Showing posts with label hope for the flowers. Show all posts
Showing posts with label hope for the flowers. Show all posts

Monday, June 21, 2010

Kailangang Maging Paru-Paro na Ulit





"How can I believe there's a butterfly inside you and me when all I can see is a fuzzy worm?"


Sa nakaraang dalawang linggo, ganitong ganito ang pakiramdam ko sa sarili ko. Pakiramdam ko, isa akong mababang nilalang na walang alam gawin kundi kumain, matulog, magpasikat sa natututunan kong Spanish, magpakita sa ibang tao at sa pamilya ko na magaling ako at maganda ang buhay ko.

Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Puno ako ng inggit, tampo, pagmamataas at pagpapaka-paimportante. Madali akong magtampo. Umaasa lagi akong lalapit sa akin ang pamilya ko at ipapaalam ang mga bagay-bagay na nangyayari. Umaasa akong tatawagin ako kapag may kailangang pag-usapan ang pamilya.

Masakit. Masakit talaga. Pero tanggap ko nang sila ang nakakaalam. Gusto kong sabihin sa kanila na wag na silang magpa-meeting kasi wala namang kwenta ang meeting. Napagdesisyunan na nila ang mga pag-uusapan bago pa man ang meeting. Para ano pang mag-meeting. Gusto kong sabihin sa kanila na dahil sila naman ang nakakaalaam, bahala na silang mag-desisyon. Wag na kaming magkunwaring may pagdedesisyunan sa meeting dahil wala na naman.

Masakit sa ego. At inaamin kong malaki ang ego ko. Ang totoo, ego nga ang nagko-control ng mga desisyon at mga aksyon ko sa buhay. Bakit ako nag-aaral ng Spanish? Bakit ako nagbi-business nang akin? Ano'ng intention ko? Ego -- para maging maganda ang pakiramdam ko sa sarili ko. Para masabihan akong magaling. Hinayaan kong ego ang mag-control sa akin.

Katulad ko na rin sila -- yung mga higad na umaakyat pataas tinatapakan ang bawat isa para makataas dahil lahat ng higad na nakikita nila ganun ang ginagawa. Pero hindi naman nila alam kung ano'ng nasa taas.

"What's at the top? No one knows that either but it must be awfully good because everybody's rushing there."


Hindi ako maayos ngayon. Yung mga bagay na sabi kong gagawin ko, kahit na yung pinakasimpleng bagay tulad ng pagdadala ng maduming damit sa laundry o paglabas ng basura, hindi ko magawa. Ang tamad-tamad ng katawan ko. Ang gusto lang ng katawan kong gawin ay kumain, humilata at matulog. Ang bigat-bigat ng katawan ko. Bago ako makagawa ng isang bagay, kailangang hinihila na ako ng oras o pupwersahin ko ang sarili kong gumalaw.

Wala akong tiwala sa sarili ko. Pakiramdam ko, ang bigat-bigat ng puso ko -- ang dami-daming naipong galit. Galit para saan? Para kanino? Galit sa sarili siguro. Klarong-klaro na hindi ito ang estado ng pag-iisip at pag-iral na dapat. Maliwanag na ang ako ngayon ay hindi ang nararapat na maging ako.


"Tell me, Sir, what is a butterfly?"

"It's what you are meant to become."

"It flies with beautiful wings and joins the earth to heaven. It drinks only nectar from the flowers and carries the seeds of love from one flower to another. "

"Without flowers, the world would soon have few flowers.
"


Ang pakiramdam ko, galit ako sa mundo. Hindi naman ako galit sa Diyos pero malayo ako sa kanya ngayon. Dati-rati, nag-eeffort ako para magsimba kasi nakakakuha ako ng spiritual blessing pag sumisimba. Pero ngayon, dahil ang tamad-tamad ko, kahit halos katapat na ng bahay namin ang simbahan, ni hindi pa ako nakasimba kahapon.

Ayoko na ng ganito. Hindi ako ito. Hindi dapat ganito ang ginagawa ko. Hindi ko gusto na ganito ako. May mga taong umaasa sa akin -- mga assistants ko sa balloon decorating services, kakilala kong pinangakuan ko ng trabaho pag lumakas ang party planning services ko. Ang hirap-hirap naman kasing pasayahin ng mga kliyente ko. Mas gusto ko pa yung mga hindi nagbabayad, yung mga hindi kayang magbayad. Ni hindi ko nga nakikita kung may napasaya nga kaming mga bata.

Natatakot na akong mag-ayos ng raket ko. Tinatamad na ako. Pero alam kong hindi dapat dahil nga may mga taong umaasa sa aken. At sa likod ng isip ko, sinasabi ko rin na kahiyaan na. Nasimulan ko na. Ang dami ko nang nabigay na oras at pagod dito. Ego. Ayokong isipin ng pamilya ko at ng ibang tao na failure ako. Ego.

Hindi ako totoong malaya. Alipin ako ng aking ego.

Kailangan kong mag-ayos ng buhay. Ang gulo-gulo eh. Dapat inayos ko yung get together ng batchmates ko sa Canossa. Dapat ako ang nag-organize nun. Alam ko namang inaasahan akong tumulong. Pero nakaya kong walang gawin. Nakaha kong hayaan na lang sila. Dapat inaayos ko na ang sarili ko. Nagawa ko na yun dati at kaya ko ulit yun gawin ngayon. Sabi nga nila pag daw nasa impyerno ka, wag ka daw magtatagal. Don't take pictures. Wag mong hayaang maging komportable ka dun. May mas maayos na buhay. Naranasan ko na yun dati. Kaya ko ulit ibalik ang gan'ung uri ng buhay.

Simple. Walang desire na magpasikat. Walang desire na masabihang magaling. Lahat ng bagay, nagsisimula at ibinabalik kay God. Walang takot. Walang bigat sa puso. Blessing para sa iba. Walang desire na maging importante. Walang desire na maging in control. Walang ibang klase ng buhay akong inaasam kundi ang ganung buhay. Tuwing wala ako dun, pakiramdam ko, nasa impyerno ako. Nasa impyerno ako ngayon.

Once you are a butterfly, you can really love. The kind of love that brings new life.

May galit, oo. Tamad ang katawan, oo. Laging lipad ang isip, oo. Mabilis magtampo, oo. Mahilig sa panandaliang aliw, oo.

Pero hindi ako magfo-focus sa mga yan.

Maayos ako. Mahal ako ng Diyos. Gusto ng Diyos na maging maayos ako. Gusto ng Diyos na maging maayos ako para maging blessing ako sa iba.

Kaya ko to! Simpleng buhay, may peaceful na pag-iisip, ang sentro ay si God at inilalaan ang oras, lakas, talino at talento sa paglilingkod sa iba.


You must want to fly so much that you are willing to give up being a caterpillar.





Tuesday, July 28, 2009

“To become part of someone’s (or something’s) becoming”

Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa isip ko ang line na yan. Gumising ako ngayong umaga at basta ko na lang s’ya naalala. Yan ang sabi ni Ja noong nag-apply syang college instructor sa La Salle. Sabi n’ya gusto daw n’yang magturo kasi she wants “to become part of someone’s becoming”. Shet. Noong narinig ko s’ya, ang sabi ko sa sarili ko, “Ako din!”

Tuwing sinasabi ko sa isip ko yang line na yan, napapangiti ako. It’s making me feel good. Ang sarap ulit-ulitin sa isip. To become part of someone’s becoming. In a way, nagawa ko ito noong nagtuturo pa ako lalo na noong nagdidirect pa ako ng stageplays. Alam kong magagawa ko uli ito kung seseryosohin ko nang magsulat.

Nauunahan kasi ako ng takot tsaka pagkalito. Gusto kong magsulat ng screenplay. May ilan na akong storylines. Pero iniisip ko, paano ang pagtula ko? Sayang naman kung hindi ko ipapagpatuloy. Ang ganda na ng simula ko dati. Kailangan ko na lang balikan at ipagpatuloy. Tapos, sasagi sa isip ko, “Eh, paano ang theater? Dito ka nagsimula, di ba? Di ba dapat stageplay muna ang isulat mo?” Mag-aaway-away ang mga thoughts sa isip ko at mag-e-end up akong ine-evade ang sagot. Paralysis by analysis.

Magpapalunod ako sa internet. Dudungaw sa labas at tutunganga sa langit. Titingnan ang buhay ng mga dating kakilala sa Facebook. Magpapatangay sa gaslaw ng aking isip. Maya-maya aantukin na ako at hindi ko na natitigan, napa-upo at napag-desisyunan ang mga tanong. Bakit ako natatakot magsimula? Saan ako magsisimula? Ano’ng gagawin para maigpawan ang takot magsimula?

To become part of someone’s becoming. Noong weekend habang binabagtas namin ang SLEX at mag-isa ako sa likod ng kotse ni Tatay, nag-emote ako sa tumutulong tubig sa bintana (umuulan kasi noon). Habang pinapanood ko ang gumagapang na linya ng tubig sa bintana, naisip ko na ang selfish ko naman sa iniisip kong kontento na ako sa lahat ng aspects ng buhay ko at hindi ko na kailangang mag-exert ng effort for self-development.

Bakit? Kasi naisip kong responsibilidad ng tao na i-develop ang sarili n’ya – to become more so that they can share more -- . Parang Hope for the Flowers. Ang mga caterpillar, responsibilidad nilang magtago sa cocoon at hanapin ang paraan kung paano sila magiging butterflies kasi mas magiging maganda ang mundo kung may mga bulaklak. The more na madaming mag-exert ng effort para maging butterfly, the more na mas gaganda ang mundo dahil the more na mas dadami ang bulaklak sa mundo!!

Nakalimutan ko na ang responsibilidad ko sa mundong mag-struggle na ilabas ang butterfly sa akin para makadapo ako sa mga halaman. Para makatulong ako sa pamumukadkad ng bulaklak. To become part of someone’s becoming. Hindi ko alam kung bakit basta na lang pumasok sa isip ko ang line na yan ngayong pagkagising ko. Tinatawag na ako ng butterfly sa sarili ko. Kailangan ko na s’yang pakinggan.
Madali na ang paano ngayong may sagot na ako sa mga bakit. Bakit kailangang gumugol nang madaming oras sa pagbasa ng mga mga books? Bakit kailangang manood ng makabuluhang mga sine? Bakit kailangang laging gwardyahan ang utak sa self-destructive thoughts at magsumikap na maging positive? Bakit kailangang mag-struggle sa mga bagay na sobrang nakakatakot pero alam kong iyon dapat ang gawin ko?

Dahil I need to be more every day. I need to be more so that I can share more. I need to be more so that I can become part of someone or something’s becoming. Nalulunod ako dati sa takot. Takot na baka walang mangyari. Baka maging failure. Ang sarap panoorin ng Rent (yung musical) kasi ang mga characters dun walang takot. Natatakot sila pero in the end, napagtagumpayan nila ang takot. Kailangan ko ng harapin ang takot. Magsimulang mag-struggle para sa pinakamahahalagang bagay sa mundo -- ang pamumukadkad ng mga bulaklak!