobote, paano na ang ating mga toyo, suka at patis? Dati naman, hindi pa uso ang plastic na lalagyan. Maliit na bagay lang ang bote pero paano mabebenta ang patis, toyo at suka kung walang boteng lalagyan? Ano'ng lasa ng adobong walang toyo at suka? O kung gumawa man nang gumawa ng bagong bote ang mga pabrika ng toyo, suka at patis, paano naman ang ating mga nagamit na bote? Itatapon na lang natin nang itatapon sa likod ng bahay hanggang makalikha tayo ng bagong bundok na puro bote? O kung ayaw natin ng maruming bakuran, yung bakuran na lang ng ating barangay. O ng ating planeta.
Mahalaga at sa ikina-aayos ng iba at ng planeta ang ginagawa ni Lolo Anghel araw-araw. At ang kanyang gawain ay ginagawa n'ya ng may dignidad at enthusiasm. Ano pa'ng ibang gawain ang mas karapat-dapat asamin? Para sa akin ang angkop na Tagalog na salita para sa "enthusiasm" ay pagbobote.
Subscribe to:
Posts (Atom)