Wednesday, April 23, 2008

(Meta) Pisika


Walang anumang bagay sa mundo ang napaparam.
Nagbabagong labas na anyo
o kaayusan ng pagkakabuo
ngunit walang napaparam.

Hindi lamang bagay na nakikita't nasasalat,
hindi lamang ang umuukupa ng espasyo,
ang dumadaloy,
ang nagsasahugis sisidlan,
o ang inihihinga,
ang sakop ng batas.

Yapos rin ng batas
ang mga walang bilang
walang kimpal
walang hugis.

Ang kaligayahan, halimbawa,
At ang pag-ibig.

(pasintabi kay Rodel)



No comments: