Monday, September 19, 2011

People pleaser no more



Konting tiis na lang, matatapos ko din ang Level B2 Spanish ko sa ICM. Hangga't maaari, ayaw kong maging mapang-husga sa ibang tao kasi madami rin naman akong kapintasan. Pero pag minsan, katulad ngayon, nasusuka na ako sa sarili ko sa pagiging people pleaser ko. Ang pinaka-ayoko sa lahat na ugali, ang pagiging plastik, yun pa ang natutunan ko sa pagpilit na magkaroon nang maayos na relasyon sa mga kaklase ko.

Paano ko ba sasabihin sa kanya na ayaw ko naman siyang kasama? Na mas gusto ko pang mag-isa kaysa kasama siya? Na kung hindi ako nahihiyang hindi sumama sa kanya, kina R. ako sasama.

Wala siyang ibang alam kundi kalandian. Pumapasok lang siya sa klase kasi wala siyang ibang magawa sa buhay. Maghapon at magdamag siyang nasa internet. Nasa facebook. Sa bagay, hindi ko dapat siya pinapakialaman pero ayaw ko na kasi talagang maging associated sa kanya.

Makikilala mo ang isang tao sa kanyang mga kaibigan, di ba? Kung ganun s'ya at siya lagi ang kasama ko sa Instituto, ano ako?

Magagaling ang mga bakla pero isa siya sa mga dahilan kung bakit bumababa ang pagtingin ng tao sa mga bakla. Puro kalandian ang alam niya.

Alam ko naman na kaya niya ako niyayaya at kinakausap ay dahil walang ibang kayang tumiis sa kanya. Walang ibang gustong sumama sa kanya. Wala kasi talaga siyang sense kausap.

Hanggang kailan ako makikipag-plastikan sa kanya? Napapagod na akong maging mabait sa kanya.

Titiisin ko na lang ba hanggang November? Kung hihiwalay ako sa kanya, paano? Pag minsan iniisip kong pinagpala ang mga autistic, at least hindi nila iniisip kung paano sila magugustuhan ng tao. Pero hindi naman ako puedeng basta na lang kunwari naging autistic. Hindi naman puedeng pagtaguan ko siya tuwing break time.

Sobrang mas masayang mag-isa kesa kasama siya!

NA-MI-MISS KO NANG MAGING TOTOO SA SARILI!

Ang sabi ni Jesus, kung mabait ka lang sa mga taong gusto mo, walang kuwenta yun. Wala daw yung pinagkaiba sa pagmamahal sa sarili. Dati inisip ko, baka naman may mas malalim pa sa kanya. Hindi ko lang alam pero baka produkto ng isang malalim na sugat kaya siya ganun. Pero ilang buwan ko na siyang inuunawa. Ilang buwan ko na siyang pinag-papasensyahan.

Madali lang sumimba tuwing Linggo, tumayo pag pinapatayo, lumuhod pag pinapaluhod, sumagot pag pinapasagot, kumanta pag pinapakanta. Pero ang mahirap ay ang sundin ang thinking ni Jesus.

Sabi ng mga Pharisees kay Jesus, bakit daw siya nakikisalamuha sa mga makakasalanan? Ang sabi ni Jesus, hindi naman daw kailangan ng doktor ang mga taong walang sakit.

Pero hindi naman ako doktor. Hindi naman ako si Jesus. Heto na, nalilito na ako. Stop na.

Sakit sa bangs!