Sunday, January 6, 2008

Una kong Blog Entry


Meron talaga akong taglay na kaduwagan sa katawan. Duwag akong magsulat dito dahil baka may makabasa na kilala ako. Kung wala akong tinatagong masama, hindi ko kailangang matakot. Pero takot ako. Kaya't bukod sa duwag, mapagpanggap din ako at mapaglihim. Ilan nga lang bang tao ang totoong nakakakilala sa akin? Sa huling bilang ko'y dalawa lamang.

Kailangan kong turuan ang sarili kong maging totoo at maging matapang. Ito lang naman ang dahilan kung bakit ako nagsisimula ng blog. Ito, at isa pang dahilan na hindi ko masabi. Dahil nga, duwag ako. Pero dahil gusto kong panindigan ang sinabi ko kanina, sasabihin ko na. Ang isang pang dahilan ay para ipaintindi ko ang sarili. Hindi pa ito ang buong sentence, pero pinutol ko na ng period. Kasi nga hindi pa ako gan'ung katapang. At kaya nga kailangan ko ng blog na ito dahil gusto kong magsiwalat, pagbuksan ng pinto ang matagal nang nakakulong, katulad ng pagbubukas ni Pandora sa kanyang kahon. Maraming naimbak sa loob na kailangan nang lumaya.

Magpapalaya ako dito, magpapakatapang, magsisiwalat at magpapakatotoo sa abot ng makakayanan.









4 comments:

Numina said...

sa pamamagitan ng pagsisiwalat sa lahat ng iyong iniisip at higit sa lahat nararamdaman, ikaw ay isa sa mga pinakamatapang na taung nakilala ko. patuloy mong sinusubukan ang iyong sarili at nilalagpasan ang anumang hadlang sa iyong patuloy na pagbabago. Hindi ka isang tipikal na "Libran", niyayanig ng katapangan mo ang imahe nito....

Shewolf said...

salamat

dahil sa "women who run with the wolves" cguro. . .

ako'y shewolf, siguro kailangang panindigan hangga't kaya. . .

salamat nang marami.

mula sa puso ng aking puso.

Monadita said...

Pagbati. Dinala ako ng tadhana at google search sa blog site mo habang naghahanap kung mayroon pa ba akong mabibilhan ng librong ' Women Who Run with the Wolves' dito. :) Mukang pambihirang libro nga. Sana hindi pa huli ang lahat :D

osman said...

Kumusta kayong lahat,
Ang pangalan ko ay Mr, Rugare Sim. Nakatira ako sa Holland at masaya akong tao ngayon? at sinabi ko sa sarili ko na ang sinumang nagpapahiram na nagligtas sa akin at sa aking pamilya mula sa aming mahirap na sitwasyon, ire-refer ko ang sinumang tao na naghahanap ng pautang sa kanya, binigyan niya ako ng kaligayahan at ang aking pamilya, ako ay nangangailangan ng pautang ng € 300,000.00 para masimulan ang buhay ko dahil ako ay nag-iisang Ama na may 2 anak nakilala ko itong tapat at natatakot sa Allah na lalaking nagpapautang na tumutulong sa akin sa pautang na €300,000.00, siya ay isang taong may takot sa Allah, kung kailangan mo ng pautang at babayaran mo ang utang mangyaring makipag-ugnayan sa kanya sabihin sa kanya na (Mr, Rugare Sim) i-refer ka sa kanya. Makipag-ugnayan kay Mr, Mohamed Careen sa pamamagitan ng email: (arabloanfirmserves@gmail.com)


FORM NG IMPORMASYON SA PAG-AAPLIKASI NG LOAN
Pangalan......
Gitnang pangalan.....
2) Kasarian:.........
3) Halaga ng Pautang na Kailangan:.........
4) Tagal ng Loan:.........
5) Bansa:.........
6) Address ng Bahay:.........
7) Numero ng Mobile:.........
8) Email address..........
9) Buwanang Kita:.....................
10) Trabaho:..........................
11) Aling site ang ginawa mo dito tungkol sa amin.....................
Salamat at Best Regards.
Mag-email sa arabloanfirmserves@gmail.com