Sa umaga, nauuna pa ang takot sa akin na gumising.
Kapag iniisip ko ang mga gagawin ko sa araw, natatakot ako.
Kapag naalala ko kung anong petsa na at kung gaanong kabilis ang mga araw, natatakot ako.
Kapag naalala ko kung gaano na akong katanda, natatakot ako.
Kapag naiisip ko ang Nanay ko at ang madalang kong pag-uwi para makita siya, natatakot ako.
Kapag naiisip ko ang mga pamangkin ko at kung paanong ang bilis nilang lumaki nang hindi ko sila nakikita o nakakasama, natatakot ako.
Kapag naalala kong matagal na nga palang hindi ko nakakasama ang mga kaibigan ko, ang kokonte kong totoong kaibigan, natatakot ako.
Kapag naririnig ko ang boses ni Prof. S., sinasabi niyang ang Rizal ay kay J. ang pina weaving ay kay A. Kailangan kapag may isang topic, sasabihin na yun ay sa iyo. Lahat ng magtatanong tungkol sa topic na iyon, ikaw at ikaw lang ang makakasagot. Kailangang may genealogy ka ng iyong ideas. Saan ka nagmula? Si Caroline Hau at Reynaldo Ileto ay nagmumula kay Benedict Anderson.. Ikaw, saan ka nagmula? Natatakot ako dahil wala akong maisagot.
Kapag nakikita ko sa facebook ang mga ka-batch ko na nagpo-post tungkol sa achievements ng kanilang mga anak, natatakot ako.
Kapag naalala kong ang pinakamalalapit na kaibigan ko ng college ay may asawa na, ang isa ay may anak na, ang isa ay buntis na, natatakot ako.
Kapag iniisip kong gawin ang gusto nang ipagawa sa akin ni G. na sabihin na kay J, natatakot ako.
Kapag aalis ako ng bahay mag-isa at kailangan kong mag-bisikleta, natatakot ako.
Kapag aalis ako ng bahay nang gabi, natatakot ako.
Kapag naalala kong wala pa akong nasisimulan at nagagawa sa mga sinabi ko sa sarili kong gagawin ko ngayong taon, natatakot ako.
Kaag nakikita ko ang mga braso ko at mga binti at kung paanong hindi na sila katulad ng dati na makinis at hindi tuyo, natatakot ako.
Kapag iniisip ko na ang dami kong gustong gawin, magpapayat, makarating kung saan-saan gamit ang aking bike, magsulat, makatapos ng tula, makatapos ng screen play, makatapos ng stage play, finally i-meet si R. At si K. At si C. at si B, magkaroon ng expertise sa cultural research, maging successful sa negosyo, at lahat ng iyon ay hindi ko nasisimulan at naggagawa at natatapos, natatakot ako.
Pinaparalyze ako ng takot ko.
Tulungan Niyo po ako.
O sa English, slices of thoughts. Hindi akin ang title ng blog. Hiram ko ito sa isang taong nagpasilip sa akin sa mas makabuluhan at malalim na pag-iral, ang umakay sa akin patungo sa pagmamahal sa sining, sa wika at sa buhay. Si Rodel Calalo. Kung nasaan ka man, Rodel, hinding-hindi kita malilimutan. Kulang man ang salita, pero ito lang ang meron ako, kaya't patawad kung hindi man makasapat pero ang makakayanan ko lang sabihin, paulit-ulit, ay maraming salamat.
Wednesday, March 4, 2015
Thursday, January 29, 2015
Childhood dream
Noong 4th year high school ako, hindi ko gustong mag-aral sa La Salle o Ateneo o UP. Naka-focus ang isip ko noon sa isang Singapore Writing Institute na nakita ko ang ad sa Reader's Digest. Sa ad na iyon, may stick figure na nasa likod ng rehas. Tapos may malaking nakasulat na "Free the writer in you!" Isang correspondence course iyon on writing and being paid for what you write. Pagsulat sa magazines, pagsulat ng ads.
Sinulatan ko ang address na andun sa ad at pinadalahan nila ako ng mga brochure about the course. Hanggang ngayon, nasa akin pa din ang mga laman ng envelope na yun, pati ang reply slip na hindi ko nasulatan at hindi ko naipadala.
Bago ko pa mabuksan iyon, nabasa na malamang iyon ni Nanay. Nung binuksan ko kasi, sulat kamay na nya ang nakasulat sa recipient's address sa part ng envelope na plastic at kita ang loob.
Isang sentence pa lang ang nasasabi ko kay Nanay at Tatay, guho na lahat ang pangarap kong gawin after high school. Isang malaking kalokohan daw iyon. Sa La Salle daw ako papasok katulad ng Kuya ko. Naka-take na ako at nakapasa sa entrance exam sa La Salle. Pasa rin ako sa UST at St. Scho. Pero bagsak ako sa UP.
Hindi ako ganung ka-excited pumasok ng La Salle. Ang gusto ko lang sana ay correspondence course on writing. Peromalaki ang pasalamat ko na pinag-aral ako at pinagtapos ng college. Maaaring hindi ako yumaman nang sobrang yaman pero sigurado akong sa buong buhay ko, hindi ako maghihirap.
Naalala ko ito dahil sa movie na "Wish I was Here" na kakapanood ko lang ngayon. Si Zach Braf ay struggling actor sa L.A. at ang asawa niya si Kate Hudson ay isang data encoder. May isang scene doon na sinabi ni Kate Hudson kay Zach, "When did this relationship become only about supporting you?" At sa isang sulat, siinabi ni Zach na, "I don't want you to stop pursuing your dreams."
Ang tagal-tagal na noong panahon na nagsimula akong mangarap na maging writer. Hanggang ngayon, iyon pa rin ako: yung stick figure na nasa likod ng rehas. Nakikita ko pa rin ang mga words na "FREE' at "WRITER". Hanggang ngayon, iyon pa rin ang pangarap ko. Ang makaramdam ng totoong kalayaan. At ang maging totoong manunulat. To touch others' lives with words and stories.
Sa movie, nagtanungan si Zach at Kate kung anong time nakita nila ang isa't-isa na pinakamasaya. Sabi ni Zach, pinakamasaya daw si Kate nung una syang natutong mag-surf. Sabi ni Kate, pinakamasaya nyang nakita si Zach noong nag-play siya na isang character ni Shakespeare.
Iniisip ko kung ano ang mga oras na pinakamasaya ako. Yung nanalo kami sa Tiktaktalaok noong 3rd year high school ako. Noong binigyan kami nina A. ng trust na gumawa ng sarili naming short performance isang general assembly sa school at ako at si A. ang nagsulat ng voice over. (Tungkol sa metaphor ng jeep sa buhay.) Noong sinusulat ko ang "Ang Bukas ay si Juan" na sinali ko sa Centennial writing contest sa La Salle at nanalo ng first place. (Parehong nakaka-high yung time na sinulat ko iyon at yung time na nalaman kong nanalo ako.) Noong nakita kong umiiyak ang dati kong high school teacher noong nanonood sya ng sinulat at dinirect kong play para sa Tiktaktalaok ng mga high school students ng La Salle. Noong sinusulat ko ang mga tula na ipapabasa ko sa LIRA workshop lalo na yung tungkol sa puno ng niyog na kulay orange. Noong nag-share ako sa mga students ko ng mga insights on life na nakuha ko sa Les Miserables. Noong naka-receive ako ng text mula sa Benilde na interested sila sa application ko. Noong kasama ko si J, G. ay Y., ini-explore ang Maynila at sining at buhay. (Editor's note: parang ang yabang naman ng dating nito pero naiintindihan kong kailangan mong ipaalala sa sarili mo ang mga ito lalo na ngayon.)
To become part of others' becoming. To touch and inspire others with words. Wala namang nagbago sa pangarap ko simula noong 4th year high school ako.

Sunday, November 30, 2014
Yolanda
Mag-iisang taon na pala akong walang entry dito. Hindi ako makapaniwala. Grabe, isang taon na na wala akong sinusulat dito. Ano ba ang nangyari sa akin ng isang taon? Ano ba ang nangyari sa akin ngayong taon?
Ito ang nangyari sa akin --
Na-in love ako. Pumasok ako sa relasyon. Ito ang uri ng pag-ibig na gibang-giba ako at sirang-sira lahat ng bubong at pader at lahat ng pang-protekta ko sa hagupit ng sakit. Parang si Yolanda, pumasok ang pag-ibig sa loob ko at winasak lahat ng nagpo-protekta sa mala-gulaman kong puso. Ito na ang signal number na talagang malakas. Ito na ang pag-ibig na totoo. Ito ang pag-ibig na nakakapagpabago ng terrain ng aking pagkatao.
Ok lang sa akin na nasasaktan ako ngayon. Ibig sabihin nun, umiibig ako. Sana nga lang mabalanse ang sakit at ang saya. Kung gaano daw kalalim ang ukit ng sakit, ganun din daw kalalim ang pagsisidlan ng ligaya. Pero bakit parang humukay na lang kami nang humukay ng sakit? Sana, yung matinding saya naman.

Thursday, December 5, 2013
Jeff
Naaalala ko ang kislap ng mata mo kapag
nagkukwento ka ng mga nabasa mong nobela, kwento, tula at mga napanood mong pelikuka. Naaalala kita ngayon bilang isang napaka-mapagbigay
na tao. Nagbabahagi ka nang sarili,
oras, ng mundo mo, ng buhay mo, ng mga kwento, ng mga alam mo, ng kung ano ang
meron ka. Kinukulit ko ang alala
ko. Tanong ako nang tanong: Anong araw, anong pangyayari, anong taon,
anong oras noong pinagtagpo ulet tayo.
Ang natatandaan ko lang ay may nagkwento sa akin na lagi daw kayong
nakikita sa CCP ni J. Noong lagi tayong magkasama, nasa US na ata si J. Hindi ako sigurado. Kaya kinukulit ko ang alaala.
Iniisip ko ngayon na siguro kaya kailangan mong
basta na lang mawala ay dahil kailangan mong mag-ipon ulet ng sarili para
maibahagi sa iba naman. Nasaid ka siguro
noon dahil napakamapagbigay mo. Hindi ko
na maalala kung ilang buwan tayong naging napaka-lapit sa isa’t-isa, maghapon
at magdamag nang magkasama ay hindi pa rin natatapos sa pagkukwentuhan at
pag-aapuhap sa kahulugan ng buhay sining.
Sa buong oras na iyon na kasama kita, napaka-rubdob at nakakapaso ang
pag-ibig ko sa buhay. Napaka-rubdob ng
pag-ibig ko sa iyo.
Nagsakatawang-tao sa iyo ang kabuuan ng konsepto
ko noon ng kalayaan: walang pakialam sa panghuhusga ng lipunan; sobra-sobra at
nakasusugat na pagkakatotoo sa sarili; ang
mundo ang tahanan, ang mga nakakasalubong at nakakasalamuha sa buhay ang
pamilya at kamag-anak; walang limitasyon ang paglipad ng hiraya; humihila ng
lahat ng tao at pangyayaring ka-enerhiya tulad ng isang bato-balani; buo ang
loob, lahat ng bagay ay isang karnabal na kapana-panabik pasukan.
Hayaan mong alalahanin kita. Hayaan mong ibigin kita sa mga alaala. Mahal kita, Jeff. Lubus-lubos.
Naaalala ko, isang madaling araw na nakatambay
tayo sa saradong pinto ng simbahan sa may Roxas Boulevard, nakita natin si Rodel. Matagal nang patay si Rodel noon pero pareho
tayong naniniwalang si Rodel yun. Sa
kilos, sa ngiti. Sa pagdadamit. Rodel na Rodel. Ang ating “literary mother.”
Naaalala ko, tuwang-tuwa ka sa pinanood nating
ballet show sa CCP. May mga kasama tayo
noong nanood, hindi ko na matandaan kung sino pero malamang si G. at si Y. Pagkatapos ng show, ang sabi mo, pag
nagka-anak ka, dapat babae. Dapat bata
pa sya, nagba-ballet na sya. Dapat lahat
ng frustrations mo, gagawin niya. Kakaiba
ang sense of humor mo. Pero lagi mo
akong napapatawa.
Naalala ko, nag-imbento ka ng kwento tungkol sa
tatlong matandang dalagang landladies ko at sa binatang anak ng isa sa kanila. Ang sabi mo, siguro hindi ko alam, pero sex slave
ang binatang anak ng tatlong babae at ang akala ng binata ay gan’un ang normal
na pagmamahal ng mga tiya. Pinapasulat
mo pa sa aking stageplay ito. Ang sabi mo,
nakikita mo na kung paano ang hitsura ng stage.
Sari-sari ka.
Naaalala kita, kung gaano mo kamahal ang libro ni Nick Tiongson tungkol sa pelikula. Umaapaw sa mata mo ang saya at lalim ng pag-aappreciate at pagmamahal sa mga kinukwento mong pelikula.
Naaalala ko, nagpapalitan tayo ng libro, yung mga
librong paborito natin ang pinapabasa natin sa isa’t-isa. Ang huling dalawang libro ko na nasa iyo,
kinuha ko pa sa bahay nyo kasi hindi ka na noon masyadong nagpaparamdam at
hiram ko pa ang mga libro sa library ng Benilde.
Naaalala ko, first time natin nina Y. at G. na
magkape sa sosyal na kapehan sa Malate.
Umorder ka ng espresso dahil yun ang pinakamura at lahat tayo nagulat
dahil sobrang liit lang pala ng tasa ng espresso. At tawa tayo nang tawa kasi sa sobrang pait
ng kape, ang tagal mong naubos yung maliit na tasa.
Naaalala ko, favorite mong porma ay maliit na
t-shirt, malambot at faded na maong pants, sandugo sandals, body sling na bag
at knitted cap na galing Baguio. At
laging may malong sa loob ng bag mo. Dye
tie na violet.
Naalala ko, sinamahan mo pa rin akong umattend ng
film showing sa CCP kahit masama na pala ang pakiramdam mo. Habang nanonood ako, nakita kitang nakahiga
at lamig na lamig. Umuulan noong umuwi
tayo. Kinuha kita ng taxi. Lamig na lamig ka noon.
Naalala ko, noong ako ang may lagnat, dinalhan mo
ako ng isang litrong apple juice. Sabi
mo, mas maganda ang apple juice kesa sa gamot.
Nawala na agad ang lagnat ko pagkagising ko kinabukasan.
Naaalala ko ang mga daliri mo, payat, mahaba, laging
malinis ang mga kuko.
Naalala ko, isang gabing umattend tayo ng poetry
reading sa Benilde. Nandun din pala ang
mga naging kasabayan mo sa literary journal noong college. Nasa kabilang side sila ng room. Miss na miss
na miss ka nila. Kita ko sa mata
nila. Alam mo bang nagkita ulet kami ng
isa sa kanila, si M. Kasama ko noon si
G. Pagtingin niya sa akin, napangiti
siya kay G. dahil siguro ang akala niya ikaw si G. Hindi niya ako pinansin. Hindi ko na maalala kung pinansin ko siya o
hindi.
Naaalala ko, sumama kayong dalawa ni G. sa akin na
umattend ng workshop sa yoga sa isang mongha na nakatira malapit sa boarding
house. Ang payat-payat mo na pero
sinamahan mo pa rin akong mag-vegetarian.
Laging tokwa ang inoorder natin sa Goto King sa SM Harrison.
Naalala ko, nag-submit ako ng tula sa LIRA dahil
sa pag-uudyok mo. Wala akong tiwala sa
sarili kong pagsusulat pero ikaw, meron.
Natapos ko ang ilang buwan ng lingguhang workshop dahil sa isip ko, sinasabi mong kaya ko. Noong oath taking ko para maging official
member ng LIRA, tinext kita, ang sabi ko sa iyo, salamat sa tiwala at sa
pag-udyok sa akin. Ang reply mo sa akin,
kung hindi naman ako tumuloy, hindi ako makakatapos. At sabi mo, ipagpatuloy ko lang. Alam mo bang simula noon hanggang ngayon,
wala pa akong naiisulat na tula? Alam mo
bang kaya ako tumula noon ay dahil sa iyo?
Siguro magkikita tayo pero iba na ang lahat. Siguro hindi na tayo magkikita. OK lang yun.
Ang sabi nila, ang pag-iisip at pag-aalala daw sa isang tao ay
pagtatapon ng enerhiya sa taong iyon. Nagtatapon
ako sa iyo ngayon ng enerhiya. Enerhiya
ng pag-ibig. Inihahatid ng
uniberso. Sana makarating sa iyo.
Tuesday, September 3, 2013
Kaya Kong Mabuhay Kahit Wala Ka
Ito ang mas healthy na sabihin kesa sabihing "Mamamatay ako kapag wala ka" o "Hindi ko kayang wala ka sa buhay ko." Kaya kong ipagpatuloy ang buhay ko, kaya kong mabuhay nang lubos, kahit wala ka, kahit mahal kita. Ganyan ang tamang pag-iisip. Yan ay dahil inaalagaan ko ang sarili ko nang tama. Binibigay ko sa sarili ko ang tamang pag-aaruga-- pag-aaruga na hindi ko dapat inaasahan sa kahit na sinong tao. Hindi obligasyon ng iba na arugain ako dahil obligasyon ko iyon sa sarili ko. Kaya kong maging ina sa sarili ko na nag-aasikaso ng mga pangangailangan ko - pisikal, emosyonal, sikolohikal. Iisa lang ang taong responsable sa buhay ko, kung ano ang magiging kalalabasan ng buhay ko, at iyon ay ako. Hindi ako sanggol na kailangang idepende ang buong buhay sa iba para mabuhay. Isa akong ganap na tao. Hindi nakadepende sa iba ang ikasusulong at ika-aatras ng buhay ko. Tanging ako lang ang makakagawa n'un. Kung anuman ang kalabasan ng buhay ko, ako at ako lang ang maaring sisihin o purihin dahil ako ang responsable sa buhay ko at wala nang iba. Taray.
Kailangan ko ang ibang tao, siempre. Kailangan ko ng may magmamahal sa akin. Kailangan ko ng may mamahalin. Kailangan ko ng mga kaibigan. Kailangan ko ng pamilya. Kailangan ko ng mga makakasama sa iba't-ibang gawain sa pagtahak sa lubos na pamumuhay. Pero sa huli, ako at ako pa rin ang responsable sa buhay ko. Hindi ko puedeng sisihin ang ibang tao kung hindi maayos ang buhay ko. Sa huli, ako dapat ang pinakanagmamahal sa sarili ko. Mas makakapagmahal ako nang tama kung ganun kesa aasahan ko ang ibang punuin ang pagkukulang ko sa sarili ko.
Wednesday, July 17, 2013
Paano malalaman kung totoo kang nagmamahal
Kung ang sakit-sakit na pero hindi mo pa rin siya kayang mahirapan.
Kung may choice kang hayaan na lang siya pero hindi mo kaya.
Kung inaasikaso at iniisip mo pa rin ang kapakanan niya kahit galit ka sa kanya.
Kung bigay ka pa rin nang bigay kahit napapagod ka na.
Kung may choice kang hayaan na lang siya pero hindi mo kaya.
Kung inaasikaso at iniisip mo pa rin ang kapakanan niya kahit galit ka sa kanya.
Kung bigay ka pa rin nang bigay kahit napapagod ka na.
Friday, March 29, 2013
Totoong Kaibigan (Kindred Spirits)
Ilang beses ko na itong nabanggit sa mga kaibigan ko, sa mga kaibigan kong pinili kong maging kaibigan pa rin. Sabi ko sa kanila, habang tumatanda tayo, mas bumibigat ang mga responsibilidad, mas kumokonte ang oras para sa pakikipag-kaibigan. Kung may trabaho ka, may pamilya, konte na lang ang natitirang oras para sa ibang bagay. Kung madami kang kaibigan, paano mo pagkakasyahin ang kakaunting natitirang free time mo sa napakadami mong kaibigan? Makikilala mo pa ba silang lahat nang lubos? Makakapagbahagi ka pa ba ng sarili mo kung napakadami mong kaibigan?
Para sa akin, ang totoong kaibigan ay isang kindred spirit, hindi parang pera sa bangko na iiwan mo lang at i-e-expect na lalago ang friendship n'yo over the years. Ang totoong kaibigan para sa akin ay yung hindi mo mapigil na hindi magbahagi ng sarili sa kanya, malayo man siya o malapit. May connection kayo at nararamdaman n'yo itong connection na ito, malayo man kayo o malapit.
Ito ang dahilan kung bakit nitong mga nakaraang taon, may mga taong nilaglag ko na sa roster ng pagiging "kaibigan ko". Masakit pakinggan, pero siguro talagang kailangan iyon sa buhay. Hindi naman sa hindi ko na sila pinapansin o kinakausap, pero pinili ko na lang ang mga taong papapasukin ko sa pinaka-kalooban ko. Tulad nga ng sabi ko sa isang tao, hindi ko naman kailangan ng madaming kaibigan. Kailangan ko lang ilang kaibigan na talagang totoo.
May 3 akong totoong kaibigan mula high school. May 1 noong college. 2 from former work. At 1 sa grupo ko ngayon. At may ilan pang medyo close pero hindi pa din pasok na pasok sa pinaka-loob ko. Madami pa din akong ibang kaibigan pero hindi na sila nakaka-abot o nakakalapit man lang sa pinaka-loob ko. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ako ang tipo ng taong basta na lang nagpapapasok ng mga tao sa pinaka-loob ko. Mawala man lahat ng ibang kaibigan sa outer circle ng loob ko, hindi ako masyadong matitigatig. Masasaktan, oo, at mami-miss sila, kung sakaling lalayo. Pero, matitigatig mula sa loob, hindi. Hangga't nandiyan at patuloy kaming nagbabahagian ng sarili ng mga pinaka-kaibigan ko, ng kindred spirits ko, hindi ako matitigatig.
Wednesday, March 20, 2013
Tangang Tanong
Masaya ako kapag kasama kita. Gusto kong tinitingnan kitang tinitingnan ako. Kapag hindi kita kasama, iniisip kita. Bumibilis at lumalakas ang tibok ng puso ko kapag iniisip kita. Mas lalo na kapag makakasama na kita. Kapag mag-isa ako, lumilikha ako ng istorya sa isip ko: Ikaw at ako. Iniisip ko na ang sarap siguro kung mamahalin mo ako. At kung mamahalin kita. Iniisip ko kung paano kita mamahalin. Hinahayaan kong maglaro ang aking hiraya kung paano mo akong mamahalin. Nasasaktan ako kapag biglang hindi mo ako pinapansin nang walang dahilan. Nasasaktan ako kapag mas gusto mong makipag-usap at sumama sa iba. Ang dami kong hindi nagagawa dahil mas gusto kitang maka-kuwentuhan at makasama kaysa gawin ang mga kailangan kong gawin, kahit mahalaga pa ito sa akin. Pero hindi ko sinisisi ang sarili ko. Lalong hindi kita sinisisi. Kasi masaya akong kasama ka. May mga oras na gusto kita yakapin. May mga oras na gusto kong yakapin mo ako. Matagal, mahigpit at walang pagtatago ng totoong sarili. Handa akong gumawa ng mga bagay para sa iyo, para hindi ka mahirapan. Isang sabi mo lang, gagawin ko.
Mahal na ba kita?
Saturday, December 1, 2012
Dahil May Biyaheng SM North-Luzon
Kahit na tinanghali ako ng gising kaninang umaga; kahit na habang lumalampas ako sa mga nagja-jogging sa Bike Lane ng Academic Oval habang sinasabi kong "Bike!" para hindi ako mag-bell at may sumagot na "Tao!"; kahit na hindi ko natapos ang pag-aasikaso sa visa requirements ko; kahit na hindi ako nakapag-gawa ng reaction paper sa pinanood naming play para sa klase; kahit na hindi ko nadala sa pagawaan ang nirarayuma kong bike; kahit na isa't kalahating oras akong late sa klase kasi akala ko 5pm ang start katulad ng iba kong mga klase pero 3:30 pala kasi Sabado ngayon; kahit na hindi ako umabot sa pagpapa-update ng ID ko kasi sarado na ang library pagdating ko; kahit na nag-drop si B. sa klase; kahit na na-discourage na akong mag post graduate studies dahil nakita kong magkakatabi ang mga Ph. D. students sa klase kanina at naisip kong kung ganito rin lang ang magiging asal ko pag Ph. D. student na ako, ayoko nang mag-aral; kahit na dumugo ang tenga ko pakikinig sa paulit-ulit na pagtatanong ng kasama ko ng "Ok lang ba ako, ok lang naman ako, di ba?"; kahit na hindi masarap ang inorder kong pagkain sa Tokyo Tokyo;
Kahit na lahat na lang yata ng puedeng mangyaring hindi gugustuhin ng isang taong mangyari sa isang araw n'ya ay nangyari sa akin ngayong araw, at kahit na hindi ako masaya, nagpapasalamat ako para sa araw na ito.
Nagpapasalamat ako kasi nasasaktan ako. Wala na talagang papantay pa kay Kahlil Gibran n'ung sinabi niyang "Pain is the breaking of the shell that encloses your understanding." Kapag nasasaktan ka, nababasag ang "blissful ignorance" na pag-iral. Nagiging in touch ka sa emotions mo. Kanina, habang nagba-bike ako sa acad oval, tumutugtog ang "Ang Tangi Kong Pag-Ibig" sa bell sa school of music. Bigla kong naalala si Lola Nena. Naalala kong tinutugtog ko ang kantang iyon sa organ at nasa tabi ko siya, kumakanta. Tuwang-tuwa siya at napapasayaw pa. Ang pakiramdam ko noon, ako ang pinakamagaling tumugtog ng organ kasi enjoy na enjoy si Lola. Pero ang totoo, hindi pala ako magaling. Appreciative lang si Lola sa akin. Madali lang talaga siyang maka-appreciate. Natutuwa siya noon hindi dahil magaling akong tumugtog kundi dahil apo niya ako. Hindi ko nga kailangang maging magaling tumugtog. Hindi ko kailangang tumugtog. Kinagigiliwan ako ni Lola kahit wala akong ginagawa.
Siguro isa itong paalala sa akin. Ang tugtog ng "Ang Tangi Kong Pag-Ibig." Napaka-comforting kasi ng ganung klaseng pag-ibig. Yung hindi mo kailangang gumawa ng kahit na anong bagay. Minamahal ka, may gawin ka man o wala. Naranasan ko ang ganung klaseng pag-ibig sa Lola ko, sa Nanay ko, sa mga kapatid ko. Napapagod na kasi ako. Sa klase, kailangang magaling ang sasabihin mo sa klase para magustuhan ka ng prof. Kailangang maganda ang paper para masabihan kang magaling. Kailangang maganda ang concept mo pag magpe-perform ka. Kailangang magpakitang courteous ka at thoughtful sa housemates para hindi ka masabihang masama ang ugali. Sa pagba-bike, kailangang malakas ka at mabilis para masabihan kang magaling. Para makakuha ng poging boyfriend, kailangang mag-effort pagpapaganda at pag-to-tone down ng pagiging feminist at pagiging malakas ang character. Sa lahat na lang ng bahagi ng buhay, kailangang magaling ang ginagawa mo para matanggap ka. Napapagod na ako nang ganun.
May makaka-appreciate naman sa aking tao kahit hindi ako laging enthusiastic, di ba? May makakatanggap pa din naman sa akin kahit hindi ako sobrang masayahin, as in brimming with positivity, di ba? Nami-miss ko nang maging sincere. Nami-miss ko nang hindi natatakot makipag-usap sa tao, hindi natatakot na ija-judge ako at hindi kakausapin dahil apaw ako, dahil boring ako, dahil tahimik ako...
Napapagod na akong mag-extra effort para matanggap ng tao. Ano ba ang balanseng hindi ako hyper pero hindi naman ako matamlay? Hay, yung sinasabi nilang basta magpakatotoo ka lamang, parang ang hirap naman nun.
Anyway, nagpapasalamat ako kasi nasasaktan ako. Dahil nasasaktan ako, biglang naghahanap ako ng "something real" sa sarili ko. Kasi mas "real" ang pain kesa sa "bliss" (in the sense of blissful ignorance). Kasi ang blissful ignorance, minsan, isang fantasy lang. Ang pain, talagang pain ito, walang dudang ang sakit ay sakit ay sakit.
Dahil may sakit akong nararamdaman sa puso, nakapagsulat ako ngayon dito. Cliche na kung cliche pero tama si Bon Jovi, "The poet needs the pain." The writer needs the pain. Dahil wala akong makausap na sincere, at dahil "may sakit" ako, nabalikan ko ang blog na ito.
Nagpapasalamat ako sa pagbibigay sa akin kay A. na nakakausap ko nang totohanan. Sinasabi sa akin nang harapan ang gusto niyang sabihin.
Nagpapasalamat ako dahil naibalik sa akin kanina ang naiwan kong gift para kay Nick sa isang shop sa SM North. Na-underestimate ko ang tao. Nawalan kaagad ako ng pag-asa na makukuha ko pa yun. Pero nakita ko ang binili kong gift sa counter sa tinambayan naming milk tea shop. Kapag pala may naiwan kang gamit sa Maynila, may mga tao pa ding tapat. Akala ko sa Maynila, everyone's for everyone. Mali pala ako. May mga nagtatabi pa rin pala ng mga naiwang gamit para ibigay kapag hinanap iyon.
Nagpapasalamat ako dahil may jeep na bumabyaheng SM North-Luzon. Napangiti talaga ako nung na-realize kong sa kanto ng Congressional at Luzon ang bababaan ng mga jeep sa rutang ito. Sa mga nangyari kasi mula kaninang umaga, ini-expect ko na na madaming hassle pag-uwi. Ang dami-daming hindi ko nagawa ngayong araw dahil hindi ako in control sa isip ko, dahil pinapayagan ko siyang tumakbo nang tumakbo sa isip ko. Pero nawala ang bigat na dala nang lahat ng mga blunders ko ngayong araw dahil may jeep sa SM North na byaheng Luzon. Lahat na lang ng puedeng mangyaring hindi gugustuhin ng isang tao ay nangyari sa akin ngayong araw, pero matutulog akong nakangiti ngayong gabi kahit nasasaktan dahil sa ruta ng jeep na ito. Mahal pa rin ako ni Lord kahit wala akong ginawang magaling ngayong araw. :-)

Thursday, September 6, 2012
Nakakapagod Ding Magpakasaya
Paano nga ba ulet maging totoo sa sarili? Nakalimutan ko na kasi. Kailangan ko ba talagang mag-effort para magustuhan ako ng tao? Hindi ba puedeng magustuhan ako nang hindi ako nag-e-effort? Hindi ba puedeng wala akong extra effort, normal lang na gawi ko, pero magugustuhan pa rin ako? Bakit ba conscious na conscious akong magustuhan ako ng tao?
Kapag ako ay ang ako na nag-e-effort na maging masaya at maging masayahin, ako ba yun? Yun ba ang totoong ako? Paano kung sumapit ang ganitong oras na pagod na akong magpakasaya? Paano kung pagod na akong ngumiti? Paano kung nananabik na akong makatabi muli ang kapayapaan sa kalungkutan?
Ang tao talaga, walang kasiyahan. Dinadalangin ko dating makasama ako sa isang grupo para hindi ko maramdamang mag-isa ako at hetong andito na ang grupong iyon, takot na takot pa rin akong hindi matanggap sa grupo kaya exag ang pagpapakasaya ko. Gusto ko kasing magustuhan nila ako. Kaya, lagi akong ngumingiti. Lagi akong mabait. Pero paano kaya yun, pagod na akong magpakabait sa kanila at pagod na akong ngumiti?
Masaya ang pakiramdam na nakaka-konekta ka sa tao. Na may nakakaintindi sa iyo, na may nagmamalasakit sa iyo, na may mga taong may pakialam sa iyo. Na naiintindihan mo din sila, nagmamalasakit ka din sa kanila at may pakialam ka rin sa kanila. Pero kailangan ata laging magtago ka ng isang bahagi ng sarili mo para maka-konekta ka sa tao? Posible kaya ang ugnayan ng totoo mong sarili sa totoong sarili ng isang tao? Posible kayang walang bahagi ng sarili mong itatago mo kapag nakikipag-ugnayan ka sa tao? Matatanggap ka pa rin kaya?
Hindi naman ako nakikkipag-plastikan. Napapagod na lang akong lagi akong conscious sa sarili ko -- na kailangan kong maging masayahin lagi. Napapagod na akong i-sustain ang personality kong cheerful ako, friendly, may sense of humor, mahilig tumawa at hindi naba-bad trip. Ok lang namang ma-bad trip ah. Ok lang namang sumama ang pakiramdam dahil mababa ang nakuhang grade sa paper. Ok lang namang malungkot dahil hindi kami makabitan ng internet sa bahay dahil laging pinuputol ng kapitbahay ang wire. Ok lang namang maging seryoso at mainis kapag may nangyaring nakakainis.
Nagwawala na ang bahagi ng sarili kong seryoso at totoo. Sincere. Sakal na sakal na daw sya sa loob kasi lagi na lang yung sarili kong masayahin at ignorantly blissful ang inilalabas ko. Ilabas ko daw naman sya.
Siguro, namimiss ko lang talagang magsulat. Namimiss kong maging sincere at totoo sa sarili. Nami-miss kong hindi na kailangang timbangin kung may magagalit sa bibitiwan kong salita. Nami-miss kong mawala sa sarili at magpatabon sa salita. Kailangan kong magbasa at magsulat pa sa Tagalog. Witty akong magsulat sa English pero namimiss kong maging sincere sa pagsusulat ko sa Tagalog.
Yun lang siguro ang kailangan ko. Ang daming oras na sinasayang ko sa pagpapalipad ng isip, sa pag-co-construct ng personality at ego ko, sa pag-rerehearse kung paano dapat ako gagalaw o makikipag-usap para masabihan akong mabait ako. Napapagod na ako. Kahit gaanong nakaka-enjoy ang ganung gawain, nakakapagod din pala.
Pinapabayaan ko ang mga salitang basta na lang lumabas sa bibig kong parang utot. Nahihiya ako sa salita. Wala akong paggalang sa salita, sa kung paano ako magsalita, at sa kung paanong mabuhay ako sa salita. Walang paggalang.
Gusto ko ng magsalita mula sa aking puso. Gusto ko ng maging totoo sa sarili. Ayaw ko ng mag-evade sa emotions. Ayaw ko ng mag-evade na tumingin at makipag-ugnayan ng totoo sa tao. Ito ang totoong ako. Sincere at nagsasalita mula sa puso.
At muli, ibinalik ako ng pagsulat sa aking totoong sarili. Salamat po!

Monday, March 12, 2012
Anting-anting
Kanina, habang nag-aalmusal ako, kausap ko si Maracas (not her real name). Hindi ko na maalala kung bakit napapunta kay Lola Nena ang usapan. Hindi ko na talaga maalala. Kaya kailangang isulat ko ang mga bagay-bagay.
Ituloy ko na. Eto ay kuwento lahat sa akin ni Maracas.
Pang-ilang stroke na pala ni Lola bago ang huling stroke niya kung saan naging bed-ridden siya nang 5 taon. Alam ni Lola na 5 taon siyang aalagain dahil sinabi niya yun kay Maracas noong unang taon niyang alagain siya. Paralisado kasi si Lola. Kamay at paa.
Maraming naniniwala na may anting-anting si Lola. Sa 5 taon na bed-ridden siya, madaming beses na hinang-hina na si Lola pero papainumin lang ng tubig at lalakas na uli siya. Sa mga oras na bumabalik ang lakas niya, magsisimula siyang magsalita nang magsalita nang malakas. Mura nang mura nang halos tumatagal nang 1 oras.
Sa mga ganitong mood ni Lola, inilalabas siya ni Maracas sa isang upuan at hinahayaan niyang mag-exercise nang mag-exercise sa pagmumura. Hanggang sa hihina nang hihina ang pagmumura. Ibig sabihin, napapagod na siya. Maya-maya, tatawagin na ni Lola nang malambing si Maracas.
"Maracas. . . Maracas. . . hihiga na ako."
Nasa leeg daw ang anting-anting ni Lola. Napapansin ng mga anak niya ang maliit na bukol sa kaliwa niyang leeg. Kasing-laki daw ng jolen. Noong namatay si Lola, napansin nilang wala na ang bukol na ito. Kung bakit hindi nila tinanong kay Lola ang jolen na ito at kung ano ito ay hindi ko na naitanong.
Ang hinala nila, kay Andoy na anak ni Lola (not his real name) napapunta ang anting-anting ni Lola. Ilang araw bago mamatay si Lola, napansin ni Maracas na hinang-hina siya at hindi na nakakapagsalita. Tinawag na niya ang mga anak ni Lola. Araw-araw pumupunta si Nanay noon. Pabalik-balik din ang ibang mga anak kasama na si Andoy.
Wala si Maracas sa tabi ni Lola noong namatay siya pero alam niyang patingin-tingin si Andoy at ang isa pang anak ni Lola. Nagbanlaw lang ng mga damit si Maracas. Pagbalik niya, patay na si Lola. Pero hinala niya, bago mamatay si Lola, naipasa niya ang anting-anting kay Andoy.
Gusto ko sanang itanong kung paano yun pinasa. Noong niluwa ni Lola ang anting-anting, sinubo ni Andoy? Literal na sinubo? Pero alam kong hindi nga nakita ni Maracas kaya hindi ko na tinanong dahil alam ko naman ang isasagot niya.
May nabanggit din si Maracas na kapag daw ganung may anting-anting ang isang tao, ang mabisa daw na pang-alis doon ay gatas mula sa ina na iisa pa lang ang anak at dapat lalaki ang anak. Mga 1/4 daw na baso ng gatas na ito ang ininom ni Lola isang araw bago siya mamatay.
Tanong ko: "Eh san kayo nakakuha ng gatas na iyon?"
Sabi niya, may kakilala daw silang kaaanak lang. Kung ako ang babaeng iyon at hihingan ako ng gatas niya, hindi kaya nakakapagtaka iyon?
Ano kaya ang sinabi nila noong humingi sila ng 1/4 na baso ng gatas sa babaeng iyon?
Naiintindihan ko kung bakit kailangan na iyong gawin. Katulad rin lang iyon noong binulungan ko ang isa kong Lola (sa side ng Tatay ko) isang gabi bago siya mamatay: "Lola, hirap na hirap na po kayo. Magpahinga na po kayo. Ayaw na po namin kayong maghirap. OK na po kami. Sige na po, magpahinga na po kayo."
Coincidence lang kaya na namatay si Lola isang araw pagkatapos niyang uminom ng gatas mula sa nagpapadedeng inang unang beses pa lang nanganak at at ang anak ay lalaki?
Coincidence lang kaya na noong gabing binulungan ko si Lola, hindi na siya nagising kinabukasan?
Totoo kayang may anting-anting, Iboy?

Sunday, March 4, 2012
Letter to Iboy
Dear Iboy,
Ang weird lang kasi ang tagal-tagal na ng blog na ito pero ngayon lang ako magsusulat ng letter para sa iyo. Pakiramdam ko, ang layo-layo ko na sa iyo, sa mga bagay na sinisimbolo mo. Nawala na ba ang dating akong may passion sa buhay at nag-iisip ng mga idealistic na bagay tulad ng pagbibigay ng theater workshop sa mga public high schools tuwing summer, pagsusulat at pagdi-direct ng play nang libre para sa mga estudyante, pagtuturo nang may paniniwalang may mga matang mabubuksan at mga pusong magliliyab sa pagmamahal sa buhay, sining, katotohanan at kagandahan.
Masyado na ba akong lumulubog sa kamunduan, Iboy? Paano mo nagawa yun? Nabubuhay ka sa kasalimuotan ng mundo, sa materiality ng mundo, pero napapanatili mong fertile ang creative life mo? Paano ka nakakapagsulat ng tungkol sa pilosopiya kung wala kang tutulugan sa gabi kundi sa madilim na sulok ng simbahan? Paano ka nakakapagsulat nang may conviction at pag-ibig kung hindi mo nakukuha ang pag-ibig sa mga taong dapat umiibig sa iyo?
Kung may isang bagay na natutunan ako sa iyo, yun ay ang laging tumingin sa sarili at magtanong, "Kumusta na ba talaga ako?" Nasaan na ako sa buhay ko? Nasaan na ang ipinaglalaban ko?
Kakapag-meeting lang namin kahapon, board meeting. Magkaiba tayo, Iboy kasi kung security ng buhay ang pag-uusapan, secure na secure ang sa akin. Yun ba ang dahilan kung bakit nawawala na sa akin ang struggle para sa isang creative life?
Pero hindi naman sustainable ang dati, di ba? Kaya nga ako umalis sa security at comfort sa bahay, nagpaka-independent, nagpaka-corporate slave dahil nakita ko na dating hindi ko kayang i-sustain ang creative life nang walang pera. Hindi ako susuportahan nang ganun-ganun na lang. Hindi privelege ang creative life, one has to earn it. Pero sa proseso nang pagsubok na humanap ng trabahong makakapagsuporta sa creative life ko, nagpalamon naman ako sa dinadaanan kong pagsubok.
Dalawang taon akong nagpakasarap sa sweldo kong nakukuha ko sa pagiging mechanical word factory. Namuhay ako sa blissful ignorance. Bar, movies, facebook, junk food, sights and sounds ng Makati, pagiging in love sa love. Independent ako, may sariling pera, may sariling bahay, ang daming makikita at mapupuntahan sa Maynila. Ang nalimutan kong pasyalan at galugarin ay ang aking sarili.
Mabuti na ngang na-aksidente ako at ilang linggong hindi makakalakad. Tigil lahat. Ang M.A. ko, ang biking ko, ang mga to-do's. Ito ang pagkakataon para i-suspend lahat at tumigil sa mata ng mga bagay-bagay. Matagal ko nang tanggap na hindi ako maiintindihan ng tao sa paraang gusto kong ipaintindi ang sarili ko. Pero isang malaking kasalanang hindi ako gumagawa ng paraan para intindihin ko ang sarili ko.
Tama na nag pagkukumpara ko sa iba, sa pakikipag-kumpetisyon ko sa iba, sa inggit ko sa iba --- Mas madaming lugar s'yang napuntahan. Mas malakas ang loob n'ya to try new things. Mas successful sya sa pagtatayo ng business. Mas mature s'ya kung mag-isip. Mas alam n'ya ang gagawin. Mas payat s'ya. Mas kumpleto ang buhay n'ya kasi may asawa't anak s'ya. Mas masaya s'ya kasi in love sya. Mas madami s'yang kaibigan. Mas masasaya ang napuntahan ng barkada nila. S'ya, nakaka-connect sa tao, gusto s'ya nang madaming tao, ako hindi. S'ya marunong makihalubilo sa tao, ako laging takot sa tao. And so on and so forth.
Hay, Iboy...Para saan pang mag-struggle para makapagsulat? Paano ako babalik sa creative life? Paano ko didisiplinahin ang utak kong wag ikumpara ang sarili ko sa iba? Paanong tuturuan ko ang sarili kong ang gawing preoccupation ay hindi pagkumpara ko sa iba?
Tulungan mo naman akong bumalik sa isang buhay na may struggle at kabuluhan. Paano ba, Iboy?

Monday, September 19, 2011
People pleaser no more

Konting tiis na lang, matatapos ko din ang Level B2 Spanish ko sa ICM. Hangga't maaari, ayaw kong maging mapang-husga sa ibang tao kasi madami rin naman akong kapintasan. Pero pag minsan, katulad ngayon, nasusuka na ako sa sarili ko sa pagiging people pleaser ko. Ang pinaka-ayoko sa lahat na ugali, ang pagiging plastik, yun pa ang natutunan ko sa pagpilit na magkaroon nang maayos na relasyon sa mga kaklase ko.
Paano ko ba sasabihin sa kanya na ayaw ko naman siyang kasama? Na mas gusto ko pang mag-isa kaysa kasama siya? Na kung hindi ako nahihiyang hindi sumama sa kanya, kina R. ako sasama.
Wala siyang ibang alam kundi kalandian. Pumapasok lang siya sa klase kasi wala siyang ibang magawa sa buhay. Maghapon at magdamag siyang nasa internet. Nasa facebook. Sa bagay, hindi ko dapat siya pinapakialaman pero ayaw ko na kasi talagang maging associated sa kanya.
Magagaling ang mga bakla pero isa siya sa mga dahilan kung bakit bumababa ang pagtingin ng tao sa mga bakla. Puro kalandian ang alam niya.
NA-MI-MISS KO NANG MAGING TOTOO SA SARILI!
Alam ko naman na kaya niya ako niyayaya at kinakausap ay dahil walang ibang kayang tumiis sa kanya. Walang ibang gustong sumama sa kanya. Wala kasi talaga siyang sense kausap.
Hanggang kailan ako makikipag-plastikan sa kanya? Napapagod na akong maging mabait sa kanya.
Titiisin ko na lang ba hanggang November? Kung hihiwalay ako sa kanya, paano? Pag minsan iniisip kong pinagpala ang mga autistic, at least hindi nila iniisip kung paano sila magugustuhan ng tao. Pero hindi naman ako puedeng basta na lang kunwari naging autistic. Hindi naman puedeng pagtaguan ko siya tuwing break time.
Sobrang mas masayang mag-isa kesa kasama siya!
Ang sabi ni Jesus, kung mabait ka lang sa mga taong gusto mo, walang kuwenta yun. Wala daw yung pinagkaiba sa pagmamahal sa sarili. Dati inisip ko, baka naman may mas malalim pa sa kanya. Hindi ko lang alam pero baka produkto ng isang malalim na sugat kaya siya ganun. Pero ilang buwan ko na siyang inuunawa. Ilang buwan ko na siyang pinag-papasensyahan.
Madali lang sumimba tuwing Linggo, tumayo pag pinapatayo, lumuhod pag pinapaluhod, sumagot pag pinapasagot, kumanta pag pinapakanta. Pero ang mahirap ay ang sundin ang thinking ni Jesus.
Sabi ng mga Pharisees kay Jesus, bakit daw siya nakikisalamuha sa mga makakasalanan? Ang sabi ni Jesus, hindi naman daw kailangan ng doktor ang mga taong walang sakit.
Pero hindi naman ako doktor. Hindi naman ako si Jesus. Heto na, nalilito na ako. Stop na.
Sakit sa bangs!
Labels:
autistic,
classmate,
icm,
instituto,
people-pleaser,
relationship,
self
Sunday, August 14, 2011
Cannonball
Noong ganito ang nararamdaman ko, itong kantang ito ang lagi kong pinapatugtog. In love na naman ako. In love sa love. At ang object ay may girlfriend na ulet. Ikakasal na nga.
Bakit ako na-i-in love sa mga taong wala naman kaming future together? Or more apt, bakit ang mga guys na nagugustuhan ko ay nagkakataong taken na?
No answer but I got to keep the faith. Faith that nand'yan na s'ya.
I'll respect my feelings. Sabi nga ng kapatid ko: feelings are always real and valid. Hindi mo puedeng sabihin sa isang taong huwag dapat ganun ang feelings n'ya. Hindi mo puedeng sabihin sa sarili mong hindi dapat maging ganun ang feelings mo.
This is what I feel: I like you. I'm in love with the idea that I could be in love with you; that we could be in love. I validate my feelings for you. You make me want to be a better person.
Masaya akong may inspiration ako. Mababaw nga pero masaya ang may nagpapakilig sa iyo.
It's not hard to fall when you float like a cannonball.
Friday, April 1, 2011
Tiwala
Doble ang effort kapag walang katiwa-tiwala sa iyo ang mga taong may pinapagawa sa iyo. People who trust you are life's blessings talaga. I appreciate them now more than before because of these persons na walang katiwa-tiwala sa akin.
You don't have to prove anything to the people who don't trust you, Shau. Look at it this way: they are sent by God to teach you to become a better person. You asked Him to teach you to be more patient. You asked Him to teach you to be more responsible. They are God's answers to your prayers.
Kaya't para sa inyo, sige na nga, no hard feelings na. God bless you! :-)

Wednesday, March 2, 2011
Pag-uwi
Naglalakad ako sa gitna ng mga book shelves sa National Library. Naaamoy ko yung amoy ng mga pages ng mga librong luma. May distinct silang amoy, amoy ng matatandang punongkahoy na kahit naging papel na sila, hindi pa rin nila mapigilan ang sariling magbagahi ng bango nila.
Habang naglalakad ako at nilalapat ang mga daliri sa mga libro, maya't-maya ay nakakakita ng mga librong pamilyar, unti-unti kong naramdamang umuuwi ako. . . .
Mahirap i-explain pero naramdaman kong nandoon ako sa lugar na dapat nandoon ako at kasama ko ang mga bagay na dapat kasama ko.
Na-realize ko lang na ang mga gusto kong gawin n'ung 3rd year high school ako, sa likod ng utak ko, yun pa rin ang gusto kong gawin ngayon. Hindi ko minsan man lang naisip na frustrations ko na sila. Sa likod ng isip ko, nand'yan lang sila. Naghihintay na magka-hwisyo ako at balikan ko sila.
Gusto ko pa ring gawin ang mga ginagawa ni Rodel dati -- nagsusulat ng play, nagdidirect ng play, nagtuturo, nag-i-inspire sa mga estudyante, nagsusulat ng tula. Gusto ko pa ring magsulat ng pelikula.
Sana makauwi na ulit akong tuluyan at umuwi nang umuwi nang umuwi hanggang buhay ko. Miss ko nang umuwi.
Pauwi na ako.
Tuesday, February 15, 2011
Ain't givin' up on love
One fact about having an agitated mind is that it doesn't give you the power of being mindful to little things.
Little things such as him not sending "Good morning" texts as often. Or him re-scheduling a date because although he's in the vicinity he doesn't want to be seen because he's not wearing the "proper" clothes. Or him replying to text messages an hour after you sent them.
Things like that.
An agitated mind doesn't let you see these small things that signal you to run.
I was opening up and doing the extra work but in the end, he fucked up. Or to put it more accurately, his subconscious mind fucked up. He's doing his end, yes, but his subconscious mind doesn't take bull shits. A no is a no is a no.
It's the end of him -- it should have been clear to me long before this Valentine tragedy.
Even so, I ain't givin' up on love.
In fact, I'm readying for the next.
;-)
Auto-pilot
Sinabi nang wag mag-auto-pilot, yan ang nangyari! Things fell apart. I didn't put God in my decision and actions.
Now, back to square one. I can die anytime now but since that is not an option I need to make this life of mine work. The flowers are still waiting for me. I can still be hope for the flowers.
And for this life to work I need to exert effort and I should never compromise these things:
1. Prayer
2. Communion with God
3. Yoga
4. Running
5. Literature
I have exchanged enjoyment of rich coffee as morning ritual with these 5. I went into auto-pilot. I started being comfortable and stopped exerting effort.
And look what it has done to me.
I am such a mess.
I hate this state of being. I hate coffee and the agitation it brings to my mind!
Why the hell did I start drinking it again?
Never again!
I am going to stop this caffeine addiction and go back to my sadhana.
Labels:
auto-pilot,
caffeine,
coffee,
hate,
random,
state of being
Saturday, January 22, 2011
Kuwento, kuwento, kuwento

Mga totoong tao ang mga ito pero hindi ko alam kung totoo ang mga kuwentong ito. Mahirap minsan pag pinagda-drive mo ang Nanay mo tapos may kasama s'yang madaming inside info sa mga buhay-buhay ng nasa paligid na tao. Hindi ko ito itsitsismis kasi hindi ko iyon ugali. Hindi ko lang matiis na hindi ikuwento kasi ang ganda-ganda ng mga twists, puedeng pang-telenovela. Pag sinulat ko dito, hindi ko na ikukwento, magkamatayan man. Pero puede sigurong pagkuhanan ng inspiration sa mga future writing projects, haha!
Si W. (biologically male, 31 y.o.)
Halos magka-age lang kami pero insecure ako sa kanya dati kasi ang bata pa niya pero ang laki na ng business niya. Napapagsasabay n'ya rin ang pagbi-business at pagtuturo. Full time s'yang professor at pangita namang malaki ang kita n'ya sa business n'ya. May Pajero na agad s'ya, katas ng sariling kayod, hindi mana o bigay ng magulang. Nakapundar na rin s'ya ng 3 ***** na ang bawat isa ay milyon ang presyo.
May pamilya s'ya --- asawa, anak. Maganda ang asawa n'ya. Cute na cute ang anak n'ya. Nakakatulong s'ya sa mga magulang at kapatid n'ya. Halos lahat ng staff n'ya ay mga kamag-anak n'ya. Ang galing n'ya.
Tapos nabalitaan ko ito:
Una, na sumama na sa ibang lalaki ang misis n'ya.
Pangalawa, na may lalaki din s'ya (si biologically male W.)
Pangatlo, na daang libo na ang nakulambat ng pinagkakatiwalaan n'yang pamangkin sa business n'ya.
Pang-apat, na pinagsasabunutan n'ya ang pamangkin n'ya dahil sa galit.
Si A. (female, 32 y.o.)
Asawa s'ya ng hs crush ko. May isang anak sila ni crush. 11 years old na ang anak nila.
Heto ang huling update sa kanya.
Nilalakad na ni crush ang annulment case kay A. At si A., ang kinakasama ngayon ay isang tomboy.
Mas complicated siguro kung ang tomboy na kinakasama ni A. ay may anak na pala kasi dati, kunwari, na-gang rape ang tomboy isang gabi na nakipag-inuman s'ya sa mga lalaki. Oo, maganda yun. Pero di ito totoo. Sorry.
Si L. (female, 40 y.o.)
May anak si L., si A. (female, 19 y.o.). Hindi ko alam kung ano'ng kuwento sa ama ni A., kung bakit wala. Basta wala. Pag pumupunta dito ang usapan, tumitingin ang lahat sa mga guhit sa sahig at sa mga butas sa kisame.
Pero pangit naman ang kuwento kung basta wala. Gawin na lang nating ganito para mas kumpleto. Kunwari, na-in love si L. sa ama ni A. pero hindi n'ya alam na may asawa't anak na pala ang lalaki. Buntis na si L. noong nalaman n'ya na niloloko lang pala s'ya ng kanyang love. Kaya pinalaki n'ya ang anak n'yang walang ama. Puede. Maganda. Pero hindi ito totoo. Sorry ulet.
Heto, totoo na ito. Matagal na sa U.S. si L., nakapag-asawa na s'ya doon ng isang U.S. citizen. Iniwan n'ya si A. sa Lolo at Lola dito sa Pilipinas pero 2 years ago, pinetition na n'ya si A. at nakapag-stay na sa U.S. si A. ng isang taon.
Heto ang kuwento.
Nagbakasyon ang mag-ina sa Pinas noong isang taon, si L. at si A. Pumunta sila sa amin. Kinumusta ko si A. Ang sabi n'ya ok naman, nag-aaral daw s'ya. Tinanong ko si L. kung ano ang course ni A. Ang sabi ni L. katulad daw ng sa bunso n'yang kapatid. Tinanong ko si A. kung malapit lang ang school n'ya sa bahay. Ang sabi ni A. kapag daw freeway ang gagamitin, mga 30 minutes lang daw. Tinanong ko s'ya kung nagdadrive na s'ya. Ang sabi n'ya oo daw, may kotse na daw s'ya doon.
Totoong kinausap ko sila at totoong iyon ang mga sagot nila. Alam kong iyon ang sinagot nila dahil ako mismo ang kausap.
Ang hindi totoo ay ang kinuwento nila at least ito ang sabi sa narinig ko.
Ang sabi sa narinig ko na hindi ko naman kasalanang marinig dahil nagda-drive nga akong tahimik at hindi ko naman matakpan ang tenga ko.
Ang sabi sa narinig ko ay heto:
Una, nakabili daw ng kotse ang Lolo dahil sinanla nila ang titulo ng lote ng tinitirhan nilang bahay.
Pangalawa, hindi daw nag-aaral at hindi daw nag-dadrive pa-school si A. sa U.S. Ni hindi nga daw marunong magpa-urong ng kotse.
Hindi ko na alam kung ano ang totoo sa kanila. Pero napaka-interesting.
Si B. (female, 31 y.o.)
Maikli lang. Buntis na siya nang nagpakasal. Nagpakasal siya sa isang lalaking taga malayong lugar, si M. Ngayon, ang taba-taba at naglalakad na ang anak nila. Nagtatrabaho sa abroad si M. para itaguyod ang kanyang mag-ina.
Ang twist ay heto:
Hindi si M. ang ama. Ang ama ay isang kapitbahay. Totoo ba ito? DNA testing lang ang makakapagpatotoo.
Si R. (male, 36 y.o.)
Ang ganda ng kotse niya, bagong-bago. Pulang-pula.
Heto ang kuwento:
Sinanla pala niya ang titulo ng lote ng ama at ina n'ya at ang pinagsanlaan ay pinangdown sa kotse. Ngayon, wala na ang kotse at maeembargo na ng bangko ang lote ng ama at ina n'ya. Wala siyang naipambayad sa monthly amortization dahil nakabuntis siya ng babaeng katrabaho niya at ngayon sinusustentuhan n'ya ang anak n'ya sa girl pero wala siyang maipangsustento sa 4 niyang anak sa asawa.
Wala akong comment sa lahat. Kuwento kuwento lang. Kunwari na lang hindi totoo ang lahat. Sorry, sorry, sorry.
Wednesday, January 19, 2011
Guhit ng palad
Love Line
Meron daw 3, ang isa daw ay gusto lang akong ikama, hahaha! Ang 2 ay totoong mahal ako pero ang piliin ko daw ay yung mas bago dahil yun daw ang magtatagal. Hmmmmm...
Head line
Ang passion ko daw at life work ay papuntang education. May isang bagay daw akong ginagawa ko dati at totoo kong passion na sinet-aside ko at yun daw ay kung pinagpatuloy ko dati ay magiging successful at magbibigay sa akin ng travel opportunities. Pero nasa sa akin lang daw yun, puede ko pa daw balikan. Balikan ko daw. Nand'un daw ang passion ko. Hindi pa daw itong ginagawa ko ang talagang passion ko.
Heart line
Ang career line ko daw, love line, at life line -- lahat ay nakakonekta dun sa isang bagay na sinet-aside ko. Mahal na mahal ko daw yun dati. Balikan ko daw talaga yun. (Tuloy na talaga M.A. sa June at tuloy lang ang Spanish classes?)
Travel line
Ang travel opportunity daw lagi lang nand'yan. Sa Sunday, puede na nga, haha!
Life line
Matagal pa daw akong mamamatay. Aabot daw ako ng 80's. Kailangan ko talagang ipagpatuloy ang yoga para kahit 80's na ako, supple pa din, hehehe!
Leadership
Spiral daw lines sa fingertips ko at ibig sabihin daw nito ay leader ako. Hindi daw magiging masaya ang marriage life ko kung hindi ako ang leader.
Kids
Magkakaroon daw ako ng 2 anak, hindi masabi kung babae, lalaki o kambal, hehe. Ok ang 2, ganun nga lang ang gusto kong anak.
Marriage
Magpapakasal daw akong tahimik na tahimik at biglaan. Shotgutn wedding siguro, hehehe.
Palm Reading
Ang ganda naman ng guhit ng palad ko. Madaming bagay na naging clear lalong lalo na sa love, sa life work at sa career. Galing!
Subscribe to:
Posts (Atom)