Friday, October 31, 2008

Kung bakit kailangang masarap ang karne

"Freedom does not mean doing whatever you like. Quite the opposite, it means not being a slave to your likes and dislikes."
-- secret

Tuwing may nagtatanong sa akin kung bakit hindi ako kumakain ng karne, hindi kaagad ako makasagot. Minsan, ang sagot ko, kasi mabagal ang metabolism ko, hindi ako makatunaw ng karne. May katotohanan dito kasi simula noong tumigil akong kumain ng karne, umayos na ang pag-download ko (ng dumi). Pero ang pakiramdam ko, hindi ito ang buong katotohanan.

Kanina habang naglalakad ako pauwi, naisip kong kung mag-isip ng mas maayos na sagot. Yun kasi ang pinakamahirap na tanong para sa akin. Sabi ko sa sarili ko, ito ang ihahanda kong sagot: "Kasi sumasaya ako kapag hindi ako kumakain ng karne." Siguradong hindi na ito masusundan ng tanong kung Muslim ako o Sabadista. O kaya, puede ring ngiti na lang, kibit-balikat at "Wala lang."

Hindi naman sa wala akong reason sa pagtigil ng pagkain ng karne. Hindi ko lang mai-explain yung reason. Ayaw ko ngang tawagin ang sarili ko na vegetarian. Ang notion ko kasi ng isang taong "vegetarian" ay isang taong dapat sumusunod sa kung ano'ng ibig sabihin ng vegetarian at sa pilosopiya ng vegetarianism. Pero wala naman akong sinusuportahang pilosopiya at hindi ko naman ina-align ang sarili ko sa kung ano ang definition ng vegetarianism.

Ang pinaka-totoong dahilan kung bakit ako tumigil kumain ng karne ay dahil wala akong pambili ng karne. Nawalan ako ng pambili ng karne kasi nawalan ako ng income. Nawalan ako ng income dahil nagpaka-bohemian ako pagdating ko ng Maynila. Nagpaka-behomian ako hanggang paubos na ang pera ko at isang buwan pa akong kailangang magtrabaho para magka-pera ulit.

Naka-survive ako ng isang buwan na P400 lang ang panggastos sa pagkain at transpo around Manila kada linggo dahil laging steamed kangkong o okra o pritong talong ang ulam ko. Namamalengke ako ng gulay para sa lunch at dinner at nag-go-grocery ako ng cereals at gatas pang-almusal. Yung natitirang P100 pamasahe ko papuntang mall sa tuwing pakiramdam ko mapa-praning na ako at ang natitirang P100, pasalubong ko sa mga pamangkin ko sa Lipa. Lahat ng ipinangkain ko sa labas pag may kasamang mga kaibigan, ipinanood ng sine, ipinang-taxi -- utang ko yun sa credit card kasi less than 3k lang ang budget ko noong una kong buwan ng pagtigil ng karne. Pangalawang buwan ko ng binabayaran ang utang ko sa credit card at siguro mga 4 na buwan pa para mabayaran ko lahat ng bohemin expenditures ko.

Alam kong may mauutangan ako at may nag-aalok naman, pero pinigilan ko ang sarili kong mangutang. Gusto kong magtanda ako. Gusto kong turuan ang sarili ko ng leksyon. Gusto kong iparanas sa sarili ko kung ano ang nangyayari sa taong puro pasarap sa buhay ang gawa. Hindi na uli siguro ako magka-kaskas nang magka-kaskas ng credit card nang wala akong pambayad at nang wala akong kinikitang pera Hindi na ako ulit magbubuhay maharlika dahil hindi naman ako maharlika. Maharlika lang ako dahil, heto na, aaminin ko na, spoiled ako sa parents ko, pero dahil pinili kong maging independent, kailangang magbaba ng antas ng buhay. Aliping namamahay na ako ngayon.

Kaya't nag nagbunsod sa akin para talikuran ang sizzing sisig at grilled pusit-- mga paborito kong ulam--ay karukhaan.

Totoo ito pero hindi pa rin ito ang buong katotohanan. Ang isa pang dahilan ay dahil noong college pa ako, nasubukan ko na'ng hindi kumain ng karne ng ilang buwan. Umattend kami ng yoga class kay Didi, isang monk sa Ananda Marga Manila at masyado akong nahikayat. Sumagi sa isip kong maging monk din. Dahil sobra akong nahikayat, nagsimula akong maging vegetarian at nagsimula akong umattend sa meditation session ng Ananda Marga na sumasayaw na nakataas ang dalawang kamay, nakapikit ang mata at paulit-ulit na kinakanta ang "Baba Nam Keba Nam Baba Nam." Hindi ko alam ang ibig sabihin n'yan, Sanskrit daw na mantra. Basta ang alam ko noon, gusto ko ang pakiramdam ko kapag nakakasama ko sila sa meditation session. Natural high iyon. Hindi ko nga lang ito naipagpatuloy kasi hindi kami nakapagbayad ng 4-session yoga at hindi ko na naisauli yung hiniram kong libro. Hindi ko rin naipagpatuloy kasi bumalik akong mag-yosi.

Marami pa akong naiisip na puede kong isagot at totoo lahat ito: bata pa kasi ako, mahilig na ako sa gulay. . . for good health. . .para humaba ang buhay ko para marami na akong oras na magsulat ng tula, play at films pag 70's na ako. . . kasi yung mga isda baka kinain ang mga lumubog sa dagat, yung mga pasahero ng MV Princes. . . kasi sabi sa balita, tinuturukan ng pampataba at salmonella ang mga manok. . .kasi ang mga baboy at baka nakaka-trauma ang sigaw pag pinapatay sa slaughterhouse . . .kasi may mga baka na ang pinapakain ay tinadtad na baka. . .kasi bata pa ako hindi ko na matagalan ang amoy sa isdaan. . . ito, caution, mushy ito pero tulad ng iba, totoo -- pinagpapatuloy ko ang pag-aayuno kahit tapos na ang holy week, pakiki-isa araw-araw sa paghihrap ni Jesus. . . kung hindi ako alipin ng pleasure ko sa pagkain, siguro madali na'ng hindi maging alipin sa iba pang pleasurable things (hypothesis lang). . .

Kawawa ang sunod na magtatanong sa akin kung bakit ako vegetarian. Mahaba-haba na ngayon ang isasagot ko.

Wednesday, August 13, 2008

My niche

i am most happy being a guide. i am not meant to be in the limelight. i am meant to guide so that others can shine. . .

Monday, June 23, 2008

Hindi Tuktok

Narito na ako, sa wakas, sa pinaghandaan ko ng walong buwan. Napatagal nga, dapat tatlong buwan lang na paghahanda. Madaming pagkakataong sumiksik ang pangamba na baka hanggang paghahanda na lang at kahit maghanda ako nang maghanda ay hindi na dumating ang araw na maramdaman kong handa na nga ako.

Pero narito na ako ngayon. At ngayong narito na ako, natutunan kong hindi pala ito katulad ng pag-akyat ng bundok na pag nakarating ka na sa tuktok, titingin ka sa iyong paligid, mapapatigil ka, lalanghapin ang sariwing hangin, ililibot ang paningin at patuloy na namamangha hindi lang sa narating at sa tanawin doon kundi pati na rin sa sariling lakas at pagsusumikap. Mapapaupo ka sa pagod (sa masarap na uri ng pagod) at iinom ng tubig. At habang patuloy na nilalasap ang pakiramdam ng pagtuntong sa tuktok, naroon ang pag-anyaya ng pamamahinga.

Hindi pala tuktok ang naabot ko.

Ang ilang buwang pag-iipon at paggamit ng lakas ng loob (minsa'y pagpapakubkob din), pagpapalinaw ng sandigang prinsipyo, pagdidisiplina sa sariling pag-iisip at katawan, muli't-muling pagpapaalala sa sarili ng kabuluhan ng buhay at mga gawain lalo na kapag pa-sirok na, ang mga ito at ang pagpupumilit na pagbabalanse ko nito sa pakikipagrelasyon ko sa tao -- lahat-lahat ng paghahanda na hindi man araw-araw nagagawa --- pero sila ang nagtulak sa akin papunta dito. At ngayong narating ko na ang pinaghandaan ko . . . disilussionment (hay, wala atang Tagalog dito).

Wala palang anumang bagay na ginawa ko sa paghahanda ang maaring itigil, maaaring iupo, at ipahinga. Mas malakas pa nga ngayon ang paghatak ng mga gawaing iyon at alam kong kung hindi ko sila muling susubukang gawin araw-araw, gugulong akong pabalik sa aking pinagsimulan.

Hindi pala tuktok ang aking narating kundi mas mataas lang na baitang.

Pahakbang na ako sa sunod na baitang. Pataas. . .

Thursday, May 29, 2008

Untouchable Class and my Birthright

Ang mortality (hindi ko alam kung ano ito sa Tagalog) ang isa sa pinakamahalagang definition ng term na "tao". Mas special ang mga bagay bagay sa isang tao kung alam n'yang may katapusan ang mga bagay-bagay sa kanyang buhay. Kung immortal ang isang tao, bale wala sa kanya ang mga bagay-bagay dahil alam n'yang may pagkakataon s'yang ulit-ulitin iyon nang ulit-ulitin. Ang mortality ng tao ang nagbibigay hindi lamang ng kulay kundi ng kabuluhan sa mga bagay-bagay. Ito ang nagmomotivate (ano ba ito sa Tagalog?) sa tao para gumawa nang maayos dahil wala na'ng magiging pagkakataon para gawin iyon dahil minu-minuto, segu-segundo, palapit nang palapit ang tao sa katapusan. Ulitin n'ya nang uliti'y mauubos ang buhay n'ya sa kauulit.

Huling araw ko na bukas sa pagsasayaw sa dance studio. Apat na buwang Lunes hanggang Biyernes, 8am-10am, halos walang absent. Ang dami-dami kong natutunan hindi lamang sa pag-express ng sarili, sa pagpapalaya ng galaw ng katawan, kundi pati na rin sa pakikipagkaibigan, sa pakikisama sa tao. Ang akala ko dati hindi ko na matututunang makipagkaibigan sa iba't-ibang uri ng tao. Ang akala ko, magiging limited sa mga taong katulad ko (katulad ng education, standing, age, etc) ang mga magiging kaibigan ko. Pero sa dance studio, naging part ako ng group.

Kahit iba-iba ang tao doon, may mga bagay pa ding maaari n'yong pagsimulan kahit sa unang tingin walang-wala kayong masasabi sa isa't-isa-- tulad halimbawa ng simpleng pagbati, pagngiti at kalauna'y pagtawa at kalauna'y halakhakan, usapang pamilya, usapang artista, mga balita sa pali-paligid, pagkain, mga concerns ng mga kababaihan -- kung paano liliit ang bilbil, ang pinakamabisang pagpapapayat, ang period cycle, ang hirap at sarap ng pagiging ina (kasi mga ina ang kasama ko dun), ang pagpapaliban ng pag-aasawa (na advice nilang lahat sa akin), magandang bra sa Avon, saan magandang bumili ng imported na bag, minsa'y usapang buhay ng may buhay. Ang sabi nga ng isa sa mga kasama ko -- "Dalawa lang naman ang masarap gawin sa buhay -- humilata at pag-usapan ang buhay ng iba." I don't agree pero it just shows kung gaano kakulay ang psychology ng iba't-ibang tao. Ang dami-daming maaaring maging character sa isang play. Gagamitin ko ang linyang ito sa aking magiging stageplay.

Ito ang grupo ng mga taong hindi apektado sa kung anumang estado ng ekonomiya ng Pilipinas. Kumbaga sa ideya ni Karl Marx, hindi sila ang controllers of production, hindi rin sila ang workers sa production. Sila ang "The untouchables". Kasi ang purchasing power nila ay nagmumula sa mga asawa nila sa abroad o sa professional services nila o ng mga asawa nilang abogado, doctor. Nagtaas ang bigas, walang epekto sa kanila. Nagtaas ang gas, walang epekto sa kanilang araw-araw na pagdadala ng Expedition at CRV . . at Vios. Nakapasok ako sa isang uri ng class society na sa tingin ko ay hindi pa kasama sa paliwanag dati ni Karl Marx ng mga classes sa kanyang Communist Manifesto. Isang class society na ang laki ng effects sa macroeconomy in terms of purchases pero halos walang effect sa kanila ang kung anumang nangyayari sa national economy. Kung lumiit ang piso, hihingi lang ng mas malaking dollar remittance sa asawa sa abroad o sobrang laki ng excess ng padala in the first place na walang kaso kung magtaasan man ang mga bilihin.

Hindi ko sigurado pero narinig ko minsan sa balita na halos 10 million na ngayon ang OFW. For the sake of argument, sabihin na nating 5 million sa kanila ay may pamilya. Kung isasama natin sa bilang ang asawa't mga anak ng 5 million na ito, safe na'ng i-estimate na 30-40 million na Pilipino ang nakikinabang one way or another sa pangingibang-bansa ng OFW's. That's almost half of the population of the Philippines. Kung tama akong ang population ng Pilipinas ay mga 80 million. Malaki-laking part ng lipunan ng Pilipinas ang mga taong itong nakikinabang sa mga OFW's. Tatawagin ko silang members ng "untouchable class".

I will attempt to define this class in contrast sa working class at yung mga nasa below the poverty line: Habang sa alas-sais pa lang pumipila na sa NFA rice distribution centers ang mga ordinaryong laborers, mga unemployed at mga taong lubog na lubog sa kahirapan --- itong bagong class society na ito ay pupunta sa dance studio at magpapapawis at hindi alam kung ano pa ang gagawin para mabawasan ang excess weight. (Nota bene: Hindi ako kasama sa class na ito. Ako ay isang middle class na ang affinity ay sa Tatay ko na ang source of income ay nandito sa loob ng bansa at hindi sa labas. Pero kung hindi pala ako makiki-ally sa Tatay ko, in a way para ding akong OFW. Kasi ang source ng aking income ay mula sa international companies).


Going back dito sa topic at hand which is this "untouchable class". Hindi ito pang-ja-judge sa lifestyle nila (kasi in a way nakikisama din ako sa lifestyle nila). I am just writing down some observations dahil hindi lang ako naging witness kundi kumbaga ay naging deep penetration agent din ako.

Ito ang mga asawang babaeng malalaki na ang mga anak. Malaya na'ng lumabas ng bahay. Madaming libreng oras sa buhay. Mahirap i-generalize ang mga tao kasi bawat tao, may iba't-ibang unique qualities pero maaari ding makita ang common denominator ng iba't-ibang tao. Sa case nitong "untouchable class", ang common denominator ay yun nga, hindi sila naaapektuhan sa mga economic woes ng bansa. Nagtaas ang mga bilihin, ang gas, lalo na these last few months, pero walang nabago sa lifestyle nila. Araw-araw pa rin silang tumatambay sa coffee shop sa baba ng studio, kapag napapasarap ang usapan, pinagpapatuloy sa lunch sa isang restau sa mall. Kapag napasarap ang kain, maya-maya, nasa dance studio uli, nagpapapawis.

I feel there is a stageplay here or a film. Madaming beses nang na-tackle ang buhay ng mga OFW's sa ibang bansa at ang effect nito sa relationship nila sa pamilya. Pero wala pa akong nababalitaan o napapanood na nag-aaral o sumisilip sa buhay ng "untouclable class" sa Pilipinas. Considering na ang Pilipinas ay isang mahirap na bansa, hindi ba't nakakagulat kung isa kang foreigner tapos makakasalamuha mo ang mga members nitong class na ito. They (sige, isama ko na ang sarili ko) -- We get the best of what the country offers because of our purchasing power but we do not give anything back to our country except maybe for the usual taxes -- purchase taxes at tsaka yung binabawas sa remittance. Since hindi namin sinisipsip sa ekonomiya ng Pilipinas ang aming purchasing power, protected kami sa kung anumang economic standing ng bansa. Kaya normal lang na wala kaming pakialam sa kung ano'ng nangyayari sa lipunan. Wala kaming opinyon maliban sa usapang pamilya at mga bagay na nagiging threat sa security ng aming pamilya. Hangga't hindi nagiging threat sa security ng aming pamilya, hindi namin pinakikialaman.

Again, in contrast sa working class at class na nasa ilalim ng poverty line: May aleng hindi pa nakakapagsaing ng bigas mula umaga dahil kadedelihensya pa lang ng pera at kapipila pa lang sa distribution center ng NFA. Hindi nakakatigatig ang ganitong imahe sa mga members ng "untouchable class". Araw-araw, dumadami ang mga batang kumakaskas sa tint ng kanilang kotse, at ang ikinababahala nila ay ang kanilang tint at hindi ang pagdami ng mga batang walang tirahan at proteksyon mula sa pangsasamantala ng matatanda. Ang mga semi-employed, (katulad ng mga tiyo ko sa Lucena), hindi nila alam kung saan sila kukuha ng sunod nilang kakainin pag wala pang maipatrabaho sa kanila ang DPWH, samantalang ang members ng "untouchable class" halos maglungad sa dami ng kinakain sa maghapon. Ang problema nila'y kung paano pa makakakain gayong bulwak na bulwak na ang tiyan.

Hindi pa ito ang class ng mga tycoons, ng mga Sy, Tan, Ang, Ong, Ayala -- hindi pa ito ang totoong controllers ng production ng bansa. Middle class pa lang itong "untouchable class" na ito. Kakaiba at iba pa din ang characteristics nila sa middle class na ang source ng ikinabubuhay ay dito sa Pilipinas -- entrepreneurs, mga professionals (middle class nga pala ng professionals, hindi kasama sa "untouclable class" kahit madaming professionals sa mga kasamahan ko sa dance studio).

Hindi ko alam kung ano ang patutunguhan nito. Gusto ko lang sigurong isulat ang mga observations ko lalo na ngayong hindi ko na sila makakasama. Last day ko na bukas. Madami din akong naging kaibigan sa kanila. Mamimiss ko ang barkadahang pagkakape, paghahalakhakan, pagtambay sa mall, pag-check out ng mga bagong mga bagay sa mall na hindi ko naman binibili kasi hindi kasing lakas ng purchasing power nila ang purchasing power ko. Mami-miss ko yung manonood ka ng American Idol sa gabi tapos may makaka-share ka ng iyong kuru-kuro sa umaga. (Siyempre, ang "untouchable class" mas feel ang American Idol kesa sa Pinoy Idol. Mas feel din nila ang Hollywood movies at sa TV, mas feel nila ang mga shows sa cable). Bukod pa sa mamimiss ko ang pagsasayaw at ang mga sayaw, mamimiss ko din ang mga taong kasabay kong sumayaw. Mamimiss ko ang mga yun kahit na ano pa sila kahit pa ano'ng class pa sila. There really is such a thing as sharing of oneself even without words. Yung energy na naibibigay mo at nakukuha mo. Yung gaan ng pakiramdam mo, na-ra-rub yun sa iba kahit wala kang sabihin. At kung may taong ganito din ang nararamdaman, mara-rub yun sa iyo. Osmosis. Mamimiss ko ang osmosis tuwing may dance sessions. Mamimiss ko ang mga sayaw. Tuwing maririnig ko sa radyo ang mga kantang sinasayaw namin, napapangiti ako. Special ang sayaw hindi dahil particularly napakaganda ng tugtog, ng music, ng sayaw pero dahil sa memories na naka-ukit sa kanta.

It is not only the freedom to move, to dance, to express freedom na mamimiss ko. It's the whole context that supports freedom for expression. It's the whole environment. Hindi lang ako masigla, hindi lang ako buhay na buhay pero more than that, yung opportunity at supportive environment para sa osmosis papunta sa akin ng buhay, energy at positivity. Yung araw-araw, magigising akong excited at nakangiti kahit may mga bagay na kailangang ipag-worry. Yung araw-araw, magda-drive akong nakangiti sa ganda ng umaga, sa mga motorista, sa mga pedestrians. Yung pagngiting external smile lang ng pagsmile ng iyong kalooban, ng iyong puso. Ang sabi nga ng baduy na baduy na kanta ng laos nang si Sandara Parks, "A Smile in Your Heart". Yung papasok ka sa daily mong pinapasukan at may babatiin ka, may opportunity ka to brighten someone's day. At nasa tama kang environment to pick up the positive vibes of the people na merong ganito at bigyan ng positive vibes ang mga taong wala pa. Everyday is a wonderful day because I am dancing, because I dance dun sa studio na yun, because nandun ang mga taong nandun sa studio na yun. Everyday is a wonderful day because I know that hindi habangbuhay iyon. It will only last for a couple of months.

Everytime I dance I feel I am finally enjoying my birthright: freedom of expression -- ang kalayaang malamukot ang pinakakatas ng buhay. Paano ko maiiwan ang pagsayaw? Maiiwan ko ang "untouchable class" lifestyle pero hindi ko maiiwan ang sayaw. Tuwing nagsasayaw ako, nalilimot ko ang pagkakasulat sa akin ng lipunan. Nalilimutan kong anak ako, bunso akong kapatid, babae ako, middle class ako, may trabaho ako -- nawawala ako sa aking sarili. Nakakalaya ako sa discursive construction sa akin ng lipunan. Ang naiiwan lang ay ang katawan, kaluluwa, at ang musika.

Tapos na "untouchable class" lifestyle. Last day na bukas. Mamimiss ko ang mga tao at ang supportive na environment. Talagang ganito, kailangang may isacrifice para sa priorities. Maghahanap na ako ng malilipatang bahay sa Maynila next week. Mamimiss ko sila. Mamimiss ko ang supportive at masayang environment. Mamimiss kong maging instant pamangkin ng lahat ng mga Tita ko dun. Pero hindi pa ito ang katapusan ng pagsasayaw para sa akin; simula pa lang ito. Paano kong maiiwan ang isang birthright?

Thursday, May 22, 2008

Hiatus

This is the calm before the storm.

This silence foretelling an end

and a beginning.

Silence --

It is not the absence of words or thoughts.

No, it is the harbinger of a great explosion--

Deafening

Yet soundless--

Implosion!

Yes, it is the harbinger of a great implosion--

This silence.

This calmness.

This.






Wednesday, April 23, 2008

(Meta) Pisika


Walang anumang bagay sa mundo ang napaparam.
Nagbabagong labas na anyo
o kaayusan ng pagkakabuo
ngunit walang napaparam.

Hindi lamang bagay na nakikita't nasasalat,
hindi lamang ang umuukupa ng espasyo,
ang dumadaloy,
ang nagsasahugis sisidlan,
o ang inihihinga,
ang sakop ng batas.

Yapos rin ng batas
ang mga walang bilang
walang kimpal
walang hugis.

Ang kaligayahan, halimbawa,
At ang pag-ibig.

(pasintabi kay Rodel)



Monday, April 7, 2008

Pagbobote


The word Enthusiasm
first appeared in English in 1603 with the meaning "possession by a god." The source of the word is the Greek enthousiasmos, which ultimately comes from the adjective entheos, "having the god within," formed from en, "in, within," and theos, "god."


'Eto ang etymology ng salitang "enthusiasm". Iniisip ko kung ano ang enthusiasm sa Tagalog. Ang sabi sa English-Tagalog dictionary -- sigla, kasiglahan. Kapag sinabi natin na ang isang bata ay masigla, halimbawa, ang ibig sabihin ay hindi siya matamlay. Ang salitang "kasiglahan" ay mas konektado sa kalusuhan ng katawan. Kung matamlay ang isang bata, tinitingnan kaagad kung may sakit siya. Kung matamlay ang bata, kailangan n'ya ng iron o gulay. Samakatuwid, ang "sigla" ay nasa physical, nutritive level. Ang kasiglahan ng isang tao ay nakukuha unang-una sa tamang pagkain at pangangalaga sa katawan. Hindi na nasapo ng salitang "sigla" ang etymology ng enthusiasm -- "having the god within". Ano kaya'ng mas angkop na salitang tagalog para sa "enthusiasm"?

Sa dictionary, ito ang definition ng enthusiasm:

Enthusiasm -- n.
  1. Great excitement for or interest in a subject or cause.
  2. A source or cause of great excitement or interest.
Ang personification para sa akin ng etymology at definition ng salitang "enthusiasm" ay si Lolo Anghel. Si Lolo Anghel ay isang magbobote na pinsan 'ata o kaibigan ng lolo ko, hindi ko na matandaan. Basta, ang sabi nila, kamag-anak ko daw si Lolo Anghel. Grade school ako noon noong lagi s'yang dumadaan sa harap ng tindahan namin. Lagi ko s'yang inaabangan kapag bakasyon, mga 9 hanggang 10 nang umaga. Tulak-tulak ni Lolo Anghel ang kariton n'yang gawa sa planks (ano ba ang tagalog dito) ng kahoy at walang pintura. Kapag nasa tapat na si Lolo Anghel ng tindahan namin, titingin saglit s'ya sa tindahan, hahanapin ng mata si Nanay, maghihintay na tawagin s'ya o batiin na lang kung wala kaming ipong bote. Ang tagal-tagal na nito at matagal na ring patay si Lolo Anghel pero ang hindi ko malilimutan ay yung hitsura ng mukha n'ya, ang mata n'ya, at kung paano s'ya gumalaw. Matanda na si Lolo Anghel noong nagbobote s'ya, siguro mga '70's. Hindi ko alam kung may mahaba s'yang mga biloy sa dalawang pisngi o masyado lang malalim ang wrinkles n'ya sa mukha na nagmumukhang mahabang biloy pag ngumingiti siya. Pag tinutulak n'ya ang kariton n'ya, tinutulak n'ya nang parang ang pinakamasayang gawain sa buong mundo ay magtulak ng kariton. Ang mata ni Lolo Anghel, yun ba'ng mata ng isang taong awas-awas ang kaligayan na natatapon na sa mata. Hindi ko alam kung nilalansi ako ng alala ko pero ang alaala ko sa kanya ay parang isang character sa Batibot, na sumisipol-sipol pa at pasayaw ang paglakad at gumagalaw-galaw ang ulo. Naalala ko n'un, noong bata ako, 9 years old ako, ang sabi ko sa sarili ko, sana paglaki ko, yun ang maging trabaho ko, mag-bahay-bahay, gala-gala, tapos mangongolekta ako ng bote tapos lilinisin ko ang bote para mapaglagyan uli para magamit uli ng tao. Sa pagbahay-bahay ay magbigay ng kasiyahan at manghawa ng enthusiasm.

Masaya nga sigurong maging magbobote kung iiisipin mong may kabuluhan ka sa iba. Kung walang magbobote, paano na ang ating mga toyo, suka at patis? Dati naman, hindi pa uso ang plastic na lalagyan. Maliit na bagay lang ang bote pero paano mabebenta ang patis, toyo at suka kung walang boteng lalagyan? Ano'ng lasa ng adobong walang toyo at suka? O kung gumawa man nang gumawa ng bagong bote ang mga pabrika ng toyo, suka at patis, paano naman ang ating mga nagamit na bote? Itatapon na lang natin nang itatapon sa likod ng bahay hanggang makalikha tayo ng bagong bundok na puro bote? O kung ayaw natin ng maruming bakuran, yung bakuran na lang ng ating barangay. O ng ating planeta.

Mahalaga at sa ikina-aayos ng iba at ng planeta ang ginagawa ni Lolo Anghel araw-araw. At ang kanyang gawain ay ginagawa n'ya ng may dignidad at enthusiasm. Ano pa'ng ibang gawain ang mas karapat-dapat asamin? Para sa akin ang angkop na Tagalog na salita para sa "enthusiasm" ay pagbobote.







Monday, March 17, 2008

Nakalulungkot na kaligayahan

Chronic Mild Stroke. Meron palang ganito. Ilang years na'ng may nagbabarang ugat sa utak at ngayon lang nagkakaroon ng visible signs. Nahihirapan s'yang maglakad, nangingimay ang kaliwang paa at kamay. Dinalaw namin s'ya sa ospital kagabi. Umiyak s'ya. Kita ko. Pero napigil n'ya kaagad at napahidan ng tissue.

Mahal ko pala s'ya. Makalilihis pala ako sa ordinaryo kong tinatahak at makakagawa ng bagay para sa kanya. Makakapagsakripisyo pala ako para sa kanya. Kahit ilang na ilang ako sa kanya at hindi ako komportableng kasama s'ya, kaya ko pala s'yang ipagdasal, tahimik lang pero taimtim, na sana gumaling siya at makauwi na.

Hindi ko pala kailangang maging malapit sa tao para matutunan s'yang mahalin. Hindi pala nakabatay ang pagmamahal sa pagbibigay sa akin ng inaasahan kong dapat ibigay at ipakita sa akin. Ang pagmamahal pala, tulad ng landslide, lahat ng madadaanan ay madadala. Nadaanan ako, nadala ako at ngayo'y kasama ako sa agos.

Noong unang beses kong mag-eroplano patawid sa Pacific Ocean, inulan kami ng kidlat at gumalaw-galaw ang eroplano, taas-baba. Ang sabi ko sa sarili ko, iba nga pala ang sakay sa eroplano. Mas safe pa nga pala sa barko. At least kung magka-aksidente sa barko, puede akong tumalon sa dagat at mag-floating. Nasa gitna man ako ng Pacific Ocean, at least, may chance na ma-rescue. Sa eroplano, pag biglang nasira ang makina o natanggal ang isang pakpak, mahirap nang ma-rescue. Lahat ng buhay ng lahat ng tao na nasa eroplano, hawak ng mga piloto. Hindi pala, hawak ng Diyos. Noong nagsimulang tumataas-baba ang eroplano na parang sasakyang nagmamatulin sa lubak-lubak na kalsada, ang sabi ko sa sarili ko, hindi pa ako puedeng mamatay.

Pero noong napansin kong hindi tumitigil ang lubak at nagkakatinginan na ang mga pasahero, ang sabi ko sa sarili ko, at least, kung mamamatay ako, nagmahal naman ako. Nagmahal ako sa totoong uri ng pagmamahal. Inalala ko kung paano nangyari yun. Tama naman pala, sabi ng alala ko.

Hindi ako depressed at suicidal pero kung mamamatay ako ngayon, ok na. Alam kong nagmahal ako at sapat na yun. Marami pa akong gustong gawin pero, naisip ko lang, sa himpapawid man, sa dagat o sa lupa, hindi ko hawak ang buhay ko. Sino ba talagang makapagsasabi? Segu-segundo, binibigay sa akin ang hininga ko, ang paningin ko, pag-iisip ko, katinuan ko. Ang sarap mabuhay!

Sana may mayakap ako ngayon. Sana andito ang mga bata. Life is good, I am happy and I am lonely.

Saturday, March 8, 2008

Balanced Recklessness

Kung ako ay isang tren na dati'y mabagal na tumatahak sa mahabang riles papuntanng Central Station, ngayon, na-diskaril ako.

Wala ako sa focus. Hinayaan kong mawala ang aking drive. Sa akin, everything boils down to one thing: kung restless ang utak ko, kahit ano'ng simulan kong gawin, either hindi ko magagawa nang maayos or hindi ko na talaga magagawa.

Parang pag-te-tennis. Nag-tennis ako dati kasi gusto kong maging fit. Pero, noong nagsimula na akong makipaglaro ng tennis sa kapatid ko, na-realize ko, kailangan ko palang maging fit para makapag-tennis. In the same way, I'm working for a strong mind pero kailangan ko ng strong mind para makapagsimulang makapag-work for a strong mind. Ang gulo! Magulo talaga!

Ang sabi sa Theosophical Digest, "The most urgent task is to work for the mastery of your mind by learning to still your mind." Sobrang ito ang motto ko these days. Sobra.

Wala akong magawang maayos kapag restless ang utak ko. Kapag may kasama akong tao o kausap, hindi gan'ung ka-light o kasing-saya ng usapan kapag hindi ako OK muna sa aking sarili.

Ang sabi ni Gerard, "Masyado ka kasing internal, lahat ay inner. . ." And I agree with him. Megalomaniac? Hindi naman siguro. I enjoy being with people. Libra kasi ako, I'm a naturally social person. Hindi ako nabubuhay nang walang human interaction. . . significant human interaction. At nandito ang apparent conflict ng buhay ko. Ang pagsusulat ang passion ko, it gives me peaceful joy but at the same time it removes me away from significant human interaction; it also gives me so much sadness. What gives me so much joy is also the thing that gives me so much sadness. Lahat ng tao may mga krus na kailangang buhatin to follow Christ, I think this is my cross.

Minsan, napapagod na akong mag-explain ng sarili ko. Ayoko nang maintindihan ako. Ayos lang palang maging misunderstood. To be misunderstood is to be free. Walang explanation na magkakahon na dapat ganito ka, kasi sabi mo, ganyan ka eh. Walang magsasabing, "Eh, akala ko ba, sabi mo, ganyan ka, eh bakit hindi ka ngayon ganyan?"

Hay, napa-praning na naman ako! Wish ko lang, sana may bisa ang wish. Ang wish ko, sana, mapabalik na uli ako sa riles. Mabagal man ang takbo, at least, alam ko, ramdam ko ang assurance na may mapupuntahan ako and I am right where I should be.

Ayaw ko nang ipaintindi ang sarili ko. Ayaw ko na'ng mag-explain nang mag-explain hanggang mamatay ako sa ka-e-explain. It's just putting me in a box. I write what I want, not what I want about me to be understood. More or less, parang ganyan.

Anyway, I just need to find a way back to my track.

Bakit kasi may mga "things" na may sariling buhay sa aking pag-iisip. They are encroaching on my time for productive work. Sumisiksik sila nang hindi ko namamalayan. Tumatambay sila at hindi ko mapa-alis-alis. Hindi ko sila kino-kontrol kasi, siguro, aminin ko na, gusto ko rin. Gusto ko ang pakiramdam na nand'un sila. With "them" ang mga bagay na gusto kong mangyari ay nangyayari. Hindi nga lang sa realm ng reality pero it feels like it. The product of having free imagination sa isang pampered na environment. Kailangang paganahin ang utak kung nais makaranas ng mga bagay-bagay na hindi pinararanas ng isang sheltered na pamumuhay. The result is zero productivity.

I have to be constantly reminded of my goal: work, save, go to Manila, have my own place, be independent, find my own pack of wolves, people of my kind, write, write, write, create, be part of a cause, cause being the cultural development of the country, sounds idealistic but what's wrong with idealism? I am just claiming a very small part of it, I do not have the illusion that I will carry the cause on my shoulder, I just feel that being one with a cause is what I am meant to do It is the butterfly inside me Kahit sobrang liit ng contribution all I am aspiring for is to be part of a cause To write To create To inspire kahit konti lang tao. Kahit isa lang.

Ang kailangan ko ngayon ay isang malakas-lakas ng hila pabalik. Patalsikin ang mga "things" na may sariling buhay at pwersa sa utak ko. Ang "things" na yun ay nagkakatotoo na, so hindi na kailangang patambayin nang patambayin, ang hirap lang talagang i-control. Pero, kailangan na talagang kontrolin.

At simulan ko na ito, work, work, work, para sa 2 months advance 1 month deposit, nang makapag-Manila na, find my own kind. . . It's not that hard reaching out to people, finding warmth kahit sobrang akala mo, wala kayong in common, sa age, sa interests, sa pag-iisip, sa pinahahalagahan. I thought pupunta lang ako sa dance studio para paganahin naman ang katawan ko, hindi lang puro daliri at isip sa pagta-type. . . . i thought hindi naman ako pumupunta doon to get along well with the people there. . . but how wonderful pala if you go there, do your thing at at the same time, pick up the vibrations of others. If there is one important thing I learned, is that a simple smile can go a long way. It lifts a person up. Sobrang underrated ang pag-ngiti. Hindi na pala kailangang maging sobrang friendly to attract people which i thought dapat gan'un. . . just a simple smile. . . Para na kaming classmates ng mga kasama ko sa dance studio, walang papalit sa feeling that you are having human connection and all the things associated with it, the feeling of warmth and yung feeling na tao ka pala at hindi isang entity na palipad-lipad lang. . . haha!

BUT. . . getting along well with them and liking them, sige, aaminin ko na, like ko sila, kasi mababait talaga sila, at ang sarap lambingin, kahit hindi ko sila ka-age (40's na sila) pero it still doesn't hide the fact that may sigificant part ako na isang "alien" sa kanilang standard. Na hindi ko maipapakita sa kanila dahil hindi kami magkaka-konektahan. Here goes another conflict. One part of me, growing comfortable sa mga tao, being part of this group. One part of me, recognizing that hindi ko kayang malusaw na lang sa crowd. Not that crowd sila, may sari-sarili silang uniqueness . . . OMG, napa-praning na talaga ako!!!

What am I trying to say? What I am trying to say is that I am suffering because I cannot reconcile things: that I have the need to reach out and understand others and that I also need to find an environment where there is multi-lateral support and understanding, hindi ako lang. Libra kasi ako. Kailangan ko ng harmony. I am suffering because I am not finding the balance between reaching out to others and allowing others to reach out to me-- magpapasok ng tao. I can easily get into others but what I have to work on is to let others get into my space. Kasi napapansin kong kailangang may limit kapag iba na ang papasok. Meron ba akong kailangang protektahan? My sanity siguro. I am dying inside (uy, kanto ito ah!) na walang tao akong pinapapasok sa space ko but I'm afraid that I will be ruined by the very same people na gustong gusto kong papasukin. Kung meron mang magandang naidulot ang pagtigil ng paninigarilyo, ito siguro iyon, the clarity na hindi ako gan'ung ka-indestructible.

So, what I need to get back on track is to find a way to work with this fear. Ang magpapasok ng tao kahit natatakot ako. Shet, naiiyak na ako. Sobrang hirap kasi 'ata eh. Iniisip ko pa lang, parang sinusugal ko na lahat-lahat ng meron ako that is holding me together. Dalawa lang ang choices ko: either I stay sa status quo and suffer OR jump and suffer too while falling and hope for the best landing maybe suffer more or most probably find what I have been aching for. Stay or jump. To jump: leap of faith ba o plunge to my death? I prefer the first pero puede kayang may harness? Haha! Kaka-praning!!!! I need to teach myself to let go of myself. Part of being sheltered, sobrang pag-aalaga sa sarili. Need to be reckless. Hay, Lord, turuan N'yo po akong maging reckless.
Balanced recklessness po.



Monday, February 11, 2008

Professional

Katatanggap ko lang ng paycheck mula La Salle Lipa para sa pagdi-direct ko ng stage play noong Tiktaktalaok Theater Contest last November. Ito ang una sa madami pang dadating na professional fee para sa playwriting and directing stints. At La Salle Lipa at Tiktaktalaok ang simula. . . Ito ang starting point ng paglalakbay.

Ayos ito, P4,500, haha! Hindi man ito kasing-sarap ng feeling noong mismong tinatanghal na ang play o noong mismong binubuo namin ang play, hindi ko pa rin mapigil na hindi mapangiti sa tseke na ito. Mababaw lang naman pala ako. PF lang pala ang katapat ko! Hahaha!

I'm officially a professional stage director!!!

Yeeeeeeeeh!!!!!!

Thank you!!! You are my Source!!!

Saturday, February 9, 2008

Affirmation

Naniniwala ako sa sarili ko. Naniniwala ako sa mga kaya kong gawin. Wala man ako sa environment na sumusuporta sa akin, hindi ako magpapakaladkad. Hindi ako magpapatalo. Hindi na ako magpapatakot. Punung-puno nga ang utak ko ng mga inspiring stories, inspiring quotes mula sa pinaka-inspiring na tao at writers, sasayangin ko lang ba sila? Para saan na binasa ko sila? This is the time to live by what I believe in!!!

I resist to follow that vision others have for me. I do not exist for what they want me to be. They do not know me. They do not own me.

I RESIST!

Gawin na nila lahat ng mga strategies para hindi ako mag-succeed, para hindi ako lumago, para hindi ako makalayo. Conscious man sila o hindi, ito ang ginagawa nila. Para habambuhay akong safe. Safe nga pero patay ang kaluluwa. This time, hindi ko na kayang magpatakot. Wala na akong madaming oras para matakot. It’s either I fight or be dead forever. Sawa na akong magpakabait. Sawa na akong umunawa nang umunawa, magpasensya nang magpasensya. It’s time to be responsible for myself.

I need to be responsible for myself because the only thing that I can give is whatever I have. What can I give if I do not have anything or if I feel constricted to give? I need to be more, to free myself from constrictions, so that I can share more! And I can offer sooo much more. They do not know that. They think they can rub their fear on me but I RESIST! Lagi man silang takot para sa akin, at lagi man nila akong tinatakot, ako, hindi na dapat!! (Naiintindihan ko sila but hindi ko na kayang mabuhay just so hindi sila takot. I can do so much more than making sure everyday that two people are not scared for me).

Sabihin na nila ang gusto nilang sabihin, hindi naman nila alam ang sinasabi nila kasi dinedepende lang nila ang sinasabi nila sa nakikita nila. I do not blame them na hindi nila nakikita what is inside. Dahil wala akong gift para mag-explain ng sarili, para ipaunawa sa kanila ang sarili ko (at ayaw kong mag-explain ng sarili), the fruits of my perseverance will eventually speak for who I really am.

I will succeed. Maybe not according to your idea of success. But I will never permit you to make me feel small and insignificant again. I am strong now and I will fight you. I am fighting you now.

God works in me, giving me the will and power to achieve His purpose.”


*14 days-- no cigarette, not even a single puff. weeee!!!


Wednesday, January 30, 2008

Cold Turkey

Lahat ng kakilala kong tao hindi naniniwala sa ganitong uri ng pagki-quit. Malaki daw ang chance ng relapse. Pero sa limang taon kong pagki-quit-withdrawal-relapse-addiction-quit-withdrawal-relapse-addiction-quit, madami na rin akong nasubukang iba't-ibang strategies. Sa tingin ko, ito ang pinaka-effective na strategy: cold turkey. Hindi ibig sabihin na ito ang pinakamadali sa lahat ng mga sinubukan kong strategies. Pero sa ngayon, I can say, ito ang effective para sa akin. Nasusubok ang aking will power.

Ang tinatalikuran ko oras-oras ay ang pagka-alipin sa dikta ng katawan. Oras-oras na gusto kong manigarilyo pero hindi ako naninigarilyo, lumalayo ako sa state na iyon. Umuusad ako ng isang hakbang papalapit sa isang uri ng pagkalaya -- pagkalaya sa pananakop ng nicotine fixation sa aking pag-iisip. Ngayong naka-ilang araw na akong walang nicotine, mas maliwanag ang aking pag-iisip. Nararamdaman ko ang pagluwag ng aking hininga. Kapag humihinga ako nang malalalim, hindi na sumasakit ang aking base ng lalamunan. Ang sarap huminga nang malalim.

Mas lumalim ang paniniwala ko sa idea ni Paolo Coehlo na sa tamang oras, dadating ang tamang bagay-tao-pangyayari. "The universe conspires to give you your heart's desire." Dalawa ang wish ko noong Christmas noong nagsisimbang gabi kami. Taon-taon, kinukumpleto ko ang 9 na simbang gabi kasi natutupad ang mga wish ko. Kahit yung mga bagay na hindi ko pala alam na yun pala ang wish ko, natutupad. Ang 2 wishes ko noong Christmas ay:

1. Deep spiritual life
2. Boyfriend (hahaha!)

Kaya ang lungkut-lungkot ko nang may isang beses akong absent sa simbang gabi. Sumama ako kina Kuya Nelson at Ate Mabel na mamili ng mga regalo sa Divisoria. Inabot kami ng gabi sa Maynila. Naalala ko yun. Noong dumating sa akin ang understanding na hindi na kami matutuloy. Ang pakiramdam ko, dahil sa isang gabing iyon, isang taon ang mawawala sa akin. Dahil hindi matutupad ang wish ko.

Pero, mukhang hindi naman. "The universe conspires to give you your heart's desire." Something like that. Sa tamang oras, dumating ito. Ang nakatulong sa akin ay isang internet website at isang e-book na nakuha ko din sa website na ito. Bago ko iyon natunton, there was something in me na nagsasabing, "I can do it. Kaya ko nang mag-quit, this time, cold turkey: by inner strength alone."

Noong nakita ko ang website, it is God telling me, "Go on. You are on the right track." Dahil sa komersyalismo, napakadami sa internet na nagsasabing walang success sa pagki-quit cold turkey. Pero itong website na ito, ito lang ang nagsabing hindi completely true ang sinasabi ng medical community tungkol sa mabisang paraan ng pagki-quit. Sinubukan ko na ang nicorette gum. Kasi, karamihan ng mga medical sites, nagsasabi na kailangan ng nicotine replacement therapy (NRT) tulad ng nicorette gum o nicotine patch para hindi mag-relapse. Ang problema daw kasi sa mga nagki-quit ay hindi nila ma-handle ang withdrawal symptoms. Totoo ito. For the past months na nagtatrabaho ako, hindi talaga ako makapagsimulang magtrabaho pag hindi ako nakakapag-yosi. Hindi ako makapag-focus. Basically, ang sinasabi ng website na itong hulog ng langit ay: May reason kung bakit madaming sites na gan'un: nag-o-offer ng kunwari ay advise sa pagki-quit pero ang totoo ay nag-a-advertise ng produkto.

Ang may-ari ng website ay isang smoking cessation coach for the last 30 years sa Amerika. Hindi siya doktor. Parang Alcoholics Anonymous, meron s'yang mga smoking cessation clinics at tinutulungan n'ya ang mga tao na mag-quit nang hindi nag-gi-give in sa mga consumerist thinking ng medical community. Isa rin siyang nicotine addict dati at ang kanyang life passion o Personal Legend (sabi nga ni Paolo Coehlo) ay tumulong sa tao na makalaya sa enslavement ng nicotine addiction.

Hindi ko iniisip kung bakit ngayon lang ito dumating when it's been five years hindi ako maka-alpas-alpas sa cycle ng addiction-quit-withdrawal-relapse-addiction-quit-withdrawal-relapse-addiction. Naniniwala akong dumating ito sa tamang oras. "The universe conspires to give you your heart's desire." Ito ang first step sa wish kong deep spiritual life.

Cliche na sa akin ang sinasabi sa Bible na hindi ka puedeng mag-worship ng dalawang Diyos na sabay. Pero ngayon ko lang talaga ito naintindihan. Hindi ako puedeng maging smoker at the same time ay maging seeker ng spirituality. Hindi ako puedeng nagpapa-alila sa dictates ng physical desire for nicotine fix at maging spiritual na tao.

Tatlong araw pa lang ito. Maaga pa para sabihin pero malakas ang intuition ko at kapag ganitong kalakas ang intuition ko, hindi ako nagkakamali. Ito na ang huli kong pagki-quit. Ito na ang simula sa pagtahak sa mas malalim na spirituality -- moment-by-moment relationship with God-Life-Universe -- wala itong due date. Habang-buhay na kailangang pagtrabahuhan at pagsumikapan. Union. Being one with everyone.

Kung meron man akong patutunguhan, saan man ako makarating, gaano man kalayo -- sa tingin ko, magpe-persist itong emptiness hangga't hindi ko tinatanggap at binabalikan ang kung ano dapat ang aking source, kumbaga sa diver ay diving board -- ito ay ang spiritual onneness with everything.

Ayaw kong maging "holy one" o "buddha", mga other-worldly na idea sa isang taong may malalim na spirituality. Woman of the world pa rin ako. Corrupted pa rin ako. Dahil tao ako at nabubuhay ako sa mundong ibabaw at kailangan kong mamuhay kaalinsabay ng materiality ng buhay. Pero normal din naman na asaming kaalinsabay ng effective na worldly life ay magpa-usbong din ng effective na spirituality. It is a human need, to have something more than what is seen and touched. Tao lang ako at nagsusumikap lang akong maging mas makabuluhan ang aking pagiging tao. At ang simula ay maging isang ex-smoker. I have all the strength that I need but this time, I am not getting the strength from myself. I am getting it from God-Life-Universe.






Thursday, January 24, 2008

Nakapagpapabagabag

May mahahalagang tanong na bumabagabag sa akin pero ang mas nakakabagabag ay wala akong sagot sa mga tanong ko.

Panahon kasi ngayon ng mga exams sa school. Nagsisipag-aral ang mga pamangkin ko. Naalala ko ang mga panahon ng exams na nag-aaral pa ako. Simula noong grade school ako. At ang bumabagabag sa aking tanong ay ito: bakit kaya nakakatawang ikwento ang mga cheating strategies kapag may tests? Kinukwento ko ang cheating strategies ko sa mga pamangkin ko at natatawa kami. Pinakanakakatawang cheating strategy na narinig ko ay sa kapatid ko na nag-aaral ng medicine. May dance instructor sila at followers. Ang dance instructor ay ang nakapag-aral para sa exam at s'yang nagbibigay ng mga answers. Ang mga followers ay ang nasa paligid n'ya na kukuha ng answers sa kanya. Lagi daw kasing multiple choice ang type ng exams nila. Ang dance instructor ay gagawa ng mga steps at bawat step ay nag-sisignify ng isang letter. Ang left step ng left foot ay A. Ang right step ng right foot ay B. Ang right step ng left foot ay C. At left step ng right foot ay D.

Bago mag-exam, may rehearsal muna ng dance steps para mabilis na makukuha ng mga followers ang steps ng dance instructor.

Sa oras ng exam, kapag tapos na'ng magsagot ang dance instructor, gagawin na n'ya ang kanyang steps. Dire-direchong steps from 1 hanggang kung ilang numbers ang test. Kaya kailangang mabilis magsulat at magaling ang eye-hand coordination ng mga followers.

Pagkatapos makuha ng mga followers ang "steps" at nakumpleto na ang sagot (siyempre ang iba minamali nila para daw hindi mahalata), sila naman ang magiging dance instructors para kumalat ang "dance". Buong klase daw ang involved dito. May naka-toka kung ano ang pag-aaralan ng bawat isa para bawat isa ay may specialized "dance".

Naaalala ko noong pinagkukwentuhan namin ito. Tawa kami nang tawa. Aliw na aliw ang kapatid ko sa pagkukwento. Ganito din ako pag nagkukwento ng mga pandadaya ko sa exams sa school. At siguro, safe na sabihin na isa sa mga nakaka-aliw talagang pagkuwentuhan ang mga cheating strategies sa school.

Nababagabag ako ngayon sa tanong kung bakit ganito. Sigurado akong hindi lamang ako, ang pamangkin ko at ang kapatid ko ang na-aaliw sa kuwentuhang ganito. Bakit nakakatawang pagkwentuhan ang mga pandadayang hindi nabibisto? Nababagabag ako kasi madaming anak ang tanong na ito.

Una, bakit parang accomplishment ang pandadaya nang hindi nahuhuli?

Bakit pagkatuwa ang reaction at hindi guilt o pangja-judge kapag nagkukwento o may nagkukwento ng nakalusot na pandadaya?

Ito ba ay naka-angkla sa kultura ng Pilipino?

Kung naka-angkla sa sa kultura ng Pilipino, meron ba tayong problema sa values formation?

Meron na kayang mga Pilipinong sociologists or anthropoogists na nag-aral nito? (sila nga ba ang nag-aaral nito?)

Kung meron na'ng nakapag-aral, ano kaya ang kanilang findings?

Hindi ba ito puedeng sabihing national problem?

Ekonomiya ba talaga ang problema ng Pilipinas o values?

Bakit pagganda ng ekonomiya lagi ang bukambibig ng gobyerno? Hindi ba mahalaga din ang values?

Nitong mga nakaraang buwan, maganda ang pinapakita ng ekonomiya ng Pilipinas. Tayo ang nangunguna sa growth sa Asia. Wala sigurong kokontra kung sasabihin kong hindi tayo nagkukulang sa magagaling na econimists. Ang mga economists natin, nagsipagtapos sa America, sa Harvard, madami ang Cum Laude. Lahat sila nagsasabing economic growth ang kailangang pagtuunan ng gobyerno. Nagkaroon tayo ng dagdag na 2% sa sales tax (E-vat) para lumaki ang tax collection ng gobyerno. Lumaki ang revenues ng goberno hindi lamang dahil sa tax kundi dahil sa padami nang padaming remittances mula sa padami nang padaming OFW's. Meron tayong economic growth, pero bakit hindi tumataas ang kalidad ng buhay ng ordinaryong Pilipino? Mas malaki pa nga ang nawawala sa kanila dahil sa pagtaas ng mga presyo ng bilihin dahil sa pagtaas ng sales tax.

Kakaunti ang alam ko sa macro-economics at gusto kong mas madaming maintindihan. Bakit gan'un? Effective ba sa pagtulong sa mahihirap ang vision ng gobyerno na economic growth sa pamamagitan ng pagtulong sa work force natin na mangibang bayan o magpapasok nang magpapasok ng foreign investors sa bansa?

Sabihin na nating dahil sa success ng gobyerno sa dalawang bagay na ito ay nagkakaroon tayo ngayon ng economic growth. Aanhin natin ang mas madaming pera kung endemic naman sa ating mga Pilipino ang dishonesty? Hindi ba mas maganda na contended tayo sa ating wants? Ang sabi sa economics, limited daw ang resources pero unlimited ang needs and wants natin. Totoo ba'ng unlimited ang needs and wants natin? Hindi ba may limit ang ating wants? Hindi ba kailangang lagyan natin ng limits ang ating wants?

Hindi ba mahalaga ding pag-aralan ang ating endemic na kultura ng pandadaya kasabay ng pagpapatuloy ng pagtatrabaho para sa economic growth? Hindi lang naman sa gobyerno merong pandadaya. Sabi ko nga, sa school, meron. Kahit sa nga mga bahay-bahay, meron. Noong nasa tindahan pa ako, may namimili sa aming nasa abroad ang kapatid. Nagpapagawa ng bahay ang kapatid n'ya sa abroad at s'ya ang naatasang mamili at magpasweldo sa mga tao. Itong namimili sa amin, kapag inuutusan n'ya akong pataasin ang presyo sa resibo para magka-cut s'ya, napapangiti s'ya. Dahil halos araw-araw s'yang nasa tindahan, naging komportable na s'ya sa amin at minsan sabi n'ya noong natanggap n'ya ang komisyon n'ya sa kuya ko, "Ayos, may pang-chicks na naman ako." At nagngitian sila ng kuya ko. At ngumiti din ako. Ano naman kaya ang magiging dating sa kanila kung hindi ako makikingiti?
Itong pandadayang ito, sa sa magkapatid na ito. Iisang bahay. Iisang pisa.

May kaibigan akong tumutulong sa business ng biyenan n'ya sa Tanuan. May tindahan ang biyenan n'ya na feeds sa palengke. Ang kuwento n'ya sa akin, sa isang araw daw maliit na ang P5,000 sa kinukuha ng anak ng biyenan n'ya sa benta ng tindahan. Kaya't araw-araw na pupunta ng bangko itong bayaw ng kaibigan ko, dalawa ang dala n'yang passbook, sa Mommy n'ya at sa sarili n'ya. Sarili n'yang ina ang kinukuhanan n'ya. Ang totoo, hindi na naman n'ya ito kailangang gawin dahil halos ibigay na nga sa kanya ang tindahan. Pero ginagawa n'ya yun at hindi n'ya yun tinatago sa kaibigan ko.

Bakit tayo ganito? Hinding-hindi ko tatanggapin na innate ito sa atin. There must be an explanation. There must be an answer.

Hindi na kailangang tumingin sa mga government officials. Sa akin na lang. Sa aking mga kapitbahay. Sa mga binibilhan ko sa palengke. We share this culture of cheating. At ang pinakanakakabagabag, we feel that sense of achievement pag nakakapanloko tayo nang hindi nahuhuli.

Sigurado akong hindi lang ako ang nakakaramdam ng sense of achievement kapag nag-u-turn ako sa no u-turn slot pero hindi ako nakita ng pulis. Bakit may sense of adventure ang pagsuway sa batas? Galit ba tayo sa authority? Meron ba tayong collective unconscious na manggoyo sa authority? Bakit parang collective unconscious sa ating mga Pilipino na isiping ok lang hindi sumunod sa batas basta't walang pulis?

Bakit kaya gan'un?

Heto na naman ako, thinking about the BIG things, ni hindi ko pa nga alam kung paano ako magtatanghalian. Hahaha. Laughter is a great tranquilizer of the agitated mind. :-)











Monday, January 21, 2008

Mga totoong tao

Kailangan ko nang magsulat kahit wala akong naiisip isulat. Siguro tungkol na lang sa Fiesta kahapon.

Fiesta sa amin kahapon. Dinayo kami ng mga kamag-anak namin sa Lucena. Mga kapatid at pamangkin ni Nanay. Madaming mga batang kahapon ko lang unang nakita -- mga anak ng mga pinsan ko. Ngayon na lang uli kami nagkasama-sama. Ang cool ng mga tiya ko at mga pinsan kong mga babae. Sila-sila ang nag-iinuman. Kung tutuusin, mas masaya ang mga kamag-anak ko sa side ng Nanay ko kasi magkakasundo lahat sila. Ang mga tiyo ko at ang mga pinsan kong lalake, pinakikinggan nila ang pinakamatanda kong tiya-- na nakisayaw sa amin kahapon. Halos lahat sila ang gaganda ng boses. Hindi na ako na-e-excite sa videoke kasi nakakasawa na at naiingayan na ako. Pero sila, nakita ko talaga ang excitement nila noong dumating na ang hiniram naming sound system at magic sing. Wala na kasing mahiramang videoke kaya humiram na lang kami ng magic sing at kumpleto pa ang sound system. Nakahiram kami sa kapatid ni Ate Mabel. Ang galing, meron talaga silang sound system sa bahay. Ang speakers nila, may tripod pa. Puede na nga silang magpa-arkila. Mobile sound system.

Anyway, ang mga taga-Lucena kong kamag-anak. Ang totoo, mas gusto ko silang kasama kesa sa mga kamag-anak ko dito sa Lipa. Ang mga tiyo at tiya ko dito, nag-aaway sila sa pera. Minsan iniisip ko, mas masaya pa ang mga kamag-anak ko sa Lucena kahit hindi sila kasing-asenso ng mga kamag-anak ko dito sa Lipa sa side ng Tatay ko. Wala nga siguro sa kanilang propesyonal at wala siguro silang mga negosyo tulad ng mga tiyo at tiya at mga pinsan ko dito sa Lipa, pero tuwing may okasyon, kita mo sa kanila na nilalasap nila bawat sandali na magkakasama kami. Hindi sila nahihiyang sumayaw kapag napapasayaw sila. Kahit mga Tiya kong mas matanda pa kay Nanay. Ang cool!! Mas nagmana 'ata ako sa side ni Nanay kesa sa side ni Tatay. Ang mga tiyo at tiya ko sa Lucena, mga magtitinda ng isda sa palengke, mas masaya kapag kami ang nagkakasama-sama sa okasyon tulad ng fiesta kahapon. Nagbabalak nga na mag-reunion. Ang saya n'un.

Gusto ko silang kakwentuhan kasi hindi nila nilalagyan ng pabango ang mga sinasabi nila. Mas gusto ko ang gan'un. Walang plastikan. Mga totoong tao. At marunong silang magsaya. Sila ang living testament na hindi naman kailangang maging mayaman para maging masaya.

Monday, January 14, 2008

Ngayong umaga

Maganda ang umagang ito. Sumisikat ang araw pero hindi nakasisilaw. Hindi masakit sa balat at mata ang sinag. Makintab at berdeng-berde ang mga puno at halaman. Kumakaway ang mga dahon, sumasalubong sa aliwalas pagkatapos ng ilang araw na ulan. Umaawit ang hangin, mga ulap at ibon ng bagong simula. Bagong-ligong sanggol ang ngiti at amoy ng lahat ng may buhay.

Puwera lang siguro sa akin.

Bagong hugas at nakabihis na ng sigla ang mundo ngunit naiwan ako sa hilata ng pag-ulan: Paano’ng babangon at magsisimula ngayong umaga at kung makapagsimula man, paano’ng makapagpapatuloy?

Kailangan ko nang maki-ayon sa kalikasan.

Friday, January 11, 2008

Diklom

Mga bagong salitang natutunan ko ngayong araw:

-- diklom
--dag-im

Dumiklom, dumag-im synonymous sa dumilim ang langit, nagkulimlim. Sa tiya ko ito natutunan kanina. Ang sabi n'ya, "Pupunta sana ako sa baba pero bigla namang dumiklom." (Ang baba ay ang bahay ng isa ko pang tiya na malapit sa creek kaya pababa ang lupa). Tinanong ko ang tiya kong kakwentuhan kung ano ang "dumiklom". Ang sabi n'ya "Dumiklom. . . dumag-im." Sabi ng Kuya ko na nand'un din, "Hindi mo alam yun? Dumiklom, dumag-im, nag-dagitab?"

Whatever. . .hehe. .

May pinsan akong umayos ang posisyon sa cruise liner sa US na namomroblema ngayong huling uwi niya. Nagsimula siya sa barko bilang isang bell boy pero na-promote siya na head ng lahat ng mga bell boy (na hindi ko natanong kung ano ang bagong trabaho, siguro, taga-utos na lang sa mga bell boy at hindi na nagbe-bell boy). Itong pinsan kong ito na biglang umasenso, namomroblema siya ngayon kasi ayaw na'ng i-renew ang contract n'ya sa cruise liner na pinagtatrabahuhan n'ya. At 'eto pa, at mas malala, nakabuntis pa s'ya ng babaeng kasama n'ya sa trabaho sa barko. Ang sabi ng mga bubwit, alam daw ng asawa ng pinsan ko ang pangyayaring ito. At namomroblema ang mag-asawa, hindi dahil sa pagtataksil ng lalaki kundi dahil sa hindi matatakasang sustento sa lumabas na unang anak (sa labas). Sa pinakahuling sagap ay 25 thousand pesos (hhhwaht!!!) kada buwan ang hinihinging sustento ng babae dahil sa pagkakatigil niya sa pagtatrabaho bilang chambermaid dahil sa paglobo nga ng kanyang tiyan. Na pinalobo nga ng aking pinsan.

Hindi ko na naman ito kailangang pakialaman pero papakialaman ko na rin. Blog lang naman ito. Lumapit ang pinsang ito sa kapatid ko at humihingi ng tulong. Umuutang ang pinsan ko para makapag-apply sa ibang kumpanya dahil nga, ayaw na ngang ipa-renew ang kontrata niya. Mapapatotohanan ito mismo ng aking sariling mga mata dahil nandoon ako sa tindahan nang nagpunta doon ang pinsan ko at mula naman mismo sa bibig ng Kuya ko nagmula ang balitang kaya napadalaw sa tindahan ang pinsan ko ay nangungutang nga sa kapatid ko itong pinsan ko. Dahil nga sa problema ng pinsan ko sa trabaho at sa babae.

Isa pang rising action, may kutob akong nag-apply si Kuya ng loan sa AsiaLink Lending Corp. isang lending corporation na ang sabi'y naka-base daw sa Maynila, para tulungan ang pinsan kong ito. Bakit ako kinutuban? Dahil tumawag sa akin ang Asialink kanina, ako mismo ang nakausap at maliwanag na maliwanag ang sabi ng babae sa kabilang linya ng telepono. Character reference daw ako ng kapatid ko sa kanyang ina-apply na loan. Sa madaling salita ay may partisipasyon ako sa naturang mga pangyayari sa buhay ng aking pinsan. Kaya't sa muling pagsisiyasat ay hindi lamang ako nangingialam dahil blog lang ito, kundi, bilang isang character reference, moral obligation ko ang makialam. Dahil nga ako ay isa sa mga kailangang sanggunihin ukol sa character ng nag-aapply ng loan na ito ngang kuya ko. Kung sakaling may narinig na hindi kaaya-aya ang loan officer ng Kuya mula sa isa sa kanyang mga character references, kung tama ang aking kutob na ito ay para sa aking pinsan, may posibilidad na hindi ma-aprubahan ang loan. May posibilidad na hindi makautang si Kuya. At may posibilidad na hindi matulungan ni Kuya ang aking pinsang namomroblema. Samakatuwid, kung hindi ako mangingialam, may posibilidad na hindi mabigyang solusyon ang pinoproblema ng pinsan ko at ngayo'y problema na rin ng Kuya ko.

Kaya't 'eto na nga't pakikialaman ko na sila. Ang pinsan ko muna. Bakit hindi n'ya inuna ang pagtatabi ng pera sakaling dumating ang mga hindi inaasahang mga pangyayari katulad nito? Bakit niya inuna ang pagbili ng magarang sasakyan?

At ang kapatid ko. Bakit hindi na lang siya humindi sa pinsan ko kung talagang napakalaki ng kanyang inuutang o wala s'yang maipapautang? Bakit kailangan pa n'yang isangkalan ang pangalan n'ya sa Lending Corp. kung totoo nga ang aking kutob na ang tumawag sa akin kaninang loan officer ay loan ni Kuya para sa pinsan ko?

At sa akin. Bakit ba napaka-judgmental ko sa mga tao? Bakit hindi ko na lang tingnan ang sarili ko? 27 years old na ako, wala pang maipagmamalaki kundi na anak ako ng Tatay kong nakaaangat nga pero wala namang kasiyahan sa buhay. Bakit hindi ako maging katulad ng iba kong mga pinsan? Maayos ang trabaho. Mga normal ang trabaho. Nagbibihis ng business attire, nagme-make-up, pumupunta sa opisina tuwing umaga (o gabi, o madaling-araw). May maipagmamalaki sa lipunan. Nakakabili na ng sarili nilang kotse. Hindi umaasa sa pa-kotse at pa-gasolina ng mga ama nila. Hindi ginagamit ang koneksyon ng pamilya para maka-una sa linya sa pagbabayad sa bangko (na ginawa ko kanina) o pag-aasikaso ng mga papeles sa mga opisina (notaryo, auditing, halimbawa). O maka-libre sa bayad sa pa-check up sa ospital. Ako, ha, may magagawa ba ako sa lipunang hindi ko ipaghihirap kung hindi ako anak ng aking ama? Ha? Ha? HA?!

Aray. . . .

Biglang dumiklom ang aking puso.

Tuesday, January 8, 2008

Paghahanap sa Kabuluhan

Nakakainis! May pumasok sa isip kong lines sa isang librong matagal ko nang nabasa na hindi ko maalala! Hindi ko maalala ang librong yun at hindi ko maalala ang lines. Shet! Pero ang sinasabi doon ay puede naman daw mabuhay ang author ng libro na hindi sumusulat pero, ito lang ang natandaan kong words, "with less scintillating joy". Hay, ano kayang book yun? Akala ko mula ito sa foreword ng poetry book ni Luisa Igloria na "Blood Sacrifice" pero ngayong tinitingnan ko, wala namang foreword ang book na ito.

Gagawin ko sanang epigram ang lines na yun sa entry ko na ito. Well, that's life. Matutunton ko din yun sa tamang oras. Wala akong madaming oras ngayon para isa-isahin ang mga libro ko.

Naisip ko lang (at kailangan kaagad isulat para hindi mabulok) na naiintindihan ko na ngayon ang sinasabi ng author na yun (kung sinumang author siya at kung anumang libro n'ya). Kung nakita ko yun, yun din mismong lines na yun ang sasabihin ko ngayon. Totoong kaya kong mabuhay nang hindi nagsusulat. Ilang taon akong hindi nagsusulat. Napakadaming beses na tinangka kong magsimulang magsulat pero sa tuwing kaharap ko na ang journal o papel, o tissue, o dingding -- blangko. Wala akong maisulat. Ang pakiramdam ko noon, wala akong maiisulat dahil wala namang kabuhay-buhay ang aking buhay: magpapakapagod sa trabahong hindi ko pinaniniwalaan at magpapahinga para magpakapagod uli. O kung hindi naman magpapakapagod ay magpapakontrol sa restlessness ng utak o sa pagkasura sa sarili o sa paghihintay sa mga pangyayaring walang kasiguruhang makakarating. Nagalit ako sa pagsusulat dahil hindi niya ako inaruga. Pinabayaan n'ya ako. Hinayaan n'ya akong maligaw. At ngayon, naisip ko, na isa ito sa pinaka-childish, selfish, egoistic kong pananaw. Kinukurot ako ng mga salitang: "Ako ang may katawan; ako ang tao. Ako dapat ang umaaruga sa aking pagsusulat." At nakakagising ang kurot na ito.

Kung ako ay isang Greek tragic hero, ang isa siguro sa mga character flaws ko ay inconsistency (siguro kung tragic hero ako, namumutakti ako ng character flaws kaya't hindi siguro ako magiging magandang character sa isang Greek tragedy dahil dadami ang sub-plots) Marunong naman akong magmahal ng isang ideya. Kaya kong magbabad sa init ng araw, magputik, magdukal ng lupa, magtanim ng ideya. Pero kung sumibol na ang ideya, 'eto na ang problema. Lagi-lagi kong iniiwan, pinapabayaan, hindi dinidiligan. Malimit, nalulunod ako sa kaligayahan sa pagsaksi ng pagsibol at napapako ako sa pagpapalaki hindi ng ideya kundi ng aking ego dahil masyado akong nagandahan sa ideya (Lecheng ego, patayin!!) Kung hindi naman, nagpapatangay ako sa hanging nagsasabing "Wala naman 'yang kuwenta." Masamang hangin ang nagsasabi n'un at tanga akong nagpapagoyo dahil walang anumang bagay na umusbong sa pagmamahal na walang kuwenta. May kabuluhan ang lahat na nagsimula sa pag-ibig.

Isa akong taong mapaghanap sa kabuluhan. Hindi ko alam kung bakit, siguro hindi lang ako nagtatanong, siguro lahat ng tao ganito. ( O siguro dahil Libra ako -- ang convenient answer sa tuwing wala nang ibang maisip)
Siguro, mas tama ang una kong sinabi.

Kung anumang dahilan, malinaw na malinaw, bumabatingaw,
ngayong tanghaling tapat
ang kabuluhan para sa akin ng pagsusulat:

Sa tuwing nagsusulat ako, bumabalik ako sa aking Sarili.

Sunday, January 6, 2008

Balon

Pamilyar na pamilyar sa akin ang nararamdaman ko ngayon. Lagi ko itong nararamdaman mula pa bata sa tuwing maririnig ko si Tatay na galit at nagtataas ng boses kay Nanay. Natatakot ako ngayon kasi, kapag galit si Tatay, nagpapalamon siya sa galit. Nakakatakot ang lakas ng boses niya, ang mata niya, lalong-lalo na ang mga sinasabi niya. Tuwing galit siya, ang pakiramdam ko ay lumiliit akong maliit na maliit, nagiging isang anim na taong bata, naka-bestidang dilaw, naka-stockings na puti, pipicture-an ako ni Tatay sa unahan ng kotseng pula, at bigla s'yang nagalit, nagngitngit ang ngipin at kinaladkad ako papalayo sa kotse habang sinigawan n'ya ako: bakit daw ako umupo sa kotse. Tuwing nagagalit si Tatay tulad ngayong gabi, may parte ng aking sarili na lumiliit, bumabalik ang naramdaman ko noong walong taon ako, dumaan ako sa may paanan ni Tatay habang nag-si-siesta siya sa folding bed at bigla n'ya akong sinipa sa tiyan dahil hindi ko sinasadyang masagi ang kanyang paa at sa lakas ng sipa niya ay napaupo ako sa sahig. Wala akong napagsumbungan dahil alam kong walang mas matapang kay Tatay sa bahay. Lahat ay takot sa kanya. Siguro dapat umiyak na lang ako noon para nakalabas ang nararamdaman ko noong mismong oras na iyon. Pero hindi ako umiyak noon. Hindi lagi ako nakaka-iyak noong bata ako. Kaya siguro, ang mga hindi ko naiiyak, hanggang ngayon nandito pa sa akin. Malalim na at mahirap nang salukin. Pero kailangan pa ring salukin dahil nakakabigat at hindi nakakatulong sa paglago ko bilang tao.

Una kong Blog Entry


Meron talaga akong taglay na kaduwagan sa katawan. Duwag akong magsulat dito dahil baka may makabasa na kilala ako. Kung wala akong tinatagong masama, hindi ko kailangang matakot. Pero takot ako. Kaya't bukod sa duwag, mapagpanggap din ako at mapaglihim. Ilan nga lang bang tao ang totoong nakakakilala sa akin? Sa huling bilang ko'y dalawa lamang.

Kailangan kong turuan ang sarili kong maging totoo at maging matapang. Ito lang naman ang dahilan kung bakit ako nagsisimula ng blog. Ito, at isa pang dahilan na hindi ko masabi. Dahil nga, duwag ako. Pero dahil gusto kong panindigan ang sinabi ko kanina, sasabihin ko na. Ang isang pang dahilan ay para ipaintindi ko ang sarili. Hindi pa ito ang buong sentence, pero pinutol ko na ng period. Kasi nga hindi pa ako gan'ung katapang. At kaya nga kailangan ko ng blog na ito dahil gusto kong magsiwalat, pagbuksan ng pinto ang matagal nang nakakulong, katulad ng pagbubukas ni Pandora sa kanyang kahon. Maraming naimbak sa loob na kailangan nang lumaya.

Magpapalaya ako dito, magpapakatapang, magsisiwalat at magpapakatotoo sa abot ng makakayanan.