Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa isip ko ang line na yan. Gumising ako ngayong umaga at basta ko na lang s’ya naalala. Yan ang sabi ni Ja noong nag-apply syang college instructor sa La Salle. Sabi n’ya gusto daw n’yang magturo kasi she wants “to become part of someone’s becoming”. Shet. Noong narinig ko s’ya, ang sabi ko sa sarili ko, “Ako din!”
Tuwing sinasabi ko sa isip ko yang line na yan, napapangiti ako. It’s making me feel good. Ang sarap ulit-ulitin sa isip. To become part of someone’s becoming. In a way, nagawa ko ito noong nagtuturo pa ako lalo na noong nagdidirect pa ako ng stageplays. Alam kong magagawa ko uli ito kung seseryosohin ko nang magsulat.
Nauunahan kasi ako ng takot tsaka pagkalito. Gusto kong magsulat ng screenplay. May ilan na akong storylines. Pero iniisip ko, paano ang pagtula ko? Sayang naman kung hindi ko ipapagpatuloy. Ang ganda na ng simula ko dati. Kailangan ko na lang balikan at ipagpatuloy. Tapos, sasagi sa isip ko, “Eh, paano ang theater? Dito ka nagsimula, di ba? Di ba dapat stageplay muna ang isulat mo?” Mag-aaway-away ang mga thoughts sa isip ko at mag-e-end up akong ine-evade ang sagot. Paralysis by analysis.
Magpapalunod ako sa internet. Dudungaw sa labas at tutunganga sa langit. Titingnan ang buhay ng mga dating kakilala sa Facebook. Magpapatangay sa gaslaw ng aking isip. Maya-maya aantukin na ako at hindi ko na natitigan, napa-upo at napag-desisyunan ang mga tanong. Bakit ako natatakot magsimula? Saan ako magsisimula? Ano’ng gagawin para maigpawan ang takot magsimula?
To become part of someone’s becoming. Noong weekend habang binabagtas namin ang SLEX at mag-isa ako sa likod ng kotse ni Tatay, nag-emote ako sa tumutulong tubig sa bintana (umuulan kasi noon). Habang pinapanood ko ang gumagapang na linya ng tubig sa bintana, naisip ko na ang selfish ko naman sa iniisip kong kontento na ako sa lahat ng aspects ng buhay ko at hindi ko na kailangang mag-exert ng effort for self-development.
Bakit? Kasi naisip kong responsibilidad ng tao na i-develop ang sarili n’ya – to become more so that they can share more -- . Parang Hope for the Flowers. Ang mga caterpillar, responsibilidad nilang magtago sa cocoon at hanapin ang paraan kung paano sila magiging butterflies kasi mas magiging maganda ang mundo kung may mga bulaklak. The more na madaming mag-exert ng effort para maging butterfly, the more na mas gaganda ang mundo dahil the more na mas dadami ang bulaklak sa mundo!!
Nakalimutan ko na ang responsibilidad ko sa mundong mag-struggle na ilabas ang butterfly sa akin para makadapo ako sa mga halaman. Para makatulong ako sa pamumukadkad ng bulaklak. To become part of someone’s becoming. Hindi ko alam kung bakit basta na lang pumasok sa isip ko ang line na yan ngayong pagkagising ko. Tinatawag na ako ng butterfly sa sarili ko. Kailangan ko na s’yang pakinggan.
Madali na ang paano ngayong may sagot na ako sa mga bakit. Bakit kailangang gumugol nang madaming oras sa pagbasa ng mga mga books? Bakit kailangang manood ng makabuluhang mga sine? Bakit kailangang laging gwardyahan ang utak sa self-destructive thoughts at magsumikap na maging positive? Bakit kailangang mag-struggle sa mga bagay na sobrang nakakatakot pero alam kong iyon dapat ang gawin ko?
Dahil I need to be more every day. I need to be more so that I can share more. I need to be more so that I can become part of someone or something’s becoming. Nalulunod ako dati sa takot. Takot na baka walang mangyari. Baka maging failure. Ang sarap panoorin ng Rent (yung musical) kasi ang mga characters dun walang takot. Natatakot sila pero in the end, napagtagumpayan nila ang takot. Kailangan ko ng harapin ang takot. Magsimulang mag-struggle para sa pinakamahahalagang bagay sa mundo -- ang pamumukadkad ng mga bulaklak!
No comments:
Post a Comment