Pumasok ako sa kuwarto ko dati na giba na ngayon. May nakita akong kakaiba. Ang takot ko. Napasigaw ako. Natakot din yung nakita ko. Lumipad s’ya palabas sa exhaust papunta sa kwarto nina Nanay. N’ung palabas s’ya sa butas, nakita kong isa s’yang penguin. Maliit na penguin. Ang akala ko owl. Pero penguin s'ya. Kulay itim, mukhang madulas at basa ang balat n’ya. Ang cute n’ya. Totoo s’yang penguin, maliit nga lang. Humarap muna s'ya sa akin bago s'ya tumalikod ulit at tumalon sa butas. Nanghinayang ako, bakit ako natakot.
Sa sahig, may aso. Ito yung aso na gusto kong bilhin. Pepper and mint. Mataba. Lumapit ako sa kanya at noong kukuhanin ko na s’ya, napansin kong may duyan. Duyan na gawa sa rattan. Yung para sa mga babies. Nakatali ang isang lubid sa bukasan ng bintana. Yung isa, nakatali sa hinges ng cabinet.
May mga sea creatures na kakaiba sa duyan. Malit lahat sila. Mahaba lang nang konte sa ruler. Isang sea lion na kulay light brown na may spots na itim. Hindi ko sure kung sea lion nga ang tawag dun o sea otter o seal. Yung 2 creatures, hindi ko na matandaan ang itsura. Ang aso, palakad-lakad sa sahig. Parang may hinahanap.
Narinig ko ang boses ng Nanay ko , sabi: “Yan! Para matuto kang mag-alaga!”
Weird.
No comments:
Post a Comment