Tuesday, May 5, 2009

After Watching “Rent”

Really, how do you measure life? How do you know if the life you’re living is good enough? What is a good life? There was a time when you ask me these questions and I can answer with full conviction and in one solid statement: A good life is a life spent on something bigger than myself. A life that is not spent on noble thing is a life not worth living. That was from Andres Bonifacio. I remember-- that was my motto while I was mentoring high school students in theater pro bono.

Well, that motto can’t pay for my rent today. Looking at this place where I am living now, I think I have achieved everything I have aspired for: my own place, my own space, lots of time to learn to cook vegetarian dishes, watch all the movies I missed, read all the books I planned on reading, explore the places I have never been to. I have all the time and space and all I needed to do is to use the ample time and space as planned but I am not doing that. It took a movie to make me realize it and that everything I was aspiring for was too self-centered.

One of the songs in “Rent” has this lyrics: “There’s only now, there’s only here . . no other path, no other way, no day but today”. I remember an old friend of mine Rialey said the same thing to me when in one long e-mail I shared more “noble” dreams, if I can call them that. She said that if I want to take that path, I should be the one to take the steps and not wait for the path to be cleared out for me. I think the disease that’s eating my life away is exactly that – waiting for the path that I want. Again, I find myself submerged deep into the “blissful ignorance” mode.

Did I leave my sheltered and comfortable life in Batangas just so I can make my own sheltered and comfortable life here in Manila? It’s useless to think about the reason why I designed my life as an artificial sweet bubble and how it came to be that way. I kinda miss being a carefree Manila streetchild back in college when the only thing I needed to secure while on the streets was the good friends I was with. But as the movie says, “There’s no past. . . There’s no future. . . There’s only today.”

I will not start wasting time on regret tonight. I am stopping on thinking about the past. That’s one insight I got from “Rent” that I’m sure I will never learn even if I watch “Wolverine” a hundred times. I enjoyed “Wolverine” but sometimes when all you see are beefed up bodies, beautiful faces, exciting stunts and flashy effects, sometimes you just miss watching a truly good movie – a movie that will make you think about things, make you remember –

Remember, for example, where you are in the greater scheme of things. It takes either a beautiful movie or death of someone you know to slap you in the face and make you remember -- Remember that life is short to spend on negativities and bitterness. Remember that life is happening here and now -- you don’t prepare for it, you don’t let it pass you by.

I was watching the last scene of “Rent” and I was so moved I wished I could hug all the people I know. Now, that’s a bit of an exaggeration. Can’t help it. I had the feeling that life is just wonderful – that even if there are worries looming at the back of my mind – the last ensemble scene made me feel joyful, inspired, exuberant! Yeah, maybe I just really missed watching these kinds of movies.

Life is here. Life is now. I don’t ever want to miss it again. The movie “Rent” made me remember how great life is and what makes it even greater is having wonderful, crazy, weird, beautiful people to share it with.

Tuesday, March 24, 2009

Kunwari, Totoo ito

Kunwari, magkasama tayo. Kunwari, sa beach. Malawak na puting buhangin. Pero hindi sa Boracay. Hindi rin sa Cebu. H'wag din sa Subic. Hindi yun sa Bohol. Basta, puting buhangin. Hindi pala buhangin. Dinurog na shells na kulay puti. Trak-trak na durog na shells na kulay puti. Durog na durog pero alam mong gawa sa puting shells. White sand nga rin ang tawag pero matalas, nakakahiwa ng talampakan pag nilalakaran nang walang tsinelas. Pero mula sa malayo, maganda. Para ngang Boracay.

Kunwari naalala natin ito.

Isang daan kunwari ang renta ng mga lamesa, gawa sa pinagdikit-dikit na kawayan, ang upuan, isang mahaba at malusog na kawayan. KA-WA-YAN. Tatlong daan kunwari ang cottage, sobrang mahal. Wala tayong pera, kunwari. Sa sasakyan na lang tayo nagbihis ng pampaligo. Kunwari, may sasakyan tayo. Kunwari, kulay gold.

Kunwari, pagabi na. Kunwari, hindi summer. Malakas ang hangin at malamig--masakit sa balat. Kunwari, katatapos lang ng n'un ng Pasko. Kaya kakaunti lang ang tao sa beach. Tayo lang, kunwari.

Hindi pala, kunwari may isang pamilya. Nasa dagat sila, sa mababaw lang. Hanggang bewang nila ang tubig. Nakatayo lang sila at nag-uusap. Nanay, Tatay at dalawang binatilyo. Nag-uusap sila pero hindi sila maingay. Minsan tatawa. Malapit lang sila sa atin. Naririnig natin sila, pero hindi natin sila maintindihan. Mga Koreano, kunwari.

Kunwari, nakaupo tayo sa buhangin--na hindi naman talaga buhangin pero tawagin na rin nating buhangin kasi mukha naman talang buhangin sa malayo. Kunwari, nakaupo tayo sa buhangin. Nakatingin sa dagat pero ang totoo sa mga Koreano. Walang sunset kasi hindi nakaharap sa West ang dagat. Kunwari, sa East. Kaya walang sunset.

Kunwari, nakatingin tayo sa mga Koreanong nagkukwentuhan pero pag tumitingin sila sa atin, kunwari, hindi natin sila tinitingnan. Pero ang totoo, tinitingnan natin sila.

Kunwari, ito pala ang totoo---

Ang totoo, nagkukunwari lang talaga tayo. Magkasama tayo kunwari pero ang totoo hindi naman. Ang totoo, totoo ang alaalang ito at tayo ang nagkukunwari. Nagkukunwaring masaya. Nagkukunwaring hindi nasasaktan sa mga salitang singgaan-singtalas ng hangin pag Disyembre. Nagkukunwaring walang nakakahiwang salitang gustong itapon sa isa't-isa.

Kunwari, ako lang pala ang nagkukunwari. Ako lang pala ang nagkukunwaring masaya, nagkukunwaring hindi nasasaktan, nagkukunwaring walang gustong sabihin.

Kunwari, dalawa lang ang pagpipilian ko-- ang alaala o ang pagkukunwari. Kaya mo bang isiping totoo ito at ang pinili ko'y ang alaala? Naiintindihan mo ba kung bakit? Mas totoo ang alaala ng buhanging puti kesa sa pagkukunwari, hindi ba?

Naaalala kita, ang puting buhanging hindi talaga buhangin at matalas sa paa, ang dagat na walang palubog na araw, ang lamig ng hanging masakit sa balat--ang lahat ng mga lugar, bagay, salita na nandun ka -- naalala ko ang mga ito at sa aking isip ito ang totoo.

Dito ako muling nagsisimula ngayong gabi, sa totoo.

Sana, hintayin mo akong matutunang palayain sa isip ko ang tayong nagkukunwari. Ang akong nagkukunwari. Kahit na puro kunwari ito, sana maniwala kang may totoo dito.

Friday, October 31, 2008

Kung bakit kailangang masarap ang karne

"Freedom does not mean doing whatever you like. Quite the opposite, it means not being a slave to your likes and dislikes."
-- secret

Tuwing may nagtatanong sa akin kung bakit hindi ako kumakain ng karne, hindi kaagad ako makasagot. Minsan, ang sagot ko, kasi mabagal ang metabolism ko, hindi ako makatunaw ng karne. May katotohanan dito kasi simula noong tumigil akong kumain ng karne, umayos na ang pag-download ko (ng dumi). Pero ang pakiramdam ko, hindi ito ang buong katotohanan.

Kanina habang naglalakad ako pauwi, naisip kong kung mag-isip ng mas maayos na sagot. Yun kasi ang pinakamahirap na tanong para sa akin. Sabi ko sa sarili ko, ito ang ihahanda kong sagot: "Kasi sumasaya ako kapag hindi ako kumakain ng karne." Siguradong hindi na ito masusundan ng tanong kung Muslim ako o Sabadista. O kaya, puede ring ngiti na lang, kibit-balikat at "Wala lang."

Hindi naman sa wala akong reason sa pagtigil ng pagkain ng karne. Hindi ko lang mai-explain yung reason. Ayaw ko ngang tawagin ang sarili ko na vegetarian. Ang notion ko kasi ng isang taong "vegetarian" ay isang taong dapat sumusunod sa kung ano'ng ibig sabihin ng vegetarian at sa pilosopiya ng vegetarianism. Pero wala naman akong sinusuportahang pilosopiya at hindi ko naman ina-align ang sarili ko sa kung ano ang definition ng vegetarianism.

Ang pinaka-totoong dahilan kung bakit ako tumigil kumain ng karne ay dahil wala akong pambili ng karne. Nawalan ako ng pambili ng karne kasi nawalan ako ng income. Nawalan ako ng income dahil nagpaka-bohemian ako pagdating ko ng Maynila. Nagpaka-behomian ako hanggang paubos na ang pera ko at isang buwan pa akong kailangang magtrabaho para magka-pera ulit.

Naka-survive ako ng isang buwan na P400 lang ang panggastos sa pagkain at transpo around Manila kada linggo dahil laging steamed kangkong o okra o pritong talong ang ulam ko. Namamalengke ako ng gulay para sa lunch at dinner at nag-go-grocery ako ng cereals at gatas pang-almusal. Yung natitirang P100 pamasahe ko papuntang mall sa tuwing pakiramdam ko mapa-praning na ako at ang natitirang P100, pasalubong ko sa mga pamangkin ko sa Lipa. Lahat ng ipinangkain ko sa labas pag may kasamang mga kaibigan, ipinanood ng sine, ipinang-taxi -- utang ko yun sa credit card kasi less than 3k lang ang budget ko noong una kong buwan ng pagtigil ng karne. Pangalawang buwan ko ng binabayaran ang utang ko sa credit card at siguro mga 4 na buwan pa para mabayaran ko lahat ng bohemin expenditures ko.

Alam kong may mauutangan ako at may nag-aalok naman, pero pinigilan ko ang sarili kong mangutang. Gusto kong magtanda ako. Gusto kong turuan ang sarili ko ng leksyon. Gusto kong iparanas sa sarili ko kung ano ang nangyayari sa taong puro pasarap sa buhay ang gawa. Hindi na uli siguro ako magka-kaskas nang magka-kaskas ng credit card nang wala akong pambayad at nang wala akong kinikitang pera Hindi na ako ulit magbubuhay maharlika dahil hindi naman ako maharlika. Maharlika lang ako dahil, heto na, aaminin ko na, spoiled ako sa parents ko, pero dahil pinili kong maging independent, kailangang magbaba ng antas ng buhay. Aliping namamahay na ako ngayon.

Kaya't nag nagbunsod sa akin para talikuran ang sizzing sisig at grilled pusit-- mga paborito kong ulam--ay karukhaan.

Totoo ito pero hindi pa rin ito ang buong katotohanan. Ang isa pang dahilan ay dahil noong college pa ako, nasubukan ko na'ng hindi kumain ng karne ng ilang buwan. Umattend kami ng yoga class kay Didi, isang monk sa Ananda Marga Manila at masyado akong nahikayat. Sumagi sa isip kong maging monk din. Dahil sobra akong nahikayat, nagsimula akong maging vegetarian at nagsimula akong umattend sa meditation session ng Ananda Marga na sumasayaw na nakataas ang dalawang kamay, nakapikit ang mata at paulit-ulit na kinakanta ang "Baba Nam Keba Nam Baba Nam." Hindi ko alam ang ibig sabihin n'yan, Sanskrit daw na mantra. Basta ang alam ko noon, gusto ko ang pakiramdam ko kapag nakakasama ko sila sa meditation session. Natural high iyon. Hindi ko nga lang ito naipagpatuloy kasi hindi kami nakapagbayad ng 4-session yoga at hindi ko na naisauli yung hiniram kong libro. Hindi ko rin naipagpatuloy kasi bumalik akong mag-yosi.

Marami pa akong naiisip na puede kong isagot at totoo lahat ito: bata pa kasi ako, mahilig na ako sa gulay. . . for good health. . .para humaba ang buhay ko para marami na akong oras na magsulat ng tula, play at films pag 70's na ako. . . kasi yung mga isda baka kinain ang mga lumubog sa dagat, yung mga pasahero ng MV Princes. . . kasi sabi sa balita, tinuturukan ng pampataba at salmonella ang mga manok. . .kasi ang mga baboy at baka nakaka-trauma ang sigaw pag pinapatay sa slaughterhouse . . .kasi may mga baka na ang pinapakain ay tinadtad na baka. . .kasi bata pa ako hindi ko na matagalan ang amoy sa isdaan. . . ito, caution, mushy ito pero tulad ng iba, totoo -- pinagpapatuloy ko ang pag-aayuno kahit tapos na ang holy week, pakiki-isa araw-araw sa paghihrap ni Jesus. . . kung hindi ako alipin ng pleasure ko sa pagkain, siguro madali na'ng hindi maging alipin sa iba pang pleasurable things (hypothesis lang). . .

Kawawa ang sunod na magtatanong sa akin kung bakit ako vegetarian. Mahaba-haba na ngayon ang isasagot ko.

Wednesday, August 13, 2008

My niche

i am most happy being a guide. i am not meant to be in the limelight. i am meant to guide so that others can shine. . .

Monday, June 23, 2008

Hindi Tuktok

Narito na ako, sa wakas, sa pinaghandaan ko ng walong buwan. Napatagal nga, dapat tatlong buwan lang na paghahanda. Madaming pagkakataong sumiksik ang pangamba na baka hanggang paghahanda na lang at kahit maghanda ako nang maghanda ay hindi na dumating ang araw na maramdaman kong handa na nga ako.

Pero narito na ako ngayon. At ngayong narito na ako, natutunan kong hindi pala ito katulad ng pag-akyat ng bundok na pag nakarating ka na sa tuktok, titingin ka sa iyong paligid, mapapatigil ka, lalanghapin ang sariwing hangin, ililibot ang paningin at patuloy na namamangha hindi lang sa narating at sa tanawin doon kundi pati na rin sa sariling lakas at pagsusumikap. Mapapaupo ka sa pagod (sa masarap na uri ng pagod) at iinom ng tubig. At habang patuloy na nilalasap ang pakiramdam ng pagtuntong sa tuktok, naroon ang pag-anyaya ng pamamahinga.

Hindi pala tuktok ang naabot ko.

Ang ilang buwang pag-iipon at paggamit ng lakas ng loob (minsa'y pagpapakubkob din), pagpapalinaw ng sandigang prinsipyo, pagdidisiplina sa sariling pag-iisip at katawan, muli't-muling pagpapaalala sa sarili ng kabuluhan ng buhay at mga gawain lalo na kapag pa-sirok na, ang mga ito at ang pagpupumilit na pagbabalanse ko nito sa pakikipagrelasyon ko sa tao -- lahat-lahat ng paghahanda na hindi man araw-araw nagagawa --- pero sila ang nagtulak sa akin papunta dito. At ngayong narating ko na ang pinaghandaan ko . . . disilussionment (hay, wala atang Tagalog dito).

Wala palang anumang bagay na ginawa ko sa paghahanda ang maaring itigil, maaaring iupo, at ipahinga. Mas malakas pa nga ngayon ang paghatak ng mga gawaing iyon at alam kong kung hindi ko sila muling susubukang gawin araw-araw, gugulong akong pabalik sa aking pinagsimulan.

Hindi pala tuktok ang aking narating kundi mas mataas lang na baitang.

Pahakbang na ako sa sunod na baitang. Pataas. . .

Thursday, May 29, 2008

Untouchable Class and my Birthright

Ang mortality (hindi ko alam kung ano ito sa Tagalog) ang isa sa pinakamahalagang definition ng term na "tao". Mas special ang mga bagay bagay sa isang tao kung alam n'yang may katapusan ang mga bagay-bagay sa kanyang buhay. Kung immortal ang isang tao, bale wala sa kanya ang mga bagay-bagay dahil alam n'yang may pagkakataon s'yang ulit-ulitin iyon nang ulit-ulitin. Ang mortality ng tao ang nagbibigay hindi lamang ng kulay kundi ng kabuluhan sa mga bagay-bagay. Ito ang nagmomotivate (ano ba ito sa Tagalog?) sa tao para gumawa nang maayos dahil wala na'ng magiging pagkakataon para gawin iyon dahil minu-minuto, segu-segundo, palapit nang palapit ang tao sa katapusan. Ulitin n'ya nang uliti'y mauubos ang buhay n'ya sa kauulit.

Huling araw ko na bukas sa pagsasayaw sa dance studio. Apat na buwang Lunes hanggang Biyernes, 8am-10am, halos walang absent. Ang dami-dami kong natutunan hindi lamang sa pag-express ng sarili, sa pagpapalaya ng galaw ng katawan, kundi pati na rin sa pakikipagkaibigan, sa pakikisama sa tao. Ang akala ko dati hindi ko na matututunang makipagkaibigan sa iba't-ibang uri ng tao. Ang akala ko, magiging limited sa mga taong katulad ko (katulad ng education, standing, age, etc) ang mga magiging kaibigan ko. Pero sa dance studio, naging part ako ng group.

Kahit iba-iba ang tao doon, may mga bagay pa ding maaari n'yong pagsimulan kahit sa unang tingin walang-wala kayong masasabi sa isa't-isa-- tulad halimbawa ng simpleng pagbati, pagngiti at kalauna'y pagtawa at kalauna'y halakhakan, usapang pamilya, usapang artista, mga balita sa pali-paligid, pagkain, mga concerns ng mga kababaihan -- kung paano liliit ang bilbil, ang pinakamabisang pagpapapayat, ang period cycle, ang hirap at sarap ng pagiging ina (kasi mga ina ang kasama ko dun), ang pagpapaliban ng pag-aasawa (na advice nilang lahat sa akin), magandang bra sa Avon, saan magandang bumili ng imported na bag, minsa'y usapang buhay ng may buhay. Ang sabi nga ng isa sa mga kasama ko -- "Dalawa lang naman ang masarap gawin sa buhay -- humilata at pag-usapan ang buhay ng iba." I don't agree pero it just shows kung gaano kakulay ang psychology ng iba't-ibang tao. Ang dami-daming maaaring maging character sa isang play. Gagamitin ko ang linyang ito sa aking magiging stageplay.

Ito ang grupo ng mga taong hindi apektado sa kung anumang estado ng ekonomiya ng Pilipinas. Kumbaga sa ideya ni Karl Marx, hindi sila ang controllers of production, hindi rin sila ang workers sa production. Sila ang "The untouchables". Kasi ang purchasing power nila ay nagmumula sa mga asawa nila sa abroad o sa professional services nila o ng mga asawa nilang abogado, doctor. Nagtaas ang bigas, walang epekto sa kanila. Nagtaas ang gas, walang epekto sa kanilang araw-araw na pagdadala ng Expedition at CRV . . at Vios. Nakapasok ako sa isang uri ng class society na sa tingin ko ay hindi pa kasama sa paliwanag dati ni Karl Marx ng mga classes sa kanyang Communist Manifesto. Isang class society na ang laki ng effects sa macroeconomy in terms of purchases pero halos walang effect sa kanila ang kung anumang nangyayari sa national economy. Kung lumiit ang piso, hihingi lang ng mas malaking dollar remittance sa asawa sa abroad o sobrang laki ng excess ng padala in the first place na walang kaso kung magtaasan man ang mga bilihin.

Hindi ko sigurado pero narinig ko minsan sa balita na halos 10 million na ngayon ang OFW. For the sake of argument, sabihin na nating 5 million sa kanila ay may pamilya. Kung isasama natin sa bilang ang asawa't mga anak ng 5 million na ito, safe na'ng i-estimate na 30-40 million na Pilipino ang nakikinabang one way or another sa pangingibang-bansa ng OFW's. That's almost half of the population of the Philippines. Kung tama akong ang population ng Pilipinas ay mga 80 million. Malaki-laking part ng lipunan ng Pilipinas ang mga taong itong nakikinabang sa mga OFW's. Tatawagin ko silang members ng "untouchable class".

I will attempt to define this class in contrast sa working class at yung mga nasa below the poverty line: Habang sa alas-sais pa lang pumipila na sa NFA rice distribution centers ang mga ordinaryong laborers, mga unemployed at mga taong lubog na lubog sa kahirapan --- itong bagong class society na ito ay pupunta sa dance studio at magpapapawis at hindi alam kung ano pa ang gagawin para mabawasan ang excess weight. (Nota bene: Hindi ako kasama sa class na ito. Ako ay isang middle class na ang affinity ay sa Tatay ko na ang source of income ay nandito sa loob ng bansa at hindi sa labas. Pero kung hindi pala ako makiki-ally sa Tatay ko, in a way para ding akong OFW. Kasi ang source ng aking income ay mula sa international companies).


Going back dito sa topic at hand which is this "untouchable class". Hindi ito pang-ja-judge sa lifestyle nila (kasi in a way nakikisama din ako sa lifestyle nila). I am just writing down some observations dahil hindi lang ako naging witness kundi kumbaga ay naging deep penetration agent din ako.

Ito ang mga asawang babaeng malalaki na ang mga anak. Malaya na'ng lumabas ng bahay. Madaming libreng oras sa buhay. Mahirap i-generalize ang mga tao kasi bawat tao, may iba't-ibang unique qualities pero maaari ding makita ang common denominator ng iba't-ibang tao. Sa case nitong "untouchable class", ang common denominator ay yun nga, hindi sila naaapektuhan sa mga economic woes ng bansa. Nagtaas ang mga bilihin, ang gas, lalo na these last few months, pero walang nabago sa lifestyle nila. Araw-araw pa rin silang tumatambay sa coffee shop sa baba ng studio, kapag napapasarap ang usapan, pinagpapatuloy sa lunch sa isang restau sa mall. Kapag napasarap ang kain, maya-maya, nasa dance studio uli, nagpapapawis.

I feel there is a stageplay here or a film. Madaming beses nang na-tackle ang buhay ng mga OFW's sa ibang bansa at ang effect nito sa relationship nila sa pamilya. Pero wala pa akong nababalitaan o napapanood na nag-aaral o sumisilip sa buhay ng "untouclable class" sa Pilipinas. Considering na ang Pilipinas ay isang mahirap na bansa, hindi ba't nakakagulat kung isa kang foreigner tapos makakasalamuha mo ang mga members nitong class na ito. They (sige, isama ko na ang sarili ko) -- We get the best of what the country offers because of our purchasing power but we do not give anything back to our country except maybe for the usual taxes -- purchase taxes at tsaka yung binabawas sa remittance. Since hindi namin sinisipsip sa ekonomiya ng Pilipinas ang aming purchasing power, protected kami sa kung anumang economic standing ng bansa. Kaya normal lang na wala kaming pakialam sa kung ano'ng nangyayari sa lipunan. Wala kaming opinyon maliban sa usapang pamilya at mga bagay na nagiging threat sa security ng aming pamilya. Hangga't hindi nagiging threat sa security ng aming pamilya, hindi namin pinakikialaman.

Again, in contrast sa working class at class na nasa ilalim ng poverty line: May aleng hindi pa nakakapagsaing ng bigas mula umaga dahil kadedelihensya pa lang ng pera at kapipila pa lang sa distribution center ng NFA. Hindi nakakatigatig ang ganitong imahe sa mga members ng "untouchable class". Araw-araw, dumadami ang mga batang kumakaskas sa tint ng kanilang kotse, at ang ikinababahala nila ay ang kanilang tint at hindi ang pagdami ng mga batang walang tirahan at proteksyon mula sa pangsasamantala ng matatanda. Ang mga semi-employed, (katulad ng mga tiyo ko sa Lucena), hindi nila alam kung saan sila kukuha ng sunod nilang kakainin pag wala pang maipatrabaho sa kanila ang DPWH, samantalang ang members ng "untouchable class" halos maglungad sa dami ng kinakain sa maghapon. Ang problema nila'y kung paano pa makakakain gayong bulwak na bulwak na ang tiyan.

Hindi pa ito ang class ng mga tycoons, ng mga Sy, Tan, Ang, Ong, Ayala -- hindi pa ito ang totoong controllers ng production ng bansa. Middle class pa lang itong "untouchable class" na ito. Kakaiba at iba pa din ang characteristics nila sa middle class na ang source ng ikinabubuhay ay dito sa Pilipinas -- entrepreneurs, mga professionals (middle class nga pala ng professionals, hindi kasama sa "untouclable class" kahit madaming professionals sa mga kasamahan ko sa dance studio).

Hindi ko alam kung ano ang patutunguhan nito. Gusto ko lang sigurong isulat ang mga observations ko lalo na ngayong hindi ko na sila makakasama. Last day ko na bukas. Madami din akong naging kaibigan sa kanila. Mamimiss ko ang barkadahang pagkakape, paghahalakhakan, pagtambay sa mall, pag-check out ng mga bagong mga bagay sa mall na hindi ko naman binibili kasi hindi kasing lakas ng purchasing power nila ang purchasing power ko. Mami-miss ko yung manonood ka ng American Idol sa gabi tapos may makaka-share ka ng iyong kuru-kuro sa umaga. (Siyempre, ang "untouchable class" mas feel ang American Idol kesa sa Pinoy Idol. Mas feel din nila ang Hollywood movies at sa TV, mas feel nila ang mga shows sa cable). Bukod pa sa mamimiss ko ang pagsasayaw at ang mga sayaw, mamimiss ko din ang mga taong kasabay kong sumayaw. Mamimiss ko ang mga yun kahit na ano pa sila kahit pa ano'ng class pa sila. There really is such a thing as sharing of oneself even without words. Yung energy na naibibigay mo at nakukuha mo. Yung gaan ng pakiramdam mo, na-ra-rub yun sa iba kahit wala kang sabihin. At kung may taong ganito din ang nararamdaman, mara-rub yun sa iyo. Osmosis. Mamimiss ko ang osmosis tuwing may dance sessions. Mamimiss ko ang mga sayaw. Tuwing maririnig ko sa radyo ang mga kantang sinasayaw namin, napapangiti ako. Special ang sayaw hindi dahil particularly napakaganda ng tugtog, ng music, ng sayaw pero dahil sa memories na naka-ukit sa kanta.

It is not only the freedom to move, to dance, to express freedom na mamimiss ko. It's the whole context that supports freedom for expression. It's the whole environment. Hindi lang ako masigla, hindi lang ako buhay na buhay pero more than that, yung opportunity at supportive environment para sa osmosis papunta sa akin ng buhay, energy at positivity. Yung araw-araw, magigising akong excited at nakangiti kahit may mga bagay na kailangang ipag-worry. Yung araw-araw, magda-drive akong nakangiti sa ganda ng umaga, sa mga motorista, sa mga pedestrians. Yung pagngiting external smile lang ng pagsmile ng iyong kalooban, ng iyong puso. Ang sabi nga ng baduy na baduy na kanta ng laos nang si Sandara Parks, "A Smile in Your Heart". Yung papasok ka sa daily mong pinapasukan at may babatiin ka, may opportunity ka to brighten someone's day. At nasa tama kang environment to pick up the positive vibes of the people na merong ganito at bigyan ng positive vibes ang mga taong wala pa. Everyday is a wonderful day because I am dancing, because I dance dun sa studio na yun, because nandun ang mga taong nandun sa studio na yun. Everyday is a wonderful day because I know that hindi habangbuhay iyon. It will only last for a couple of months.

Everytime I dance I feel I am finally enjoying my birthright: freedom of expression -- ang kalayaang malamukot ang pinakakatas ng buhay. Paano ko maiiwan ang pagsayaw? Maiiwan ko ang "untouchable class" lifestyle pero hindi ko maiiwan ang sayaw. Tuwing nagsasayaw ako, nalilimot ko ang pagkakasulat sa akin ng lipunan. Nalilimutan kong anak ako, bunso akong kapatid, babae ako, middle class ako, may trabaho ako -- nawawala ako sa aking sarili. Nakakalaya ako sa discursive construction sa akin ng lipunan. Ang naiiwan lang ay ang katawan, kaluluwa, at ang musika.

Tapos na "untouchable class" lifestyle. Last day na bukas. Mamimiss ko ang mga tao at ang supportive na environment. Talagang ganito, kailangang may isacrifice para sa priorities. Maghahanap na ako ng malilipatang bahay sa Maynila next week. Mamimiss ko sila. Mamimiss ko ang supportive at masayang environment. Mamimiss kong maging instant pamangkin ng lahat ng mga Tita ko dun. Pero hindi pa ito ang katapusan ng pagsasayaw para sa akin; simula pa lang ito. Paano kong maiiwan ang isang birthright?

Thursday, May 22, 2008

Hiatus

This is the calm before the storm.

This silence foretelling an end

and a beginning.

Silence --

It is not the absence of words or thoughts.

No, it is the harbinger of a great explosion--

Deafening

Yet soundless--

Implosion!

Yes, it is the harbinger of a great implosion--

This silence.

This calmness.

This.