Monday, October 12, 2009

Habang naglalakad noong libing ni Tatay

shao_the_shewolf: n'ung nililibing si tatay
shao_the_shewolf: naglalakad ako
shao_the_shewolf: yun ang iniisip ko
shao_the_shewolf: si tatay
shao_the_shewolf: may naiwan sya
shao_the_shewolf: sa tuwing hindi kami namamalimos
shao_the_shewolf: sa tuwing comfortable kami
shao_the_shewolf: sa tuwing nakakapag-aircon bus ako at hindi regular
shao_the_shewolf: sa tuwing kumakain ako nang masarap at hindi laging sardinas
shao_the_shewolf: sa tuwing magdadamit ako nang maganda at hindi para sa pulubi
shao_the_shewolf: lahat ng yun
shao_the_shewolf: dahil nabuhay si tatay
shao_the_shewolf: dahil nag-exist si tatay
shao_the_shewolf: iniisip ko. . .
shao_the_shewolf: kung mamamatay ako ngayon
shao_the_shewolf: wlang buhay ang nag-change dahil ng-exist ako
shao_the_shewolf: walng taong sa katahimikan ay magpapasalamat sa akin
shao_the_shewolf: dahil nag sacrifice ako para sa kanya
shao_the_shewolf: i mean
shao_the_shewolf: yung nararamdaman ko kay tatay
shao_the_shewolf: yung sa tuwing masaya ako
shao_the_shewolf: naalala ko sya
shao_the_shewolf: kasi narealize ko na yung mga times na masaya kami
shao_the_shewolf: nag baguio kami
shao_the_shewolf: nag US ako
shao_the_shewolf: hindi yun magiging possible
shao_the_shewolf: kung hindi nag exist si tatay
shao_the_shewolf: every time na masaya kami
shao_the_shewolf: kahit hindi nakikisaya si tatay
shao_the_shewolf: naging possible yun
shao_the_shewolf: dahil nag-sacrifice si tatay
shao_the_shewolf: nagpaka-pagod
shao_the_shewolf: wlang taong makakpagsabi nun sa akin
princess_numina: wow, grabeh realization na yan..
shao_the_shewolf: hindi pa ako nagpakapagod
shao_the_shewolf: at hindi pa ako nag sacrifice
shao_the_shewolf: at hindi ko pa iniaalay ang oras at pagod at pawis at talino ko
shao_the_shewolf: para sa tao
shao_the_shewolf: yup
shao_the_shewolf: kaya
shao_the_shewolf: sa tuwing masaya kami
shao_the_shewolf: sa bahay
shao_the_shewolf: laging may tinge ng sadness
shao_the_shewolf: dahil sa realization kong yan
shao_the_shewolf: kaya ngayon
shao_the_shewolf: gusto ko talagang magkapamilya

Saturday, October 10, 2009

All I Really Need to Learn, I Learned from Learning How to Skate



Yey! Marunong na akong mag-skate! After 4 nights ng pag-aaral, marunong na rin ako! Ang saya! At ang pinakamasaya nito, meron akong mga bagay na na-realize sa pag-aral ng pag-skate. Totoo nga pala ang mga cliche kasi kung tutuusin, cliche na lahat ng natutunan ko.

In the tradition of All I Really Need to Learn I learned from Kindergarten -----

1. You can learn anything you put your mind into. You might not be good in it but you can learn any thing you want to learn.


2. Watch how people who know do it and do what they do. (ang daming do, haha)

3. Get help from others.

4. Focus on the task at hand. Shake off waste thoughts.

5. Don’t be afraid to get hurt.

6. Don't think too much.

7. If you fall 100 times, get up and do it again and again 101 times.

8. Try different strategies.

9. Enjoy it.

10. Wala na 'kong maisip. Gusto ko lang 10.






Tuesday, October 6, 2009

Tumutulong ako kasi masarap sa pakiramdam


Totoo yan. Pero napaisip ako sa sinabi ni Conrado de Quiros sa column niya ngayong araw. Sabi n’ya, “We like to give as a matter of gratuity and not as a matter of obligation.” Kung tumutulong ako kasi masarap sa pakiramdam, hindi kaya hindi naman yun totoong pagtulong? Hindi kaya isa lang iyong gawain para sa sarili?

Ang skeptic ko ngayong araw. Kasalanan ni Conrado de Quiros.

Sunday, October 4, 2009

Mission/Vision para sa Alunsina


728 na ang visitors ng Alunsina, nakakatuwa! Hindi ko s'ya naasikaso pero may nagbabasa naman. Kinakabahan tuloy ako. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Nape-pressure ako. May 2 na akong topic na iniisip na isulat. Yung isa since August pa. Bakit ba hindi ako makapagsulat doon? Oras na para intindihn ang sarili.


Natatakot ba ako dahil alam kong may potential na taong magbabasa?

Nauunahan ba ako ng excitement na nawawala ang focus ko at linaw ng pag-iisip?

Is it another case of paralysis by analysis?

Ang pakiramdam ko sa Alunsina blog ko, para syang napaka-fragile na bagay na kailangang maayos muna lahat bago ako magtrabaho sa kanya. Para s'yang isang sagradong lugar na kailangang malinis ako, wala akong negative emotion at hindi nagmamadali at hindi kontrolado ng emotion.

Ilang buwan ko ng sinasabi sa isip ko ito. Ito ang mga to-dos ko sa Alunsina:


1. Magsulat ng 10 pillar articles na search engine optimized

2. Backlinking through forum postings, yahoo answers, blog posting, twitter and facebook.

3. Ayusin ang html at CSS.

4. Pag may steady traffic na, mag-aral ng kung ano ang pinakamagandang way para i-monetize ang blog. Sa ngayon, ayoko ng Google ads kasi pag nakakakita ako ng blog na may Google ads, naiinis ako. Bakit ko naman yun iki-click. Mas gusto ko yung ako mismo ang kukuha ng mag-a-advertise. Libre lang mangarap, pero pangarap kong makita ang Alunsina na may banner ng National Bookstore, o Robinson's Cinemas o Insituto Cervantes, mga ganun. . .

5. Naiisip ko ring mag-offer ng Philippine Literature paper/thesis mentoring. Ayokong gumawa ng thesis kasi ang goal ko nga sa blog ko ay turuang ma-appreciate ang Philippine literature, so hindi so sila igagawa ng paper. Mentoring lang. Sa ngayon syempre, hindi pa.

Natatakot akong mag-share kahit kanino ng mga balak ko kasi madali akong ma-discourage. Kahit hindi naman ako dini-discourage, kapag may tanong sila, I can't help but feel na subliminally, hindi sila naniniwala na magtatagumpay ako. Pero wala akong magawang bagay pag hindi ko sinusulat. Kung talagang importante sa akin ito, dapat diretso lang, hamakin man ang mundo, anuman ang sabihin ng mundo.

So, heto ang mission/vision ko para sa Alunsina:

Ang content ng Alunsina ay mga insights ko sa mga nabasa ko, sa mga napanood ko, sa mga nakikita ko sa paligid ko. Ang niche ko ay Philippine Literature pero dahil love ko din ang history at pop culture, nilalagay ko na rin sila sa umbrella na Philippine literature.

Ang target ko sana ay mga Pinoy sa ibang bansa pero sa tingin ko madaming pupuntang high school students at college students na mga tamad magsulat at maghahanap ng ma-plagiarize na reading ng mga Philippine short stories at novels. Syempre madami din ang

OK din yun. Mga college students sa Pilipinas at mga 2nd generation Filipinos na nasa ibang bansa. Hitting 2 birds in one stone.

Una, bakit mga 2nd generation Filipinos? Noong naisip ko ang blog, iniisip kong idedicate ang blog site kay Angelique at kay Alyssa at yung 2 pang batang nakilala ko sa US na anak ng kaibigan ni K Ruel. Hindi na sila masyadong marunong mag-Tagalog. Tapos interested na interested sila sa Pilipinas. Gusto kong ipakilala sa kanila ang Pilipinas. Gusto kong malaman nila na ang ganda-ganda ng kultura ng pinagmulang race ng mga magulang nila.

Pangalawa, ang mga college students. Naisip ko lang n'ung nasulat ko na ang una kong entry (Dead Stars) na ok na rin na gawin ko silang target audience. Ang siguradong mangyayari, sila ang pinaka-sure na audience ko. Ayokong maging tamad sila at kopyahin lang ang nasa blog ko. Kaya nga hindi ako nagsusulat na nasa format ng book review o story analysis. Ayokong turuang maging tamad ang mga estudyante.

Ang gusto ko ay mabago ang pagtingin nila sa literature. Ang mission ko ay masabi ng mga readers na students, "Aba! Maganda pala ang story na ito. Mabasa nga nang maayos" Yun lang. Parang art appreciation class lang. Ganun. Masaya na ako kapag may mga estudyanteng na-appreciate ang isang story dahil sa posts ko.

Vision ko din na maging site ang blog ko para sa insightful na discussion tungkol sa Philippine Literature at mga issues ng Pilipinas. Pangarap kong magkaroon ng base readership. Vision kong maging isa syang site para sa free exchange of ideas ng mga taong open-minded at nagmamahal sa literature at sa Pilipinas, nasaang lupalop man sila ng mundo.

Mataas ang pangarap ko para sa Alunsina. Yung ginawa sa akin ni Rodel, gusto kong magawa ko sa mga magiging readers ko. Gusto kong mang-inspire ng tao. Gusto kong mag-touch ng tao. Gusto kong madaming tao ang matutong maging instrospective at maging sensitive.

Pinakamasaya ako noong nagtuturo ako at noong nagdi-direct ako. Dahil nakakapag-inspire ako. Masaya ako kapag nakakapag-inspire ako ng iba. Gusto kong maging katulad ni Rodel. Nakikita ko ang magiging power ng blog sa ibang tao kapag naging successful siya. Kaya takot na takot ako. Pero sabi nga ni Andres Bonifacio, "A life not spent on noble thing is a life not worth living."

Simple lang sigurong bagay ang isang blog. Sabi nga ni Errol, just write as if you're talking. Pero para sa akin, iba ang Alunsina. May chance akong mag-inspire dito. Nakakatakot kasi pag nag-fail ako, hindi ko alam kung paano pa ako makakapag-inspire. Kung magtuturo ako, I need to study MA for 2 years. Kung magdi-direct ako, kailangan ko ng limpak-limpak na salapi. Ito lang blog na ito ang chance ko para makapag-inspire ng tao. Kung hindi magiging successful ang blog, (which I feel is unlikely, feel lang), wala na akong ibang patutunguhan at the moment. Magpapalutang-lutang na lang akong parang basura at tae sa Pasig River.

Gusto kong mabuhay nang lubos. At para sa akin, hindi ako nabubuhay nang lubos kapag hindi ako nakaka-touch ng ibang buhay. I want to become part of someone's becoming. Dahil alam ko na ngayong may chance akong mag touch ng ibang tao sa Alunsina, bawat topic, bawat idea na gusto kong ilagay sa Alunsina, parang mga sanggol kong ini-ire.

3 ang upcoming posts na iniisip ko:

1. Ninoy Aquino
2. Mga stories na ang theme ay tungko sa relationship ng Ama at anak

At dahil sa nagdaang bagyo, ang latest kong naisip

-- Yung kay Merlinda Bobis, yung tungkol sa bagyo, gustong-gusto ko ang story n'ya na ito. Nalimutan ko na ang title, basta it's from her collection of stories entitled "Sea Turtle" ata. . .


Ako lang naman ang tumatakot sa sarili ko. Kailangang ako rin ang mag-exorcise ng mga negative thoughts na ako rin ang may gawa. Ambitious ang mission/vision ko para sa Alunsina, alam ko ito, pero walang kwenta ang buhay kung hindi nag-i-struggle, di ba?

Walang kailangang katakutan, Sharon. Go go go!!!


Friday, September 25, 2009

Si Lolo at si Lola

Patay si Lolo, naka-white s'yang long sleeves at beige na pants. Nakahiga s'ya sa table. Burol n'ya. Tapos biglang namatay si Lola. Naka-duster s'ya ng floral na blue at white. Binuhat s'ya, nilagay sa ibabaw ni Lolo. Tapos maya-maya, nabuhay s'ya. Sabi ng mga tao, buhay pa pala. Bumangon nang kanya si Lola. Naka-salamin s'ya tsaka hindi s'ya masyadong mataba.

Tuesday, September 22, 2009

Wisdom of Sadness

Mas nararamdaman kong malungkot ako kasi mas malungkot maging malungkot sa crowd na masaya kesa maging malungkot mag-isa o kasama ng ibang malungkot.

Unang araw kong bumalik sa office pagkatapos mamatay ni Tatay. Gusto ko lang magpakapagod sa trabaho. Sana madaming madaming madaming trabaho.

Sabi ni Kaziela, sabi daw ni Rodel, pag daw nalulungkot tayo, dapat daw damhin ang kalungkutan para mas madali maging masaya.

Oo nga naman. Tsaka mas lumalalim ang isang tao kapag dinaramdam ang kalungkutan. Kailangan ko yun. Miss ko na yun. Kalaliman.

Friday, September 18, 2009

Job well done, Tatay!

Palagay ko, wala nang kailangang sabihin. Walang pagsisisi. WAlang panghihinayang. Hindi naman Superman si Tatay at hindi din ako super hero. May mga bagay na hindi n'ya alam gawin. Ganun din ako. Pero hindi ibig sabihin n'un na hindi n'ya ako minahal. Hindi ibig sabihin n'un na hindi ko sya mahal. Sabi sa akin ng Tiya ko, bahala na daw akong magpasensya sa pagkukulang ni Tatay. Hindi ko iniisip na may pagkukulang siya. Minahal n'ya ako sa paraang alam n'yang tama. Hindi iyon pagkukulang. Maaaring hindi katulad ng sa ibang ama pero hindi iyon pagkukulang.


Magpahinga kang payapa, Tatay. Job well done!

Wednesday, September 9, 2009

Uphill Climb

Kailangan daw harapin ang challenge kasi pag hindi, magre-retrogress -- the mother in me told the child in me. . .


Wednesday, August 19, 2009

Kailangang-kailangan nang Magsulat

Ang dami kong nasa isip, sobrang dami. Yung sinabi ni Maricris. Yung kinuwento ni Fiona. Yung kinuwento ni Shiraz. Yung mga realizations ni Shiraz. Yung mga sinabi ni Mai. Yung mga kailangan kong sabihin sa sarili ko panlaban sa negativity sa utak ko. Sana tumigil muna ang ikot ng mundo. Sana bigyan muna ako ng ilang araw para makapag-isip at makapagsulat. Sana tumigil muna lahat para makasabay ako, makahabol ako. Gusto kong umabsent sa trabaho para asikasuhin ang mga bagay na naantala dahil hindi ko sila inaasikaso.

Hindi ko naasikaso ang spiritual life ko. Ang layo-layo ko na kay God. Hindi na ako attuned sa kanya. Ang dami-daming ingay, hindi ko Sya naririnig. Ang dami-daming galaw. Galaw ako nang galaw. Galaw nang galaw ang isip ko. Laging lipad ang isip ko. Kailangan na ng oras para pahupain ang ingay, patigilin ang paggalaw, padapuin at patigilin ang isipan.

Napapagod na ako sa walang direksyon na paglipad. Napapagod na akong laging lipad at magulo ang isip. Ang pinakamahalagang asikasuhin ay ang mga ito:


  • Stillness (ano ba ito sa Tagalog?)
  • Focus
  • Single-mindedness
  • Centeredness
  • Being attuned kay God
  • Being composed and calm

Being joyful- the joy that came from being attuned to God, yung hindi dumedepende sa external things, sa ibang tao, sa magagandang pangyayari -- kundi yung totoong kasiyahan. Nandito lang yun. Nasa akin lang. Natabunan. Kailangan lang linisin ko ang aking sarili kasi natabunan ng ingay at galaw.

Nakikita ko ang sarili kong in control sa aking monkey mind. Nakikita ko ang sarili kong walang erratic at needless energy. Nakikita ko ang sarili kong malinaw mag-isip, attuned sa feelings, relaxed at masaya. Yoga- union of the mind and body. Kailangan kong magsulat. Kailangan kong magsulat dahil iyon lang ang alam kong paraan para maglinis ng sarili.

Mas kailangan kong magsulat ngayon kesa kumain, matulog o magtrabaho.

Tuesday, August 18, 2009

Hangganan

Pinalalaya na ako ng uniberso. Natutunan ko na daw ang dapat matutunan sa pagkakabilanggo. Oras na daw lumaya.

Salamat naman. Sa wakas. Pinapalaya ko na ang sarili ko at pinapalaya na ako ng uniberso sa pagkakabilanggo sa restlessness. Oras na para bumalik sa sentro.


Friday, August 14, 2009

Ngiti

Hindi ako ang ngumingiti sa iyo. Ang ngumingiti sa iyo ay ang kaligayahang nagkakatawang-tao sa akin.

Thursday, August 13, 2009

Sailing back



I have been staying too long in the ocean

being tossed and turned

by whimsical waters.

I see my shore now.

One night of darkness.

Clarity emerges.

I see my home now.

Sailing home. . .

Sailing home. . .

Sailing home. . .

Wednesday, August 12, 2009

Funeral

Something in me has died a natural death. I need to find the time and place to bury it.


Friday, July 31, 2009

Ito ang nangyari kagabi

Pumasok ako sa kuwarto ko dati na giba na ngayon. May nakita akong kakaiba. Ang takot ko. Napasigaw ako. Natakot din yung nakita ko. Lumipad s’ya palabas sa exhaust papunta sa kwarto nina Nanay. N’ung palabas s’ya sa butas, nakita kong isa s’yang penguin. Maliit na penguin. Ang akala ko owl. Pero penguin s'ya. Kulay itim, mukhang madulas at basa ang balat n’ya. Ang cute n’ya. Totoo s’yang penguin, maliit nga lang. Humarap muna s'ya sa akin bago s'ya tumalikod ulit at tumalon sa butas. Nanghinayang ako, bakit ako natakot.

Sa sahig, may aso. Ito yung aso na gusto kong bilhin. Pepper and mint. Mataba. Lumapit ako sa kanya at noong kukuhanin ko na s’ya, napansin kong may duyan. Duyan na gawa sa rattan. Yung para sa mga babies. Nakatali ang isang lubid sa bukasan ng bintana. Yung isa, nakatali sa hinges ng cabinet.

May mga sea creatures na kakaiba sa duyan. Malit lahat sila. Mahaba lang nang konte sa ruler. Isang sea lion na kulay light brown na may spots na itim. Hindi ko sure kung sea lion nga ang tawag dun o sea otter o seal. Yung 2 creatures, hindi ko na matandaan ang itsura. Ang aso, palakad-lakad sa sahig. Parang may hinahanap.

Narinig ko ang boses ng Nanay ko , sabi: “Yan! Para matuto kang mag-alaga!”

Weird.

Tuesday, July 28, 2009

“To become part of someone’s (or something’s) becoming”

Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa isip ko ang line na yan. Gumising ako ngayong umaga at basta ko na lang s’ya naalala. Yan ang sabi ni Ja noong nag-apply syang college instructor sa La Salle. Sabi n’ya gusto daw n’yang magturo kasi she wants “to become part of someone’s becoming”. Shet. Noong narinig ko s’ya, ang sabi ko sa sarili ko, “Ako din!”

Tuwing sinasabi ko sa isip ko yang line na yan, napapangiti ako. It’s making me feel good. Ang sarap ulit-ulitin sa isip. To become part of someone’s becoming. In a way, nagawa ko ito noong nagtuturo pa ako lalo na noong nagdidirect pa ako ng stageplays. Alam kong magagawa ko uli ito kung seseryosohin ko nang magsulat.

Nauunahan kasi ako ng takot tsaka pagkalito. Gusto kong magsulat ng screenplay. May ilan na akong storylines. Pero iniisip ko, paano ang pagtula ko? Sayang naman kung hindi ko ipapagpatuloy. Ang ganda na ng simula ko dati. Kailangan ko na lang balikan at ipagpatuloy. Tapos, sasagi sa isip ko, “Eh, paano ang theater? Dito ka nagsimula, di ba? Di ba dapat stageplay muna ang isulat mo?” Mag-aaway-away ang mga thoughts sa isip ko at mag-e-end up akong ine-evade ang sagot. Paralysis by analysis.

Magpapalunod ako sa internet. Dudungaw sa labas at tutunganga sa langit. Titingnan ang buhay ng mga dating kakilala sa Facebook. Magpapatangay sa gaslaw ng aking isip. Maya-maya aantukin na ako at hindi ko na natitigan, napa-upo at napag-desisyunan ang mga tanong. Bakit ako natatakot magsimula? Saan ako magsisimula? Ano’ng gagawin para maigpawan ang takot magsimula?

To become part of someone’s becoming. Noong weekend habang binabagtas namin ang SLEX at mag-isa ako sa likod ng kotse ni Tatay, nag-emote ako sa tumutulong tubig sa bintana (umuulan kasi noon). Habang pinapanood ko ang gumagapang na linya ng tubig sa bintana, naisip ko na ang selfish ko naman sa iniisip kong kontento na ako sa lahat ng aspects ng buhay ko at hindi ko na kailangang mag-exert ng effort for self-development.

Bakit? Kasi naisip kong responsibilidad ng tao na i-develop ang sarili n’ya – to become more so that they can share more -- . Parang Hope for the Flowers. Ang mga caterpillar, responsibilidad nilang magtago sa cocoon at hanapin ang paraan kung paano sila magiging butterflies kasi mas magiging maganda ang mundo kung may mga bulaklak. The more na madaming mag-exert ng effort para maging butterfly, the more na mas gaganda ang mundo dahil the more na mas dadami ang bulaklak sa mundo!!

Nakalimutan ko na ang responsibilidad ko sa mundong mag-struggle na ilabas ang butterfly sa akin para makadapo ako sa mga halaman. Para makatulong ako sa pamumukadkad ng bulaklak. To become part of someone’s becoming. Hindi ko alam kung bakit basta na lang pumasok sa isip ko ang line na yan ngayong pagkagising ko. Tinatawag na ako ng butterfly sa sarili ko. Kailangan ko na s’yang pakinggan.
Madali na ang paano ngayong may sagot na ako sa mga bakit. Bakit kailangang gumugol nang madaming oras sa pagbasa ng mga mga books? Bakit kailangang manood ng makabuluhang mga sine? Bakit kailangang laging gwardyahan ang utak sa self-destructive thoughts at magsumikap na maging positive? Bakit kailangang mag-struggle sa mga bagay na sobrang nakakatakot pero alam kong iyon dapat ang gawin ko?

Dahil I need to be more every day. I need to be more so that I can share more. I need to be more so that I can become part of someone or something’s becoming. Nalulunod ako dati sa takot. Takot na baka walang mangyari. Baka maging failure. Ang sarap panoorin ng Rent (yung musical) kasi ang mga characters dun walang takot. Natatakot sila pero in the end, napagtagumpayan nila ang takot. Kailangan ko ng harapin ang takot. Magsimulang mag-struggle para sa pinakamahahalagang bagay sa mundo -- ang pamumukadkad ng mga bulaklak!

Tuesday, May 5, 2009

After Watching “Rent”

Really, how do you measure life? How do you know if the life you’re living is good enough? What is a good life? There was a time when you ask me these questions and I can answer with full conviction and in one solid statement: A good life is a life spent on something bigger than myself. A life that is not spent on noble thing is a life not worth living. That was from Andres Bonifacio. I remember-- that was my motto while I was mentoring high school students in theater pro bono.

Well, that motto can’t pay for my rent today. Looking at this place where I am living now, I think I have achieved everything I have aspired for: my own place, my own space, lots of time to learn to cook vegetarian dishes, watch all the movies I missed, read all the books I planned on reading, explore the places I have never been to. I have all the time and space and all I needed to do is to use the ample time and space as planned but I am not doing that. It took a movie to make me realize it and that everything I was aspiring for was too self-centered.

One of the songs in “Rent” has this lyrics: “There’s only now, there’s only here . . no other path, no other way, no day but today”. I remember an old friend of mine Rialey said the same thing to me when in one long e-mail I shared more “noble” dreams, if I can call them that. She said that if I want to take that path, I should be the one to take the steps and not wait for the path to be cleared out for me. I think the disease that’s eating my life away is exactly that – waiting for the path that I want. Again, I find myself submerged deep into the “blissful ignorance” mode.

Did I leave my sheltered and comfortable life in Batangas just so I can make my own sheltered and comfortable life here in Manila? It’s useless to think about the reason why I designed my life as an artificial sweet bubble and how it came to be that way. I kinda miss being a carefree Manila streetchild back in college when the only thing I needed to secure while on the streets was the good friends I was with. But as the movie says, “There’s no past. . . There’s no future. . . There’s only today.”

I will not start wasting time on regret tonight. I am stopping on thinking about the past. That’s one insight I got from “Rent” that I’m sure I will never learn even if I watch “Wolverine” a hundred times. I enjoyed “Wolverine” but sometimes when all you see are beefed up bodies, beautiful faces, exciting stunts and flashy effects, sometimes you just miss watching a truly good movie – a movie that will make you think about things, make you remember –

Remember, for example, where you are in the greater scheme of things. It takes either a beautiful movie or death of someone you know to slap you in the face and make you remember -- Remember that life is short to spend on negativities and bitterness. Remember that life is happening here and now -- you don’t prepare for it, you don’t let it pass you by.

I was watching the last scene of “Rent” and I was so moved I wished I could hug all the people I know. Now, that’s a bit of an exaggeration. Can’t help it. I had the feeling that life is just wonderful – that even if there are worries looming at the back of my mind – the last ensemble scene made me feel joyful, inspired, exuberant! Yeah, maybe I just really missed watching these kinds of movies.

Life is here. Life is now. I don’t ever want to miss it again. The movie “Rent” made me remember how great life is and what makes it even greater is having wonderful, crazy, weird, beautiful people to share it with.

Tuesday, March 24, 2009

Kunwari, Totoo ito

Kunwari, magkasama tayo. Kunwari, sa beach. Malawak na puting buhangin. Pero hindi sa Boracay. Hindi rin sa Cebu. H'wag din sa Subic. Hindi yun sa Bohol. Basta, puting buhangin. Hindi pala buhangin. Dinurog na shells na kulay puti. Trak-trak na durog na shells na kulay puti. Durog na durog pero alam mong gawa sa puting shells. White sand nga rin ang tawag pero matalas, nakakahiwa ng talampakan pag nilalakaran nang walang tsinelas. Pero mula sa malayo, maganda. Para ngang Boracay.

Kunwari naalala natin ito.

Isang daan kunwari ang renta ng mga lamesa, gawa sa pinagdikit-dikit na kawayan, ang upuan, isang mahaba at malusog na kawayan. KA-WA-YAN. Tatlong daan kunwari ang cottage, sobrang mahal. Wala tayong pera, kunwari. Sa sasakyan na lang tayo nagbihis ng pampaligo. Kunwari, may sasakyan tayo. Kunwari, kulay gold.

Kunwari, pagabi na. Kunwari, hindi summer. Malakas ang hangin at malamig--masakit sa balat. Kunwari, katatapos lang ng n'un ng Pasko. Kaya kakaunti lang ang tao sa beach. Tayo lang, kunwari.

Hindi pala, kunwari may isang pamilya. Nasa dagat sila, sa mababaw lang. Hanggang bewang nila ang tubig. Nakatayo lang sila at nag-uusap. Nanay, Tatay at dalawang binatilyo. Nag-uusap sila pero hindi sila maingay. Minsan tatawa. Malapit lang sila sa atin. Naririnig natin sila, pero hindi natin sila maintindihan. Mga Koreano, kunwari.

Kunwari, nakaupo tayo sa buhangin--na hindi naman talaga buhangin pero tawagin na rin nating buhangin kasi mukha naman talang buhangin sa malayo. Kunwari, nakaupo tayo sa buhangin. Nakatingin sa dagat pero ang totoo sa mga Koreano. Walang sunset kasi hindi nakaharap sa West ang dagat. Kunwari, sa East. Kaya walang sunset.

Kunwari, nakatingin tayo sa mga Koreanong nagkukwentuhan pero pag tumitingin sila sa atin, kunwari, hindi natin sila tinitingnan. Pero ang totoo, tinitingnan natin sila.

Kunwari, ito pala ang totoo---

Ang totoo, nagkukunwari lang talaga tayo. Magkasama tayo kunwari pero ang totoo hindi naman. Ang totoo, totoo ang alaalang ito at tayo ang nagkukunwari. Nagkukunwaring masaya. Nagkukunwaring hindi nasasaktan sa mga salitang singgaan-singtalas ng hangin pag Disyembre. Nagkukunwaring walang nakakahiwang salitang gustong itapon sa isa't-isa.

Kunwari, ako lang pala ang nagkukunwari. Ako lang pala ang nagkukunwaring masaya, nagkukunwaring hindi nasasaktan, nagkukunwaring walang gustong sabihin.

Kunwari, dalawa lang ang pagpipilian ko-- ang alaala o ang pagkukunwari. Kaya mo bang isiping totoo ito at ang pinili ko'y ang alaala? Naiintindihan mo ba kung bakit? Mas totoo ang alaala ng buhanging puti kesa sa pagkukunwari, hindi ba?

Naaalala kita, ang puting buhanging hindi talaga buhangin at matalas sa paa, ang dagat na walang palubog na araw, ang lamig ng hanging masakit sa balat--ang lahat ng mga lugar, bagay, salita na nandun ka -- naalala ko ang mga ito at sa aking isip ito ang totoo.

Dito ako muling nagsisimula ngayong gabi, sa totoo.

Sana, hintayin mo akong matutunang palayain sa isip ko ang tayong nagkukunwari. Ang akong nagkukunwari. Kahit na puro kunwari ito, sana maniwala kang may totoo dito.