O sa English, slices of thoughts. Hindi akin ang title ng blog. Hiram ko ito sa isang taong nagpasilip sa akin sa mas makabuluhan at malalim na pag-iral, ang umakay sa akin patungo sa pagmamahal sa sining, sa wika at sa buhay. Si Rodel Calalo. Kung nasaan ka man, Rodel, hinding-hindi kita malilimutan. Kulang man ang salita, pero ito lang ang meron ako, kaya't patawad kung hindi man makasapat pero ang makakayanan ko lang sabihin, paulit-ulit, ay maraming salamat.
Sunday, August 14, 2011
Cannonball
Noong ganito ang nararamdaman ko, itong kantang ito ang lagi kong pinapatugtog. In love na naman ako. In love sa love. At ang object ay may girlfriend na ulet. Ikakasal na nga.
Bakit ako na-i-in love sa mga taong wala naman kaming future together? Or more apt, bakit ang mga guys na nagugustuhan ko ay nagkakataong taken na?
No answer but I got to keep the faith. Faith that nand'yan na s'ya.
I'll respect my feelings. Sabi nga ng kapatid ko: feelings are always real and valid. Hindi mo puedeng sabihin sa isang taong huwag dapat ganun ang feelings n'ya. Hindi mo puedeng sabihin sa sarili mong hindi dapat maging ganun ang feelings mo.
This is what I feel: I like you. I'm in love with the idea that I could be in love with you; that we could be in love. I validate my feelings for you. You make me want to be a better person.
Masaya akong may inspiration ako. Mababaw nga pero masaya ang may nagpapakilig sa iyo.
It's not hard to fall when you float like a cannonball.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment