Friday, December 31, 2010

2011 Mapping



There's lots of things to look forward to in 2011. That word "substantial" is still ringing in my head. But whether I receive or not, I am fine. I feel wonderful.

I would never get to any destination if I don't know where I'm heading.

So where am I heading?

Here's where:

  • Next year, I will make important things important to me. I will put more effort to putting God first in everything. I will work harder to make God my center, my source, my guide.
  • I will go back to yoga and meditation.
  • I will put more effort to finding a good relationship with a good boyfriend. How to find him? I think I already did. Let's see.
  • Be more thoughtful to family and friends. Kind words. Loving gestures. More memories.
  • January to May, Spanish. June, Masteral in Literature. June, Teach Literature.
  • P30k per month income from Peachy's Parties.
  • Visit Philippine spots outside Region IV.
  • Singapore and Europe.
  • Twice a week post to Alunsina.com
  • Read at least 6 literary classics.
  • Watch more plays and films. Less for pleasure, more for inspiration.
  • Write. A Play. A Film. Poetry.
  • Laugh everyday.
  • Drink more water. Eat more fruits & vegetables. Less junk food & sweets.

There will be difficulties, frustrations, wrong decisions, pain, sadness, failures.

I am so ready for them. As long as I have God, I am fine.


So, 2011 --

Let's kick some ass! VAMONOS!!!

WELCOME 2011!!! YOOOHOOOO!!!

Thursday, December 30, 2010

Dec



Hindi kami close. Ni wala nga akong natatandaang pagkakataong magkasama kami. Barkada n'ya ang bestfriends kong si S at si J. Iisang beses ko lang natatandaang nagkausap kami -- noong nakasalubong ko s'ya sa SM. May mga kasama s'ya, mga kasama daw n'ya sa work. Masasaya sila, naghaharutan. Pinakilala pa nga n'ya sa akin ang mga kasama n'ya. Yung isa dun team leader daw n'ya. Sa call center daw kasi s'ya nagtatrabaho.

Nag-chat kami isang beses sa FB, hindi ko matandaan kung bago o pagkatapos naming magkita sa SM. Tinatanong n'ya sa akin si J, kung may communication pa daw kami. Gusto daw niyang makausap si J. Ang tagal na daw na wala silang balita sa isa't-isa.

Yun lang ang natatandaan ko sa kanya -- pagkikita namin sa SM at chat sa FB. Natatandaan kong nakita ko siyang palabas ng isang gate sa isang apartment sa dinadaanan naming subdivision na short cut papuntang highway. "Dun pala si Dec nakatira," sabi ko sa sarili ko pero hindi ko na siya binati. Diretso lang pagda-drive.

Si Dec.

Birthday niya noong December 27. Mismong araw na yun, namatay siya. 30 years old. Ka-edad ko. Isa na namang untog sa realidad.

Nauntog ako at nagka-huwisyo:

Nasa tao nga pala ang kamatayan. Mamamatay lahat. Mamamatay ako. Kung kelan, hindi ko alam pero nasa akin ang kamatayan.

Mahirap sabihin pero ito ang totoo. Mamamatay ako. Mortal ako.

Magkausap kami ni J. kahapon, at dahil na rin kay Dec, napapunta ang usapan namin sa paglilista kung ano ang mahalaga. Relasyon sa Diyos. Pag-ibig. Relasyon sa tao. Ang pagiging malay sa ngayon.

Ang ngayon. Ang sanda-sandaling ngayon.

Hindi ko masasabing kaibigan ako ni Dec. Wala nga kaming masyadong pinagsamahan. Pero ngayong hatinggabi, tahimik akong nananalangin para sa kaluluwa niyang imortal. Nananalangin din ako para sa mortal kong buhay at ang pagtahak ko sa bawat dadating na ngayon.

Wednesday, December 29, 2010

2010 Highlights Part 3: Volunteer Work



Nasabi ko na lahat sa post kong Mga Bata sa Sitio Payong ang lahat ng masasabi ko tungkol sa volunteer work ko.

Masaya akong na-discover ko ang Idente Missionaries at ang values program nila sa mga bata sa Sitio Payong. Minsan, nararamdaman kong tama na, ok na ang ginawa ko, na-experience ko na, oras naman sa pamilya, oras naman para gumawa nang ibang bagay, mag-roadtrip at kung anu-ano pa.

Alam kong marami akong kailangang i-sacrifice para sa isang araw na pagpunta ko para sa volunteer work. Sabi nga nila, giving, real giving is never really easy.

Magiging active pa ba ako next year dito? Nasabi ko na sa kanila na hindi na ako makakapunta nang every Sunday, na twice a month na lang ang maiipangako ko. Is this enough? Is this really giving? Or is this compromise?

Questions, questions. Sana bago mag- New Year, meron ng answers. . .

Thursday, December 23, 2010

2010 Highlights Part 2: Back to School


Leo Buscaglia said that every time we learn something new, we become new. And that is what happened to me when I went back to school to study Spanish last March. I LOVE going to school so much that everyday that I have class I wake up feeling excited like a little girl going on her first school field trip. Since started studying Spanish, I feel I have become a bigger person in terms of perspective. It is such a real joy because I know that the more that I become more, the more that I can share.

And boy, am I soo excited to share. When I start teaching, I think I will be the most enthusiastic, hyper, crazy teacher my students will ever see. I can't wait to start and finish my M.A. and go back to teaching.

New Environment

There are lots of ways to learn Spanish here in the Philippines but to me, it's Instituto Cervantes or nothing at all. Cervantes isn't just a language school. It is an Atheneum, in the definition of ancient Greeks. (don't know how to define it.) It has an environment that makes possible osmosis of learning. From the architecture to the walls that we can write on, the wonderful school director and staff, free cultural activities, social gatherings (free food!), book festival, film festival, free performances, lectures, talks, World Cup celebrations -- Instituto Cervantes has everything I wanted when I was still in school but was too insecure and inhibited and stupid to actively participate in. Even so, nobody does these things better than Instituto Cervantes. And now that I'm there, I am taking out the marrow out of it, so to speak.

New People

I have also met interesting people while I was studying at Instituto Cervantes. Most of the teachers I had were great teachers. From them, I learned a lot about pedagogy and interactive teaching strategies. The Romantic that I am, I also fell in love with a number of my teachers there. Hotness is a young, intelligent, funny, sexy, gorgeous professor speaking Spanish. Grrrrr!

Like-minded people go to the same places. Although many students at Instituto study to be bilingual call center agents, still there are some people who go there for more, hmmmm, Romantic reasons. I met Tita Evelyn who at the age of 50 is still brimming with enthusiasm for life that will put to shame fresh high school graduates. She still has that youthful exuberance that fades in us when we start working for money and security, I think. When I reach that age, God I hope I'll be as exuberant and life-affirming as she.

I met new friends Ron, Jenimar, Meljean, Angel, Sarang, Malou, Minerva, Dang that makes going to Cervantes everyday feel like I was going home. Enough of the "quasi-philosopher-always-alone-and-thinking-and-writing" image of college years. Being a smart ass isn't cool. Having a circle of friends to enjoy learning with is. I am thankful to God for sprinkling us the magic of friendship. Really, it's magic when friendship is formed. Effort is needed, yes, but effort alone won't make it. Magic.

New Me

Nobody may have noticed but who I am today, December 23, 2010 is in a way a different person to who I was last February 2010. I notice it in the way that I relate with people, the way I choose from among different good things, the way I think, the way I live my life. Subtle, subtle changes. A day that I learn something new is always a wonderful day. A day that I go to Instituto Cervantes to study Spanish is always a wonderful day. I hope to come back to Instituto real soon. Next year, I hope to continue becoming more and more. I hope to share more and more.

Wednesday, December 22, 2010

2010 Highlights Part 1: Life Work



Dapat ililist ko lang ang mga highlights, sidelights and lowlights ng 2010 sa akin pero dahil sinimulan ko ang list sa topic na ito, ang haba-haba ng kinalabasan. Kaya ito ang Part 1 sa series ng blog posts ko about my 2010.

Career Change

Ayaw ko actually ng word na career kasi kapag ginagamit ko ang word na yun, ang naiisip ko ay isang taong laging pandalas sa umaga para makauna sa traffic, nakasuot ng pang-trabaho, stressed out sa trabaho maghapon, ang pangarap ay makataas sa corporate ladder pero kapag nasa pinakamataas na, gusto namang makawala sa rat race.

Kaya heto na lang pala ang heading:

Delineation of Life Work

Isang moment of eureka ang pagdating ng idea para sa party planning biz. Napakadaming energy ang binigay sa akin ng ideang yun. May mga ideang kapag pumapasok sa akin, basta na lang nawawala kasi walang energy. Pero ang energy ng ideang yun, nagbuild-up nang nag-build up. Isang malaking "YESSS!" ang idea. Isang ideang excited na excited akong i-share sa mga taong mahal ko. Isang ideang nagbigay sa akin ng isang mahabang-mahabang push para magpakahirap at gumawa ng mga bagay na hindi ko na nagagawa dati.

Totoong na-frustrate ako dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari at may mga times na iniiwan ko siya. May ilang weeks na nakatunganga lang ako sa mga oras na dapat nagmamarket ako at nagtatrabaho. Pero at the back of my mind, alam kong wala akong kawala dito. Kahit iniiwan ko s'ya, and'yan pa rin s'ya. Kahit wala akong ginagawa, s'ya ang gumagawa para sa akin. Bigla na lang may tatawag na kliyente. Bigla na lang may magtetext na supplier.

Social Butterfly

Recently, dahil sa isang rason na hindi ko masabi, nag-research ako ng mga personality traits ng mga zodiac signs. D'un ko na-realize na Librang-Libra talaga ako. Ako ay isang social butterfly. Masaya ako kapag wala akong inhibition at madami akong nakakausap na tao. Enjoy na enjoy akong may nakakausap na interesting na tao. Kaya siguro kahit nahihirapan ako, hinding-hindi ko maiwan ang Maynila. Ang dami kong nami-meet na interesting na tao sa Maynila. Kahit na introvert ako, puede kong angkinin ang label na "social butterfly".

Celebrations

Hindi ako mahilig uminom pero kaya gusto kong umiinom dahil gusto ko yung walang inhibitions ang mga tao sa pakikipag-usap, pati ako. Umiinom ako kapag masaya ako, kapag gusto kong maging madaldal at maging extrovert, kapag gusto kong magcelebrate, pag gusto kong makipagbonding sa iba. 2 beses lang 'ata akong uminom mag-isa dahil may problema ako. Drinking has always been a celebratory thing. At ganun din para sa akin ang mga social gatherings. They are always about celebrations.

Lumaki akong laging bongga ang binibigay sa aking birthday celebration. Buong taon, tipid na tipid si Tatay pero kapag birthday ko at kapag fiesta sa amin, all out si Tatay kung maghanda. Sabi ni Kuya Orlan, na-e-excite daw sila at ang mga kamag-anak kapag mag-o-October na kasi pagdating ng birthday ko (October 15), sigurado daw na may malaking handaan.

Tinatapat lagi ni Tatay sa birthday ko ang mga mahahalagang pangyayari sa amin: blessing ng bagong bahay, pagbubukas ng bagong talyer, pagbubukas ng bagong business. Lumaki akong laging may napakalaking reunion tuwing birthday ko.

Libra, the Air Sign

Ako ay isang air sign at sabi sa horoscope ko, ang mga tao daw na pinanganak under air sign ay kailangan lagi ng space, ayaw n'yang nakakulong. Totoong-totoo ito para sa akin. Hindi ko pa alam ito dati pero thinking about it now, ang pinakamasasaya kong mga moments ay kapag hindi ako nakakulong, kapag gumagawa ako ng mga bagay na pakiramdam ko malaya ako -- theater, acting, teaching, road trips, reading about new cultures/ideas. . . .

Event Coordinating

Noong sinabi sa akin na ako daw ang mag-o-organize ng Christmas party sa dati kong work, hindi ko alam na isa pala yung pintuan para sa isang napakalaking palasyo. Kapag kausap ko ang mga suppliers, pakiramdam ko, nawawala ako sa sarili ko. Pakiramdam ko, may ibang ispirito na gumagawa ng pagsasalita para sa akin. Kahit na nagbi-business ang mga suppliers, ang mga caterers kunwari, kung kakausapin sila ng parang isang kaibigan, they would gladly give you the service that you expect and more. They would gladly give you discount.

Makukuha mo ang gusto mo sa pamba-bluff, sa pang-haharass, sa pang-gogoyo ng mga tao, sa pambobola, sa pananakot, sa pang-iisa. Pero walang papantay sa pakiramdam na nakuha mo ang gusto (presyo, service, produkto) nang totoo ka sa sarili mo, totoo ka sa ibang tao. Walang papantay sa pakiramdam na nagagawa mo ang trabaho mo at nagkakaroon ka ng mga bagong kaibigan at the same time. Walang papantay sa pakiramdam na pinagkatiwalaan ka at naibalik mo sa iba ang tiwalang binigay nila sa iyo.

Party Planning

Paanong basta na lang akong titigil kapag hindi ko matagalan ang lungkot sa pagtatrabaho nang mag-isa? Kahit tinatamad ako at walang ganang magtrabaho? Paano akong hindi babalik at mag-aayos muli kapag nafu-frustrate ako at kapag pumapalpak lahat ng bagay? Paanong hindi ako magpapatuloy kung maliwanag na maliwanag na dapat ko itong ginagawa?

Madaming beses na iniiwan ko ito at pinapabayaan pero lagi-lagi na lang ibinabalik ako ng Diyos dito. Kaya hindi lang highlight ng 2010 ko ang party planning, magiging highlight siguro ito ng buong buhay ko. :-)

Tuesday, December 21, 2010

Kalat-kalat




Sana makapagsulat akong hindi ka iniisip.


Thursday, December 2, 2010

Mga Bata sa Sitio Payong

Napakagugulo nila. Pag pinapapila mo sila, mag-uuna-unahan sila, magtutulakan hanggang sa magkasakitan. Hindi sila tumitigil magharutan. Takbuhan sila nang takbuhan kapag pinapaupo na lahat. Pag pinatahimik at pinaupo mo ang isang grupo, yung isang grupo naman ang tatayo at mag-iingay.


May mga batang lagi na lang gustong pumasok sa ilalim ng lamesa sa altar. Merong isang ang laging gusto ay patayin ang sound system pag may nagsasalita sa mic. May ibang bumiyabit na lang nang bumiyabit sa likod ng isang kasama namin. Ang ilang mga batang babae, gustong-gustong nakikipagharutan sa mga madreng foreigner.

Ganito lagi ang eksena tuwing Linggo pag pumupunta ako sa Sitio Payong para mag-volunteer sa children's values program ng Idente Missionaries, isang kongregasyon ng mga madre at pari mula sa iba't-ibang bansa sa mundo. Nakilala ko sila dahil 2 sa kanila ay naging Professor ko sa Spanish sa Instituto Cervantes.

Ang sabi ng isang madre, providence daw ang pagkakakilala ko sa kanila. Ang mga tao daw kasing nakikilala mo ay ibinibigay sa iyo ng DIyos para magturo sa iyo ng bagong direksyon.

Matagal na akong naghahanap ng volunteer work. Sa katunayan, 2 beses na akong umattend ng orientation sa Hands-on Manila. Isa ay noong 2008. Isa muli ngayong taon. Ang gusto kong salihang grupo ay yung mga nagpupunta sa mga ward ng batang may cancer at nagbabasa ng mga children's books sa mga bata.




Pero hindi ko alam kung bakit mailap ang Kythe Institute sa akin. Nagpunta ako dati sa National Kidney Institute para sa activity nila pero hindi ko nakita yung room kung nasa'n sila.

Sabi ni Paulo Coelho, kapag daw may pangangailangan ka, gagawa daw ng paraan ang uniberso para mapasaiyo ang pangangailangan na yun. Naniniwala ako dito. Noong nagkataong nagkasabay kaming maglakad ni Fatima at Angela. Noong nagkataong nabanggit nila na may program sila sa mga bata. Walang coincidences sa mundo. Lahat ng nangyayari ay panghihimasok ng uniberso sa ating buhay.

Nangangailangan ako ng isang kongkretong paraan para magpasalamat kay Tatay. Napakadami niyang sinakripisyo para sa amin. Napakasipag niyang magtrabaho. Noong huli naming masinsinang pag-uusap, ang sabi n'ya sa akin, maswerte daw ako kasi wala na daw akong poproblemahin buong buhay ko. Madami daw siyang naipundar.



Hindi ko yun tinanggap. Ang sabi ko, hindi ko yun kailangan. Yung pinag-aral n'ya ako sa maayos na school at nagkaroon ako ng skills para magtrabaho, sapat na yun sa akin.

Ang hinihintay n'ya siguro sa akin ay magpasalamat ako dahil inisip n'ya kaming pamilya n'ya at nagpapakahirap s'ya para maging komportable ang buhay namin.

Nangangailangan ako ng paraan para magpasalamat sa Diyos sa pagbibigay n'ya sa amin kay Tatay. Labis-labis na blessings, simula nung nagkamalay ako.

Paano ako magpapasalamat kay Tatay, wala na siya?

At dumating si Fatima, si Angela at ang Idente sa akin. At katulad ng sabi ni Toni Gonzaga sa "My Amnesia Girl", pandesal lang ang pangangailangan ko, burger at french fries ang binigay sa akin. Hindi lang ako nagkaroon ng pamamaraan para makapagpasalamat, para ibalik sa iba ang blessings natatanggap ko. Bukod dun, natutugunan din ng pagpunta ko sa Sitio Payong at pakikipagtulungan at pakikisalamuha sa mga madre ang ispiritual kong pangangailangan.



Pinakamasarap na pakiramdam sa mundo siguro yung nakawala ka sa iyong desires sa iyong ego. Yung gumagalaw ka na hindi ka nagsisimula sa sarili mo kundi may isang enerhiyang hindi nagmula sa iyo ang nagpapagalaw sa iyo.

Naramdaman ko na ito dati. Yung makakapagsalita ka ng mga bagay na normally, hindi mo masasabi. Nakakagawa ka ng mga bagay na normally hindi mo magagawa. Being "beyond yourself", or "living from your higher self" sabi sa mga nababasa ko sa Theosophical Digest.

Dati, gustong-gusto kong pumunta sa India at maging mongha. Gusto kong maunawaan kung ano ang experiences nila, yung mga mystics at mga ascetics. Umattend ako ng workshop sa zen buddhism, sa Nanbudo, sa Tai Chi. Nag-aral ako ng yoga. Naging voracious reader ako ni Dalai Lama ng mga Indian mystics na hindi ko mapronounce ang mga pangalan.

Pero pareho lang naman pala sila ng sinasabi, lahat sila -- hindu, buddhist, mga zen buddhists, tibetan buddhists, mga ascetics sa India, Kristiano, katoliko -- na kapag kaisa mo ang Diyos, ok ka. Ang tao ay isang mangkok sa isang malaking karagatan. Ang akala n'ya lagi ang tubig na nasa loob n'ya ay kanya, na hiwalay s'ya. Hindi n'ya alam, ang tubig ay kaunting parte lang ng karagatan kung saan kasama s'ya.



Maiingay man, magugulo, mahaharot at pasaway ang mga bata sa Sitio Payong, napakahirap sa akin na hindi pumunta sa kanila kapag Linggo. Tinuturuan namin sila tuwing Linggo pero ako rin natututo ako sa kanila kahit hindi nila ako tinuturuan. Ang dami-dami kong narerealize na mga bagay-bagay sa pakikisalamuha sa kanila.

Maghapon akong stressed out dahil sa batch get together sa Sabado pero itong mga batang ito ni walang pambili ng tsinelas, ni hindi alam kung may hahapunanin sa darating na gabi o wala pero ang gaganda ng ngiti nila. Sarap tingnan ng mga pictures nila.








Sunday, September 26, 2010

Follow your Butterflies



May mga bagay na bigla mong napapansin at hindi mo alam yun pala ang mga bagay na sasagot sa mga katanungan mo. Madalas, para sa akin, libro o kaya ay tao. Kapag may dilemma ako, madalas na may susulpot na tao o bigla na lang may maaalala akong libro o may makikita akong libro na parang humahatak sa akin na basahin ko siya.

Sabi sa nabasa ko sa Reader's Digest ngayong umaga, huwag daw pangalanan ang isang tagay na nakakatakot na "nakakatakot" kasi ang tendency natin ay hindi iyon gawin kahit na may pagkakataong lumago tayo bilang tao kung itutuloy natin iyon kahit na takot na takot tayo.

Ang nagsulat ng article ay isang stand-up comedian sa Australia. Ang sabi n'ya, ang tawag daw n'ya dun sa feeling na may butterflies sa stomach o kinakabahan o natatakot o hihimatayin o masusuka sa nerbyos -- ang tawag daw n'ya sa feeling na yun ay "newfeeling". Na-realize daw n'ya na kapag pinapaltan n'ya ang pangalan ng feeling into a word that is nuetral, hindi nagiging automatic ang reaction n'ya na tumigil at h'wag magpatuloy. Noong una daw n'yang audition, mamamatay s'ya sa sobrang nerbyos at takot pero kahit na, pinagpatuloy n'ya.

Sabi n'ya sa article:

I think the best thing about "newfeeling" is that it unerringly points to things we could be doing to express more fully who we are meant to be. And the best way to find it is to look around, consider your options, then do the thing that gives you the biggest knots in your stomach. Notice what scares you most, then grab life with both sweaty palms.


Kailangan bang ang reaction sa mga bagay na nagbibigay ng "newfeeling" ay tumakbo palayo? Tamang ang takot ang nagsasabi sa akin na nasa danger ako pero ang takot ding ito ang nagpipigil sa akin para kausapin ang isang taong gusto ko, pumunta sa isang bagay na puedeng makatulong sa growth ko bilang isang tao, gumawa ng isang bagay na maaaring mag-fail pero malaki ang magagawang maganda kung nag-succeed.

Gagayahin ko s'ya. At least, susubukan ko. I am going to grab life with both sweaty palms. Natatakot akong pumunta sa QC ngayon kasi baka hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pag awkward moments, baka hindi ko alam kung paano ako makikipag-usap, baka kung anu-ano'ng kagagahan ang masabi ko, baka feel ko na ma-op ako.

What the hell. Pupunta ako at kahit na mangyari lahat ng yan, pupunta ako. Ang dami-dami kong narerealize sa tuwing pumupunta ako sa Idente at napi-pick up ko ang energy nila. Mangyari na ang mangyari, I am going to grab life with all the butterflies in my stomach.

Tuesday, September 7, 2010

Emotional Eating


Inaamin ko na, kapag bad trip ako, kapag agitated ang utak ko, kapag anxious ako, kapag bored na bored ako, kapag excited ako, kapag kinakabahan ako, kapag frustrated ako sa isang bagay --- iisa ang reaction ko -- emotional eating.

At nagiging habit na ito kasi halos araw-araw may 1 sa mga nasa taas na emotional agitations na nangyayari. Lalong-lalo na pagkagaling ko ng Instituto at pauwi ako. Laging may emotional state ako, isa o dalawa sa mga binanggit ko sa taas.

At dahil kaliwa't-kanan, puro pagkain ang nakikita ko pauwi ko ng bahay, mas lalo akong nagiging mindless sa pagbili at sa pagkain.

Ngayon na ang araw para aminin kong araw-araw na umuuwi ako ng bahay, nagpapaubaya ako sa agitation ng utak ko at negative emotions at ang laging katapusan ay emotional eating.

Kanina, frustrated ako kasi nakuha ko na ang certificates ko for Levels 1 to 3 at na-frustrate ako kasi may nakuha akong grade na hindi ko ini-expect. Akala ko mas mataas ang makukuha ko kasi dun sa level na yun ako nag-aral nang maayos. Sumama din ang pakiramdam ko kasi nakita ko si I. na nakikipag-usap kay A. Sabi ko sa sarili ko, bakit hindi ako ganung ka-komportable sa kanya para makipag-usap nang ganun although gustong-gusto ko siyang kausapin?




Yun ang iniisip ko pagkatapos naming maghiwalay ni O. at nasa jeep ako papuntang Cash and Carry. Bumili ako ng ingredients para sa Minestrone na hindi ko pa naluluto hanggang ngayon. Bumili ako ng 2 bayabas kasi yung nakita kong bayabas sa Buendia P40 itinitinda. P15 lang naman sa Cash and Carry yung ganung kalaki. Abusado yung nagtitinda.






Sa daan, bumili ako ng paborito kong calamares na tinitinda sa may kanto sa St. Scho. Sarap ng sawsawan nila, maanghang nang konte tapos may calamansi yung suka tapos madaming sibuyas. Habang nagluluto ako ng pasta, kinakain ko yung calamares tapos yung bayabas. Tapos yung pasta hinalo ko sa puttanesca sauce yung de-bote. Hindi ko na masyadong nalasahan yung pasta kasi pati yung bayabas sinawsaw ko sa suka parang halos lasang sukang maanghang na rin ang lasa ko sa pasta. Pagkatapos ng pasta, kape. Yung Kopiko Brown Sugar. Sarap.




Ang unang step daw para sa pagbabago ng isang habit ay acceptance. So here I am accepting na may habit akong kumain ng calamares na madaming sawsawang sukang maanghang, bayabas, santol or mangga, kung alin man itinitindang pinakamaasim at pasta na may maasim-asim din na tomato-based sauce at madalas din may Marty's na vinegar flavor. (Minsan, yung pancit canton na chilimansi o kaya yung Chiam Pong pag walang-walang pera) Hindi ko maintindihan kung bakit naging comfort food ko ang maaasim na pagkain. Dati matatamis, ngayon naman maaasim. Pero maliwanag sa akin ngayong gabi na hindi nagdudulot ng maganda ang emotional eating na ito. Maasim man, matamis, ma-carbo, mapait, o kung anumang comfort food ang sinasaksak ko sa bunganga ko.

Bakit masama? Una, kasi meron akong emotional need at hindi ko yun napa-process dahil sa pagsuot nang pagsuot ng mga comfort food sa bibig ko. Dahil dun, hindi ako dumadating sa mas malalim na pagkakaunawa sa sarili ko. Imbes na intindihin ko kung bakit ako may emotional agitation, ini-stuff ko nang ini-stuff ko ang sarili ko ng comfort food. Tama ba yun? Hindi ba sa isang taong totoong nag-aaruga sa sarili, kailangang i-process ang internal conflict niya para maging wiser siya at para mas maging healthy sya psychologically?

Hindi naman puedeng maging substitute ang pagkain para sa comfort na ibinibigay ng tunay na pagkakaintindi sa sarili. Para lang siguro iyong paglalagay ng band aid sa malaking sugat. Natapalan nga ang sugat pero hindi ibig sabihin nun, wala nang sugat. Mas maganda pa ring linisin ang sugat, tingnan kung gaano ito kalalim o kalaki, at tingnan kung ano'ng mas magandang gawin para gumaling ang sugat, tahiin man o langgasin o lagyan ng Betadine.

Sumisigaw at nagwawala na ang buo kong katawan na bumalik na ako sa meditation at yoga, communion with nature, private time with God, running. Magsulat, magsulat. Gawing inyodoro ang journal. Ilagay lahat ng frustrations at anxieties sa journal at wag sa tiyan.

Paunti-unti. Paunti-unti. Slowly but surely ang motto ko ngayon.

I can do anything through Christ who strengthens me.

*pictures courtesy of google image search*

Friday, August 13, 2010

I love Thursdays!



Bata pa ako, favorite day ko na ang Thursday. Natatandaan ko, n'ung Grade 4 ako, gustong-gusto ko ang Thursday kasi sunod-sunod ang mga favorite kong subjects pag Thursday nang umaga -- English, Soc. Sci., P.E. Dahil may P.E., hindi kami naka-uniform na palda. Naka-white shirt kami na may logo ng Canossa at blue shorts na makintab at madulas. Tapos, pag-uwi ko sa bahay, Thursday group ng That's Entertainment, hehehe. Sina Romnick ata yun at Harlene.

Kanina, first day of new level kami sa Instituto. Ang sayang pumasok kapag mga kaibigan mo na ang madadatnan mo sa school. Ang sayang pumasok sa isang school na feeling mo komportable ka at parang pangalawang bahay mo na. Hindi ko kasi naramdaman yun sa La Salle. Ang laki-laki kasi ng La Salle at ang dami-daming estudyante. Sa library lang ata komportable dun.

Magkakaklase na ulit kami nina Ron. Nakaka-miss si Meljean at mabuti na lang magkaklase na ulit kami ni Ron. Masaya ang klase pag kasama si Ron.

Nakita ko kanina si G.P., batchmate ko nung highschool, sa Instituto. Small world talaga, nag-aaral din sya ng Spanish. Tapos hindi naman kami nag-iimikan n'ung high school pero kanina, may beso pa talaga. Tapos kung mag-usap kami parang close na close kami nung highschool. Kaklase ko 'ata sya nung 3rd year pero hindi ko natatandaang nagkausap kami kahit 1 beses.

OK si G.P. Sabi ni Ron, wala pa daw singsing sa kamay pero ayaw ko muna ng romantic feelings. Haha. Echosera. Friends na lang. Muna.

Tapos, teacher namin si Sra. Trini na sobrang passionate sa pagtuturo. Nakikita ko sa kanya ang passion n'ya na maintindihan namin ang lesson, yung talagang clear na clear dapat ang lesson sa amin. Gusto ko s'ya at feeling ko madami akong matututunan sa kanya at feeling ko gagaling ako sa Spanish sa kanya.

Tapos may bago kaming classmate na galing sa Level 6 class ni Fatima. Ang sabi n'ya, feeling daw n'ya binagsak s'ya ng dahil nalaman daw ni Fatima na iba-ibang lalaki ang tatay ng 3 n'yang anak. At dahil daw ginagaya n'ya pag nagsasabi ng Muy Bien! Napaiyak pa s'ya kasi sabi n'ya ang grade daw n'ya ay 8, 8 at 9 tapos hindi daw s'ya nakapasa sa test. Tapos si Nina daw na friend ni Fatima, hindi din daw pumasa sa test pero bigla na lang n'yang nalaman na pasa sa level 6.

Ewan ko sa kanila. Kung ano ang meron sa kanya at kay Fatima, wala na ako doon. Puede ko syang maging kaibigan. At si Fatima, kaibigan ko pa rin. OK kami ni Fatima. OK kami ng bago kong classmate. Wala ako sa lugar para mang-judge pero nakaka-intriga lang talaga. Isa itong controversy. May itch akong suotin ang pinaka-puno't dulo nito pero kailangang pigilan ang sarili. Para saan? Para que?

One more Thursday news -- May bago akong client! Hindi lang sya client, parang kaibigan ko na rin kaagad sya. Napaka-makwento nya. Ang dami-dami ko nang nalaman tungkol sa kanya, ni hindi ko pa nga s'ya nakikita. Hanggang 1am kami sa phone sa pagchichikahan. Parang sabik s'ya sa kausap tapos ang bait-bait n'ya. Parang matagal na kaming magkaibigan.

Parang ang gaan gaan ng dugo n'ya sa akin. Kung abusado akong tao, puede kong taasan ng sobrang taas ang prices ko at alam ko namang hindi n'ya na yun iche-check. Ang bilis n'yang magtiwala sa akin. Parang feeling n'ya maayos akong magtrabaho at mapapagkatiwalaan ako.

Hindi naman sa hindi ako maayos magtrabaho at hindi ako mapapagkatiwalaan. Natutuwa lang ako sa kanya kasi madaming beses na syang naka-experience na hindi maayos ang gawa ng mga service suppliers sa past parties ng anak n'ya, pero kaya pa rin nyang magtiwa pa ulit sa isang service supplier, yung tiwalang buong-buo.

Sana matutunan ko din yun, tiwalang-tiwala. Ang akala ko nga kanina sya ang nanloloko sa akin. Isang oras na akong naghihintay sa clubhouse, sa venue ng event n'ya. Tuwing tatawag ako, lagi n'yang sinasabi na hindi gumagalaw ang traffic. Noong una kong tawag, sabi n'ya, nasa daan na daw sya. Yung pangalawang tawag ko, sabi n'ya, mga 15 minutes daw. Tapos after 30 minutes, tumawag ulit ako, sabi n'ya naipit daw s'ya sa Greenhills pero malapit na malapit na, sobrang traffic lang talaga.

Naisip ko, baka niloloko lang n'ya ako. Baka hindi talaga s'ya papunta. Baka isa 'yung frame-up. N'ung tinatanong n'ya sa aken kung nasa'n ako eksakto at kung ano'ng kulay ng suot ko, lalo akong naging paranoid. Feeling ko, frame up talaga. Bigla na lang may papasok na mga naka-mask na itim at kikidnapin ako, hahaha. Pathetic.

Kung naghintay pa sana ako ng 10 minutes at hindi ako umalis, siguro nagkita kami. Pero, natakot ako. Nawalan ako ng tiwala. Nagsara ang isip ko. Inisip ko na hindi ko pa naman kailangan ang racket, hindi ko kailangan ang added stress. Gusto kong matutunan kung paano magtiwala nang kagaya n'ya.

Ang akala ko, napaka-mapasensya kong tao. Pasensyosa ako in a the way na tutubuan muna ng hemorrhoids ang isang tao sa bibig n'ya bago n'ya ako magalit. Kahit ano pa ang sabihin ng isang tao sa aking masama, kahit gaano'ng kagaling n'yang mang-asar, mamamatay muna siguro s'ya bago n'ya ako makitang napipikon, naasar o nagagalit.

Pero na-realize ko today na hindi pala ako pasensyosa sa paghihintay. Nawalan ng battery ang Itouch ko tapos hindi ko malaro ang games sa cellphone ko kasi sobrang lakas ng music at bago mo mapatay ang music, kailangang mag-play muna yung music sa intro. Isang oras akong talagang naghihintay lang. Nagsawa na ako sa kababasa ng mga past messages sa cellphone ko. May 30 minutes atang wala akong ibang ginagawa kundi naghihintay lang.

Kailangan kong matutong magtiwala ng lubos at maghintay.

Dami kong na-realize today. Daming bagong tao. Daming bago. I love Thursday!







Wednesday, August 11, 2010

Fruit-Bearing Tree



Why do it? Why do that? Why study? Why work part-time here and part-time there? Why volunteer? Why do lots of things? Why different things?

Because when you have different skills and you know you can use them for the benefit of others, why keep them to yourself? A plant needs cultivation for it to grow into a big tree, grow different branches and bear fruits.


That's the philosophical defense mechanism working.


But the real answer is because I do have a very mild case of ADHD. Haha :-)

Friday, July 30, 2010

Values, Love and God




Ang sabi sa talk ni Sr. Pilar, lahat daw ng values -- honesty, respect, industry, etc -- ang common denominator ay love. At ang love daw ay nilagay sa bawat isa sa atin ni God.


Tinanong ni Sr. Pilar ang mga 1st year college students ng Quezon City Public University -- Do you believe that a person can still live a life with values even without believing in God?


Halos 1/4 ng klase, sumagot ng malakas na "Yes."

Naiintindihan ko sila at naiintindihan ko kung bakit ganun ang answer nila. Puede naman kasing ituro sa isang bata na maging honest, maging respectful at maging masipag at puede namang matutunan iyon ng bata kahit hindi ini-introduce sa kanya si God.


Ewan ko. Mas lalo akong nalilito.
Pero aaminin ko, sapul na sapul sa aken yung sinabi ni Sr. Pilar na kung ang sentro ng isang tao ay ang katawan o ang personality nya, hindi sya completely magiging satisfied.

Ganun na ganun ako. Ang sentro ko ay ang desires ko. Ang sentro ko ay kung paano ako magiging sikat sa iba. Dati, gumigising akong excited kasi may opportunity na naman akong magpasikat. May opportunity akong masabihang magaling. May opportunity akong makita yung gusto kong tao at kiligin.

Ngayon, dahil alam ko ng hindi dapat iyon ang maging motivation ko sa araw-araw, parang ayaw ko ng umalis ng kama sa umaga.
Nawala na nga siguro yung motivation ko for desires and egoistic things pero wala namang pumalit. Wala akong motivation whatsoever.

Alam kong kailangang ang motivation is to know God, is to experience God, is to glorify God. Pero bakit kaya hindi naman ako namomotivate sa ganun?

Siguro hindi pa tamang oras. Namimiss ko na yung dati kong spirituality. Pero feeling ko, doon na ako papunta ngayon.

Monday, June 21, 2010

Kailangang Maging Paru-Paro na Ulit





"How can I believe there's a butterfly inside you and me when all I can see is a fuzzy worm?"


Sa nakaraang dalawang linggo, ganitong ganito ang pakiramdam ko sa sarili ko. Pakiramdam ko, isa akong mababang nilalang na walang alam gawin kundi kumain, matulog, magpasikat sa natututunan kong Spanish, magpakita sa ibang tao at sa pamilya ko na magaling ako at maganda ang buhay ko.

Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Puno ako ng inggit, tampo, pagmamataas at pagpapaka-paimportante. Madali akong magtampo. Umaasa lagi akong lalapit sa akin ang pamilya ko at ipapaalam ang mga bagay-bagay na nangyayari. Umaasa akong tatawagin ako kapag may kailangang pag-usapan ang pamilya.

Masakit. Masakit talaga. Pero tanggap ko nang sila ang nakakaalam. Gusto kong sabihin sa kanila na wag na silang magpa-meeting kasi wala namang kwenta ang meeting. Napagdesisyunan na nila ang mga pag-uusapan bago pa man ang meeting. Para ano pang mag-meeting. Gusto kong sabihin sa kanila na dahil sila naman ang nakakaalaam, bahala na silang mag-desisyon. Wag na kaming magkunwaring may pagdedesisyunan sa meeting dahil wala na naman.

Masakit sa ego. At inaamin kong malaki ang ego ko. Ang totoo, ego nga ang nagko-control ng mga desisyon at mga aksyon ko sa buhay. Bakit ako nag-aaral ng Spanish? Bakit ako nagbi-business nang akin? Ano'ng intention ko? Ego -- para maging maganda ang pakiramdam ko sa sarili ko. Para masabihan akong magaling. Hinayaan kong ego ang mag-control sa akin.

Katulad ko na rin sila -- yung mga higad na umaakyat pataas tinatapakan ang bawat isa para makataas dahil lahat ng higad na nakikita nila ganun ang ginagawa. Pero hindi naman nila alam kung ano'ng nasa taas.

"What's at the top? No one knows that either but it must be awfully good because everybody's rushing there."


Hindi ako maayos ngayon. Yung mga bagay na sabi kong gagawin ko, kahit na yung pinakasimpleng bagay tulad ng pagdadala ng maduming damit sa laundry o paglabas ng basura, hindi ko magawa. Ang tamad-tamad ng katawan ko. Ang gusto lang ng katawan kong gawin ay kumain, humilata at matulog. Ang bigat-bigat ng katawan ko. Bago ako makagawa ng isang bagay, kailangang hinihila na ako ng oras o pupwersahin ko ang sarili kong gumalaw.

Wala akong tiwala sa sarili ko. Pakiramdam ko, ang bigat-bigat ng puso ko -- ang dami-daming naipong galit. Galit para saan? Para kanino? Galit sa sarili siguro. Klarong-klaro na hindi ito ang estado ng pag-iisip at pag-iral na dapat. Maliwanag na ang ako ngayon ay hindi ang nararapat na maging ako.


"Tell me, Sir, what is a butterfly?"

"It's what you are meant to become."

"It flies with beautiful wings and joins the earth to heaven. It drinks only nectar from the flowers and carries the seeds of love from one flower to another. "

"Without flowers, the world would soon have few flowers.
"


Ang pakiramdam ko, galit ako sa mundo. Hindi naman ako galit sa Diyos pero malayo ako sa kanya ngayon. Dati-rati, nag-eeffort ako para magsimba kasi nakakakuha ako ng spiritual blessing pag sumisimba. Pero ngayon, dahil ang tamad-tamad ko, kahit halos katapat na ng bahay namin ang simbahan, ni hindi pa ako nakasimba kahapon.

Ayoko na ng ganito. Hindi ako ito. Hindi dapat ganito ang ginagawa ko. Hindi ko gusto na ganito ako. May mga taong umaasa sa akin -- mga assistants ko sa balloon decorating services, kakilala kong pinangakuan ko ng trabaho pag lumakas ang party planning services ko. Ang hirap-hirap naman kasing pasayahin ng mga kliyente ko. Mas gusto ko pa yung mga hindi nagbabayad, yung mga hindi kayang magbayad. Ni hindi ko nga nakikita kung may napasaya nga kaming mga bata.

Natatakot na akong mag-ayos ng raket ko. Tinatamad na ako. Pero alam kong hindi dapat dahil nga may mga taong umaasa sa aken. At sa likod ng isip ko, sinasabi ko rin na kahiyaan na. Nasimulan ko na. Ang dami ko nang nabigay na oras at pagod dito. Ego. Ayokong isipin ng pamilya ko at ng ibang tao na failure ako. Ego.

Hindi ako totoong malaya. Alipin ako ng aking ego.

Kailangan kong mag-ayos ng buhay. Ang gulo-gulo eh. Dapat inayos ko yung get together ng batchmates ko sa Canossa. Dapat ako ang nag-organize nun. Alam ko namang inaasahan akong tumulong. Pero nakaya kong walang gawin. Nakaha kong hayaan na lang sila. Dapat inaayos ko na ang sarili ko. Nagawa ko na yun dati at kaya ko ulit yun gawin ngayon. Sabi nga nila pag daw nasa impyerno ka, wag ka daw magtatagal. Don't take pictures. Wag mong hayaang maging komportable ka dun. May mas maayos na buhay. Naranasan ko na yun dati. Kaya ko ulit ibalik ang gan'ung uri ng buhay.

Simple. Walang desire na magpasikat. Walang desire na masabihang magaling. Lahat ng bagay, nagsisimula at ibinabalik kay God. Walang takot. Walang bigat sa puso. Blessing para sa iba. Walang desire na maging importante. Walang desire na maging in control. Walang ibang klase ng buhay akong inaasam kundi ang ganung buhay. Tuwing wala ako dun, pakiramdam ko, nasa impyerno ako. Nasa impyerno ako ngayon.

Once you are a butterfly, you can really love. The kind of love that brings new life.

May galit, oo. Tamad ang katawan, oo. Laging lipad ang isip, oo. Mabilis magtampo, oo. Mahilig sa panandaliang aliw, oo.

Pero hindi ako magfo-focus sa mga yan.

Maayos ako. Mahal ako ng Diyos. Gusto ng Diyos na maging maayos ako. Gusto ng Diyos na maging maayos ako para maging blessing ako sa iba.

Kaya ko to! Simpleng buhay, may peaceful na pag-iisip, ang sentro ay si God at inilalaan ang oras, lakas, talino at talento sa paglilingkod sa iba.


You must want to fly so much that you are willing to give up being a caterpillar.





Saturday, June 5, 2010

Even the best fall down sometimes

That's true. You should have learned that by now. It's not that they deliberately want to hurt you; it's just that it's something that can't be avoided.

Although it hurts a bit, it shouldn't be a cause for anger.

Just think of it this way: sometimes, we aren't aware that we have turned on the people repellant switch. Yes, there is such a switch.

Hayaan mo na. Life is too short to hold a grudge against someone especially someone close to you.

Friday, June 4, 2010

Mga Bata Vs. Mga Ka-edad

Sabi kanina ni Chico sa The Morning Rush, mas gusto daw nyang kasama ang mas bata sa kanya kasi yun daw mga ka-age nya, sobra na daw seryoso. Gustong-gusto daw n'ya pag pumupunta ang mga pamangkin nya sa bahay nya kasi naglalaro sila ng helicopter na de-remote control.

Ako din, gusto ko ding kasama ang mga bata. Hindi kasi sila people-pleaser. Kung ayaw nila sa iyo, ayaw nila sa iyo. Kahit bigyan mo ng chocolate, kukuhanin lang nila ang chocolate pero kung ayaw nilang magpa-embrace o magpa-kiss, ayaw nila. Sa mga bata, ang ayaw ay ayaw, ang gusto ay gusto. Kapag gusto ka nila, talagang gusto ka nila. At kapag gusto ka nila, talagang pinapakita nila. Niyayakap ka. Lagi kang hinahatak at niyayaya. Lagi kang kinukulit. Lagi kang kinakausap at kapag lumayo ka, hinahanap ka.

Kapag tumatawa ang mga bata, alam mong masaya sila. Kapag may masakit sa kanila, hindi sila nagpapanggap na okay lang sila. Umiiyak sila.

Kapag may gusto silang bagay o laruan , sasabihin nila at hindi nila ikinahihiyang gusto nila yun. Hindi sila titigil hangga't hindi nila makuha yun o hangga't hindi nila naiintindihang hindi puede kung hindi puede.

Sinasabi nila kung ano ang nasa isip nila. Hindi sila natatakot kung hindi sila magustuhan ng sasabihan nila o hindi. Kung napapangitan ako sa sarili ko o sa gupit ko, o suot ko, o kung natatabaan ako sa sarili ko, ang tinatanong ko kung totoo yun ay mga pamangkin ko kasi hindi sila nagsisinungaling. Sinasabi nila ang totoo.

Isang beses na nakita akong may suot na reading glasses ng isa kong pamangkin, sabi nya sa akin, "Ninang, (inaanak ko rin kasi sya) tanggalin n'yo na yan, nagmumukha kayong matanda."

Kung may isang araw akong libre at papipiliin ako ng kung sino ang makakasama sa araw na yun -- mga importante at may-sinabing tao o mga bata sa kalye, mas pipiliin ko ang mga bata sa kalye kahit magagaslaw sila, kahit mga amoy pawis sila at madudumi. Kapag kasi nakuha mo ang loob nila, ang dali nilang pasayahin.

Ngayong nahihirapan ako sa trabaho ko at ang dami-daming negative thoughts na tumatakbo sa isipan ko, ang isang positive force na nakakapagbigay sa akin ng strength para magpatuloy ay yung thought na hindi naman talaga party planning service at balloon decorating ang business ko. Kumbaga sa construction, mga equipment ko lang sila. Ang business ko talaga ay magpasaya ng mga bata at buhayin ang mga bata sa bawat matanda na sobrang seryoso na sa buhay. Naks! Pero totoo ito.

Na-miss ko tuloy makipaglaro ng bahay-bahayan sa mga pamangkin ko. . . Ngayong weekend!!! Weeeeeeeeee!!!!!!!

Tuesday, February 16, 2010

Indefatigable Spirit

Ang sa akin lang, may karapatan akong mag-expect kasi noong una nating business meeting, tinanong kita kung kaya mong mag-commit sa business at sinabi mo na OO. May pagkakamali din ako dahil umiiwas ako sa confrontation. Hindi ka nakakapagbigay ng sabi mong ibibigay mong oras dahil may kailangan kang gawin sa bahay dahil umalis ang katulong n'yo. Ang sabi ng kaibigan ko, oo nga't ganun, pero dapat mag-demand pa din daw ako na magbigay ka ng oras sa business dahil nag-commit ka. Pero hindi ako nag-demand dahil iniintindi kita bilang kaibigan. Alam kong mahirap ang mawalan ng katulong at alam kong mahirap ang may maliit na bata sa bahay.

Ang sabi mo, napakadami mong kailangang gawin sa bahay pag Sabado. Wala kang narinig sa akin. Inintindi kita. Kung kelan mo gustong mag-meet, kung ano na lang ang natitirang retaso sa oras mo, yun na lang ang kinukuha ko. Wala akong reklamo.

Ang sabi mo noong una nating meeting, kaya mong i-commit ang oras mo sa gabi sa pag-aasikaso ng biz pero gabi-gabi, puro Maria Wars updates ang nakikita ko sa FB mo. Kung hindi ka sumasagot sa message ko sa FB, kahit alam kong online ka, hindi kita kinakausap. Iniintindi kita. Iniisip ko na baka yun lang ang oras mong mag-unwind. Hindi kita iniistorbo sa paglalaro ng Mafia Wars. Ito ay kahit alam kong may karapatan akong mag-demand dahil sinabi mong i-cocommit mo ang libreng oras mo sa gabi.

Tuwing magmi-meeting tayo at tuwing may ishe-share ako sa iyong update, ang nakikita ko sa yo ay excitement. Ang dami mong "Wow!!" at "Yey" at "Exciting!!!". At dahil yun ang sinasabi mo at yun ang pinapakita mo, naniwala akong namamangha ka nga at na-eexcite. Inisip kong kahit na kaunting oras lang ang binibigay mo sa business, ok na yun dahil at least interesado ka. At least nagbibigay ka ng inputs sa mga ginawa ko. At least, nakikinig ka sa mga ideas ko. At least, excited ka sa mga nangyayaring updates.

Tapos heto't maririnig ko sa yo na isang buwan ka nang depressed. Hindi ko pa alam kung bakit. Hindi ko alam kung gaanong kalalim. Hindi ko pa alam kung bakit nag-stretch nang ganung katagal. Sa isang buwan na yun 2 weekend tayong magkasama. 1 buong araw, magkasama tayo sa Megamall sa pagtingin ng suppliers para sa biz. Wala kang sinabi. Wala akong nahalata. Ang akala ko, katulong at mga gawaing bahay talaga ang problema.

Gusto ko ngayong sabihin na pinaka-ayoko sa lahat ng tao ay plastik pero pinipigilan ko ang sarili kong mang-judge dahil gusto kong maging mabuting kaibigan. Hindi ko alam kung bakit hindi mo pinaalam sa akin kapag pareho tayong online at nag ma-Mafia Wars ka sa gabi. Hindi ko alam kung bakit kailangang magpakitang excited ka kung ang totoo ay depressed ka pala.

Kung sa bagay, nakatulong na rin naman kahit papa'no na nagpakita kang excited dahil at least sa tuwing nakikita kong excited ka sa mga sinasabi kong ideas, nagkakaroon ako ng mas malaking confidence sa sarili kong ideas.

Siguro may sarili kang rason kung bakit hindi ka nagpakita ng totoo mong emotional state sa akin. Siguro hindi ako ang tipo ng taong nakakahalata kung depressed ang kausap ko o hindi. Siguro tama nga ang sinabi mong magaling kang magpinta ng isang masayang mukha kahit sa loob, you are fucked up.

Kung tutuusin, nagpapasalamat na rin ako sa iyo kasi nagpakatotoo ka after 1 month at sinabi mong kaya hindi ka nakakatulong sa biz ay dahil depressed ka.

Sa isang banda, sumama ang loob ko dahil isang buwan ka na palang depressed, ngayon mo lang sinabi.

Hindi mo ba alam na isa sa mga reasons kung bakit nagpupursige ako sa business na ito ay dahil gusto kong matupad ang gusto mong gawin na maging even coordinator?

Nawalan ako ng gana sa business noong nalaman kong hindi ka nakakatulong dahil depressed ka. Ang akala ko talaga katulong ang problema. Siguro ito rin ang rason kung bakit hindi mo masabi ang totoo sa akin. Siguro alam mong mawawala ang motivation ko sa business kung sasabihin mong ganun at kung magpapaka-nega ka at kung mag-iina-inarte ka habang sobrang excited ako sa mga nangyayari sa pinaplano nating biz.

Hindi mo ako kailangang idagdag sa mga isipin mo. Mahirap pero heto na ang oras para mapakinabangan ang pagbabasa ng mga quotes tulad ng, "Be like the sandal wood tree which perfumes the ax that wounds it."

Hindi na ako magagalit na hindi ka nagpakatotoo. Madami ka ng problema. Ayokong problemahin mo pa ako, kung galit ako o hindi. Ayokong problemahin mo pa ang business.

Ok na yun sa akin. Nilabas ko lang ang sama ng loob ko dito. Ang ipapakita ko sa yo ay isa akong mabuting kaibigan na nakakaunawa at hindi nang-ja-judge. Hindi ko alam kung ano ang definition ng mabuting kaibigan basta ang alam ko lang para sa akin kaibigan ang isang tao pag hindi sya nang-ja-judge.

At kung magwoworry ka na baka hindi ko makaya na mag-isa ako sa biz, hindi mo na rin kailangang i-worry yun. Totoong magiging sobrang hirap at doble kayod para sa akin ngayon pero wala nang atrasan ito sa akin. Nag-commit ako dito at kahit ano'ng problema ang dumating, magpapatuloy ako.

Nalulungkot man ako, tinatamaan man ako ng katamaran, nawawalan man ako ng motivation pero na-realize ko ngayon na may something sa akin na hindi nasisira.

Yun ay something na nasa iyo rin. Something na nasa bawat tao.

:-)

OK na ako. Maitutuloy ko na ito at gagawin kong successful itong business.

Ayusin mo muna ang domestic life mo. Ayusin mo ang personal life mo. Kung ok ka na at pakiramdam mo, handa ka na, you are always welcome to come back onboard. Mas magiging masaya, mas magiging madali, mas magiging exciting kung magkasama tayo sa business. Pero kung hindi mo pa kayang mag-commit, ok lang.

You'll be fine. I'll be fine.

:-)

Thursday, January 28, 2010

Biglaan

Sabi ko sa isa kong kaibigan n'ung huli naming pagkikita, mas effective sa akin ang mga bagay-bagay pag biglaan. Noong huli kong mag-quit magyosi (na naging successful nang mahigit 2 taon na ngayon) ginawa ko yun nang biglaan. Cold Turkey.

Hindi pala lahat ng bagay makukuha sa biglaan. Binigla ko ang sariling magpaka-healthy living ngayong linggo. Binalak kong mag-detoxify. Sinimulan ko noong Lunes. Ang sama na kasi ng pakiramdam ko sa sarili ko. Hindi na ako komportable sa katawan ko. Ang bigat-bigat ko ng kumilos.

Sabi ko sa sarili ko, kailangang magbago na ako ng lifestyle. Kailangang i-jumpstart ang healthy lifestyle sa pamamgitan ng detox diet. Noong Lunes, prutas at gulay lang ang kinain ko. Sabi ko sa sarili ko pagkatapos ng isang araw, kaya kong nasa detox diet na ganun hanggang Biyernes. Pagkatapos nun, magiging ok na ang eating habit ko. Kinabukasan, may tonsilitis at may lagnat ako.

Ang una kong naisip, normal lang yun pag nagdedetox dahil ang ibig sabihin n'un ay nagsisimula ng lumabas ang mga toxins. Yung mga toxins na nakuha ko sa sigarilyo dati, lumalabas na ngayon kaya ako nagka-tonsilitis. Sobrang taas ng lagnat ko noong gabing yun.

Miyerkules nang umaga, nagtext sa akin ang kapatid ko, pinapauwi ako ng Lipa kasi may mga dokumento daw na kailangang pirmahan naming lahat. Malakas ako kay Kuya eh at mahina ako sa goal setting. Umuwi ako ng Lipa kahit sabi ni Kuya, magkita na lang daw kami sa Alabang para dun ko pirmahan.

Masama na rin talaga ang pakiramdam ko. Humihina ba talaga ang resolve ng tao pag may sakit sya? Bilib talaga ako kay Gandhi!

Umuwi ako at kumain ng lomi pagdating sa Lipa. Tapos nag take-out ng relyenong bangus at sinigang na maliputo ang isa kong kapatid.

So much for detox diet.

Kung may isa akong natutunan sa nangyari, yun ay wag magmadali.

Tutugtog sana ako ng organ kanina. Habang binubuksan ko ang organ, naisip kong ang tagal ko na palang hindi tumutugtog. Sabi ko sa sarili ko, babalikan ko ang pinag-aaralan ko dati n'ung huli kong binuksan ang organ. Nag-aaral ako dating kumapa sa organ.

May binili akong book noong nagbakasyon kami sa U.S. How to Play from a Fake Book ang title. Step-by-step guide iyon para matuto kang mag-improvise sa organ o keyboard o piano kahit na ano'ng kanta.

Sabi ko sa sarili ko kanina, mag-aaral na ulit ako nun. Bigla kong nakita ang sarili kong nagmamadali na naman. Gusto ko agad matutunan ang buong libro, excited na akong makapunta sa Chapter 2, ni hindi ko pa nga nagagawa ang exercise sa Chapter 1.

Heto ang divine intervention. Tuwing may dilemma ako, tanong o problema, lagi na lang may tao, pangyayari, libro o pelikulang nangyayari para magpa-realize sa akin ng bagay tungkol sa sarili ko at buhay ko. Ngayong hapon, iyon ay isang pelikula. Palabas kanina sa Cinema One ang Ina, Anak, Kapatid. Lumang pelikula na ito, ang bida ay si Charito Solis at si Lolita Rodriguez.

Siguro 70's pa ginawa ang pelikulang iyon kasi dalagita pa lang si Rio Locsin. Tuwang-tuwa ako sa character ni Lolita Rodriguez. Naglalakad siya, nagsasalita siya, tumitingin siya as if she has all the time in this world. Tuwing magdedeliver s'ya ng line, napaka-malumanay. Mas nagkaroon ng power ang character niya dahil hindi siya katulad ng character ni Charito Solis na salita na lang ng salita at parang hindi mapakali.

Idol ko na ngayon si Lolita Rodriguez. Ang isang scene lang sa movie na hindi ko nagustuhan ay yung nakipag-away siya physically kay Charito Solis. Nawala ang poise nya kasi nagulo ang buhok nya, hehe. Pero, that's just me.

Dahil sa pelikulang ito, na-relize ko na mas magagawa ko ang mga kailangan kong gawin sa araw-araw kahit gaanong kasimple kung relaxed ako at hindi nagmamadali.

Nasanay na ako sa trabaho ko. Kailangan laging nagmamadali. Pero ngayong wala na ako sa trabaho ko, puede na akong maging katulad ni Lolita Rodriguez. Haha!

Hindi kailangang magmadali. Mas may power kung steady lang, relaxed at hindi nagmamadali. Basta may consistent effort.

Consistent effort -- with prayer, kaya ko yan!

Follow Your Bliss

"All the time. It is miraculous. I even have a superstition that has grown on me as a result of invisible hands coming all the time - namely, that if you do follow your bliss you put yourself on a kind of track that has been there all the while, waiting for you, and the life that you ought to be living is the one you are living. When you can see that, you begin to meet people who are in your field of bliss, and they open doors to you. I say, follow your bliss and don't be afraid, and doors will open where you didn't know they were going to be."


Ang daling ma-inspire sa mga quotes na ganito. Sasabihin mo sa sarili mo, Yes! I can do it! I can start a new life! I can follow my bliss!

Sobrang daling sabihin. Pero grabeng hirap gawin. Sa simula masaya kasi punong puno ka ng excitement sa bago mong goals. Pero kapag namatay na ang excitement, dun papasok ang totoong committment mo.

Laging may papasok na negative thoughts. Laging matatakot ka na baka mali ang ginagawa mo. Laging matatakot ka na baka hindi ka mag-succeed.

Dadating ang mga araw na nananalo na ang mga negative thoughts at parang ayaw mo na.

Pero. . .

Hindi ako yun.

Hindi ako aayaw.

Hindi ako susuko agad kahit mahirap. Kahit malungkot.

Hindi ako titigil hangga't hindi ko nagagawa ang kailangang gawin.

Help me God.

Sunday, January 24, 2010

Fasting

Late ako ng 22 days sa pagsulat dito. Ang dami-dami kong nasulat pero hindi ko nasulat dito. Dapat dito ko sinulat ang resulta ng tatlong araw kong pag-soul searching. Dapat dito ko sinulat kung bakit ako nag resign. Dapat dito ko sinulat kung ano ang mga goals ko ngayong 2010.

Sa isang typewriting paper ko sinulat ang mga pros and cons ko sa pagreresign.

Sa email ko sa sarili ko sinulat ang mga goals ko for 2010.

Ang gulo-gulo ngayon ng utak ko. Epekto ng sobrang daming kape. Ayokong magsulat nang magulo ang utak ko. Pero sa isang banda, isa sa nakakapagpa-kalma sa utak ko ay pagsusulat. Ewan ko. Naguguluhan ako.

Alam kong mahihirapan ako. Alam kong kailangan kong magtiis. Alam kong kailangan kong mas lakasan ang kapit sa Diyos. May gagawin ako ngayong dadating na linggo para bumalik ako sa sentro.

Yung ako na sure sa sarili. Yung hindi ako natatakot kung tama ang desisyon ko dahil may tiwala akong kaisa ko ang Diyos at ang desisyon ko ay kaisa ng gusto N'ya para sa akin.

Nami-miss ko na ang ako na komportable sa sarili, walang worries kahit napakadaming dapat i-worry, maaliwalas ang pag-iisip, hindi nalilito kung ano ang gagawin, hindi alipin ng kape at iba pang sensory delights.

Doon ako papunta ngayon. Sa sarili kong kaisa ng Diyos. Sa sarili kong nagtitiwala at sinusuko ang lahat sa buhay.

Sa sarili kong may kapayapaan ng loob, kaliwanagan ng pag-iisip, bukas na puso at malinis at magaang katawan.

Doon ako papunta sa sariling iyon. Mag-dedetoxify ako ng 5 araw. Magfa-fasting. Simula bukas. Hindi ako kakain nang kahit na ano. Tubig lang, prutas at mga gulay na puedeng kainin nang hindi niluluto.

Magfafasting ako hindi lang dahil kailangan kong pumayat (kailangan ko talaga pero hindi lang dahil dito).

Magfafasting ako dahil kailangan kong tanggalin ang pagka-addict sa kape. Kailangan kong tanggalin ang pagka-alipin ko sa pagkain. Kailangang tanggalin ang pagka-alipin sa mga makamundong pagpapakasarap.

Magiging mas ok ako pag nag-fasting ako. Nakakaya ng ibang mag-fasting nang 1 linggo nang tubig lang. Makakaya kong mag fasting nang tubig, fruits at vegetables. Kaya kong magtiis. Kaya ko. Alam kong mas mapapalapit ako kay God kung tutularan ko si Jesus na nagtiis at nagfasting para magkaroon ng liwanag ng pag-iisip. Kaya ko to.