Wednesday, April 23, 2008

(Meta) Pisika


Walang anumang bagay sa mundo ang napaparam.
Nagbabagong labas na anyo
o kaayusan ng pagkakabuo
ngunit walang napaparam.

Hindi lamang bagay na nakikita't nasasalat,
hindi lamang ang umuukupa ng espasyo,
ang dumadaloy,
ang nagsasahugis sisidlan,
o ang inihihinga,
ang sakop ng batas.

Yapos rin ng batas
ang mga walang bilang
walang kimpal
walang hugis.

Ang kaligayahan, halimbawa,
At ang pag-ibig.

(pasintabi kay Rodel)



Monday, April 7, 2008

Pagbobote


The word Enthusiasm
first appeared in English in 1603 with the meaning "possession by a god." The source of the word is the Greek enthousiasmos, which ultimately comes from the adjective entheos, "having the god within," formed from en, "in, within," and theos, "god."


'Eto ang etymology ng salitang "enthusiasm". Iniisip ko kung ano ang enthusiasm sa Tagalog. Ang sabi sa English-Tagalog dictionary -- sigla, kasiglahan. Kapag sinabi natin na ang isang bata ay masigla, halimbawa, ang ibig sabihin ay hindi siya matamlay. Ang salitang "kasiglahan" ay mas konektado sa kalusuhan ng katawan. Kung matamlay ang isang bata, tinitingnan kaagad kung may sakit siya. Kung matamlay ang bata, kailangan n'ya ng iron o gulay. Samakatuwid, ang "sigla" ay nasa physical, nutritive level. Ang kasiglahan ng isang tao ay nakukuha unang-una sa tamang pagkain at pangangalaga sa katawan. Hindi na nasapo ng salitang "sigla" ang etymology ng enthusiasm -- "having the god within". Ano kaya'ng mas angkop na salitang tagalog para sa "enthusiasm"?

Sa dictionary, ito ang definition ng enthusiasm:

Enthusiasm -- n.
  1. Great excitement for or interest in a subject or cause.
  2. A source or cause of great excitement or interest.
Ang personification para sa akin ng etymology at definition ng salitang "enthusiasm" ay si Lolo Anghel. Si Lolo Anghel ay isang magbobote na pinsan 'ata o kaibigan ng lolo ko, hindi ko na matandaan. Basta, ang sabi nila, kamag-anak ko daw si Lolo Anghel. Grade school ako noon noong lagi s'yang dumadaan sa harap ng tindahan namin. Lagi ko s'yang inaabangan kapag bakasyon, mga 9 hanggang 10 nang umaga. Tulak-tulak ni Lolo Anghel ang kariton n'yang gawa sa planks (ano ba ang tagalog dito) ng kahoy at walang pintura. Kapag nasa tapat na si Lolo Anghel ng tindahan namin, titingin saglit s'ya sa tindahan, hahanapin ng mata si Nanay, maghihintay na tawagin s'ya o batiin na lang kung wala kaming ipong bote. Ang tagal-tagal na nito at matagal na ring patay si Lolo Anghel pero ang hindi ko malilimutan ay yung hitsura ng mukha n'ya, ang mata n'ya, at kung paano s'ya gumalaw. Matanda na si Lolo Anghel noong nagbobote s'ya, siguro mga '70's. Hindi ko alam kung may mahaba s'yang mga biloy sa dalawang pisngi o masyado lang malalim ang wrinkles n'ya sa mukha na nagmumukhang mahabang biloy pag ngumingiti siya. Pag tinutulak n'ya ang kariton n'ya, tinutulak n'ya nang parang ang pinakamasayang gawain sa buong mundo ay magtulak ng kariton. Ang mata ni Lolo Anghel, yun ba'ng mata ng isang taong awas-awas ang kaligayan na natatapon na sa mata. Hindi ko alam kung nilalansi ako ng alala ko pero ang alaala ko sa kanya ay parang isang character sa Batibot, na sumisipol-sipol pa at pasayaw ang paglakad at gumagalaw-galaw ang ulo. Naalala ko n'un, noong bata ako, 9 years old ako, ang sabi ko sa sarili ko, sana paglaki ko, yun ang maging trabaho ko, mag-bahay-bahay, gala-gala, tapos mangongolekta ako ng bote tapos lilinisin ko ang bote para mapaglagyan uli para magamit uli ng tao. Sa pagbahay-bahay ay magbigay ng kasiyahan at manghawa ng enthusiasm.

Masaya nga sigurong maging magbobote kung iiisipin mong may kabuluhan ka sa iba. Kung walang magbobote, paano na ang ating mga toyo, suka at patis? Dati naman, hindi pa uso ang plastic na lalagyan. Maliit na bagay lang ang bote pero paano mabebenta ang patis, toyo at suka kung walang boteng lalagyan? Ano'ng lasa ng adobong walang toyo at suka? O kung gumawa man nang gumawa ng bagong bote ang mga pabrika ng toyo, suka at patis, paano naman ang ating mga nagamit na bote? Itatapon na lang natin nang itatapon sa likod ng bahay hanggang makalikha tayo ng bagong bundok na puro bote? O kung ayaw natin ng maruming bakuran, yung bakuran na lang ng ating barangay. O ng ating planeta.

Mahalaga at sa ikina-aayos ng iba at ng planeta ang ginagawa ni Lolo Anghel araw-araw. At ang kanyang gawain ay ginagawa n'ya ng may dignidad at enthusiasm. Ano pa'ng ibang gawain ang mas karapat-dapat asamin? Para sa akin ang angkop na Tagalog na salita para sa "enthusiasm" ay pagbobote.







Monday, March 17, 2008

Nakalulungkot na kaligayahan

Chronic Mild Stroke. Meron palang ganito. Ilang years na'ng may nagbabarang ugat sa utak at ngayon lang nagkakaroon ng visible signs. Nahihirapan s'yang maglakad, nangingimay ang kaliwang paa at kamay. Dinalaw namin s'ya sa ospital kagabi. Umiyak s'ya. Kita ko. Pero napigil n'ya kaagad at napahidan ng tissue.

Mahal ko pala s'ya. Makalilihis pala ako sa ordinaryo kong tinatahak at makakagawa ng bagay para sa kanya. Makakapagsakripisyo pala ako para sa kanya. Kahit ilang na ilang ako sa kanya at hindi ako komportableng kasama s'ya, kaya ko pala s'yang ipagdasal, tahimik lang pero taimtim, na sana gumaling siya at makauwi na.

Hindi ko pala kailangang maging malapit sa tao para matutunan s'yang mahalin. Hindi pala nakabatay ang pagmamahal sa pagbibigay sa akin ng inaasahan kong dapat ibigay at ipakita sa akin. Ang pagmamahal pala, tulad ng landslide, lahat ng madadaanan ay madadala. Nadaanan ako, nadala ako at ngayo'y kasama ako sa agos.

Noong unang beses kong mag-eroplano patawid sa Pacific Ocean, inulan kami ng kidlat at gumalaw-galaw ang eroplano, taas-baba. Ang sabi ko sa sarili ko, iba nga pala ang sakay sa eroplano. Mas safe pa nga pala sa barko. At least kung magka-aksidente sa barko, puede akong tumalon sa dagat at mag-floating. Nasa gitna man ako ng Pacific Ocean, at least, may chance na ma-rescue. Sa eroplano, pag biglang nasira ang makina o natanggal ang isang pakpak, mahirap nang ma-rescue. Lahat ng buhay ng lahat ng tao na nasa eroplano, hawak ng mga piloto. Hindi pala, hawak ng Diyos. Noong nagsimulang tumataas-baba ang eroplano na parang sasakyang nagmamatulin sa lubak-lubak na kalsada, ang sabi ko sa sarili ko, hindi pa ako puedeng mamatay.

Pero noong napansin kong hindi tumitigil ang lubak at nagkakatinginan na ang mga pasahero, ang sabi ko sa sarili ko, at least, kung mamamatay ako, nagmahal naman ako. Nagmahal ako sa totoong uri ng pagmamahal. Inalala ko kung paano nangyari yun. Tama naman pala, sabi ng alala ko.

Hindi ako depressed at suicidal pero kung mamamatay ako ngayon, ok na. Alam kong nagmahal ako at sapat na yun. Marami pa akong gustong gawin pero, naisip ko lang, sa himpapawid man, sa dagat o sa lupa, hindi ko hawak ang buhay ko. Sino ba talagang makapagsasabi? Segu-segundo, binibigay sa akin ang hininga ko, ang paningin ko, pag-iisip ko, katinuan ko. Ang sarap mabuhay!

Sana may mayakap ako ngayon. Sana andito ang mga bata. Life is good, I am happy and I am lonely.

Saturday, March 8, 2008

Balanced Recklessness

Kung ako ay isang tren na dati'y mabagal na tumatahak sa mahabang riles papuntanng Central Station, ngayon, na-diskaril ako.

Wala ako sa focus. Hinayaan kong mawala ang aking drive. Sa akin, everything boils down to one thing: kung restless ang utak ko, kahit ano'ng simulan kong gawin, either hindi ko magagawa nang maayos or hindi ko na talaga magagawa.

Parang pag-te-tennis. Nag-tennis ako dati kasi gusto kong maging fit. Pero, noong nagsimula na akong makipaglaro ng tennis sa kapatid ko, na-realize ko, kailangan ko palang maging fit para makapag-tennis. In the same way, I'm working for a strong mind pero kailangan ko ng strong mind para makapagsimulang makapag-work for a strong mind. Ang gulo! Magulo talaga!

Ang sabi sa Theosophical Digest, "The most urgent task is to work for the mastery of your mind by learning to still your mind." Sobrang ito ang motto ko these days. Sobra.

Wala akong magawang maayos kapag restless ang utak ko. Kapag may kasama akong tao o kausap, hindi gan'ung ka-light o kasing-saya ng usapan kapag hindi ako OK muna sa aking sarili.

Ang sabi ni Gerard, "Masyado ka kasing internal, lahat ay inner. . ." And I agree with him. Megalomaniac? Hindi naman siguro. I enjoy being with people. Libra kasi ako, I'm a naturally social person. Hindi ako nabubuhay nang walang human interaction. . . significant human interaction. At nandito ang apparent conflict ng buhay ko. Ang pagsusulat ang passion ko, it gives me peaceful joy but at the same time it removes me away from significant human interaction; it also gives me so much sadness. What gives me so much joy is also the thing that gives me so much sadness. Lahat ng tao may mga krus na kailangang buhatin to follow Christ, I think this is my cross.

Minsan, napapagod na akong mag-explain ng sarili ko. Ayoko nang maintindihan ako. Ayos lang palang maging misunderstood. To be misunderstood is to be free. Walang explanation na magkakahon na dapat ganito ka, kasi sabi mo, ganyan ka eh. Walang magsasabing, "Eh, akala ko ba, sabi mo, ganyan ka, eh bakit hindi ka ngayon ganyan?"

Hay, napa-praning na naman ako! Wish ko lang, sana may bisa ang wish. Ang wish ko, sana, mapabalik na uli ako sa riles. Mabagal man ang takbo, at least, alam ko, ramdam ko ang assurance na may mapupuntahan ako and I am right where I should be.

Ayaw ko nang ipaintindi ang sarili ko. Ayaw ko na'ng mag-explain nang mag-explain hanggang mamatay ako sa ka-e-explain. It's just putting me in a box. I write what I want, not what I want about me to be understood. More or less, parang ganyan.

Anyway, I just need to find a way back to my track.

Bakit kasi may mga "things" na may sariling buhay sa aking pag-iisip. They are encroaching on my time for productive work. Sumisiksik sila nang hindi ko namamalayan. Tumatambay sila at hindi ko mapa-alis-alis. Hindi ko sila kino-kontrol kasi, siguro, aminin ko na, gusto ko rin. Gusto ko ang pakiramdam na nand'un sila. With "them" ang mga bagay na gusto kong mangyari ay nangyayari. Hindi nga lang sa realm ng reality pero it feels like it. The product of having free imagination sa isang pampered na environment. Kailangang paganahin ang utak kung nais makaranas ng mga bagay-bagay na hindi pinararanas ng isang sheltered na pamumuhay. The result is zero productivity.

I have to be constantly reminded of my goal: work, save, go to Manila, have my own place, be independent, find my own pack of wolves, people of my kind, write, write, write, create, be part of a cause, cause being the cultural development of the country, sounds idealistic but what's wrong with idealism? I am just claiming a very small part of it, I do not have the illusion that I will carry the cause on my shoulder, I just feel that being one with a cause is what I am meant to do It is the butterfly inside me Kahit sobrang liit ng contribution all I am aspiring for is to be part of a cause To write To create To inspire kahit konti lang tao. Kahit isa lang.

Ang kailangan ko ngayon ay isang malakas-lakas ng hila pabalik. Patalsikin ang mga "things" na may sariling buhay at pwersa sa utak ko. Ang "things" na yun ay nagkakatotoo na, so hindi na kailangang patambayin nang patambayin, ang hirap lang talagang i-control. Pero, kailangan na talagang kontrolin.

At simulan ko na ito, work, work, work, para sa 2 months advance 1 month deposit, nang makapag-Manila na, find my own kind. . . It's not that hard reaching out to people, finding warmth kahit sobrang akala mo, wala kayong in common, sa age, sa interests, sa pag-iisip, sa pinahahalagahan. I thought pupunta lang ako sa dance studio para paganahin naman ang katawan ko, hindi lang puro daliri at isip sa pagta-type. . . . i thought hindi naman ako pumupunta doon to get along well with the people there. . . but how wonderful pala if you go there, do your thing at at the same time, pick up the vibrations of others. If there is one important thing I learned, is that a simple smile can go a long way. It lifts a person up. Sobrang underrated ang pag-ngiti. Hindi na pala kailangang maging sobrang friendly to attract people which i thought dapat gan'un. . . just a simple smile. . . Para na kaming classmates ng mga kasama ko sa dance studio, walang papalit sa feeling that you are having human connection and all the things associated with it, the feeling of warmth and yung feeling na tao ka pala at hindi isang entity na palipad-lipad lang. . . haha!

BUT. . . getting along well with them and liking them, sige, aaminin ko na, like ko sila, kasi mababait talaga sila, at ang sarap lambingin, kahit hindi ko sila ka-age (40's na sila) pero it still doesn't hide the fact that may sigificant part ako na isang "alien" sa kanilang standard. Na hindi ko maipapakita sa kanila dahil hindi kami magkaka-konektahan. Here goes another conflict. One part of me, growing comfortable sa mga tao, being part of this group. One part of me, recognizing that hindi ko kayang malusaw na lang sa crowd. Not that crowd sila, may sari-sarili silang uniqueness . . . OMG, napa-praning na talaga ako!!!

What am I trying to say? What I am trying to say is that I am suffering because I cannot reconcile things: that I have the need to reach out and understand others and that I also need to find an environment where there is multi-lateral support and understanding, hindi ako lang. Libra kasi ako. Kailangan ko ng harmony. I am suffering because I am not finding the balance between reaching out to others and allowing others to reach out to me-- magpapasok ng tao. I can easily get into others but what I have to work on is to let others get into my space. Kasi napapansin kong kailangang may limit kapag iba na ang papasok. Meron ba akong kailangang protektahan? My sanity siguro. I am dying inside (uy, kanto ito ah!) na walang tao akong pinapapasok sa space ko but I'm afraid that I will be ruined by the very same people na gustong gusto kong papasukin. Kung meron mang magandang naidulot ang pagtigil ng paninigarilyo, ito siguro iyon, the clarity na hindi ako gan'ung ka-indestructible.

So, what I need to get back on track is to find a way to work with this fear. Ang magpapasok ng tao kahit natatakot ako. Shet, naiiyak na ako. Sobrang hirap kasi 'ata eh. Iniisip ko pa lang, parang sinusugal ko na lahat-lahat ng meron ako that is holding me together. Dalawa lang ang choices ko: either I stay sa status quo and suffer OR jump and suffer too while falling and hope for the best landing maybe suffer more or most probably find what I have been aching for. Stay or jump. To jump: leap of faith ba o plunge to my death? I prefer the first pero puede kayang may harness? Haha! Kaka-praning!!!! I need to teach myself to let go of myself. Part of being sheltered, sobrang pag-aalaga sa sarili. Need to be reckless. Hay, Lord, turuan N'yo po akong maging reckless.
Balanced recklessness po.



Monday, February 11, 2008

Professional

Katatanggap ko lang ng paycheck mula La Salle Lipa para sa pagdi-direct ko ng stage play noong Tiktaktalaok Theater Contest last November. Ito ang una sa madami pang dadating na professional fee para sa playwriting and directing stints. At La Salle Lipa at Tiktaktalaok ang simula. . . Ito ang starting point ng paglalakbay.

Ayos ito, P4,500, haha! Hindi man ito kasing-sarap ng feeling noong mismong tinatanghal na ang play o noong mismong binubuo namin ang play, hindi ko pa rin mapigil na hindi mapangiti sa tseke na ito. Mababaw lang naman pala ako. PF lang pala ang katapat ko! Hahaha!

I'm officially a professional stage director!!!

Yeeeeeeeeh!!!!!!

Thank you!!! You are my Source!!!

Saturday, February 9, 2008

Affirmation

Naniniwala ako sa sarili ko. Naniniwala ako sa mga kaya kong gawin. Wala man ako sa environment na sumusuporta sa akin, hindi ako magpapakaladkad. Hindi ako magpapatalo. Hindi na ako magpapatakot. Punung-puno nga ang utak ko ng mga inspiring stories, inspiring quotes mula sa pinaka-inspiring na tao at writers, sasayangin ko lang ba sila? Para saan na binasa ko sila? This is the time to live by what I believe in!!!

I resist to follow that vision others have for me. I do not exist for what they want me to be. They do not know me. They do not own me.

I RESIST!

Gawin na nila lahat ng mga strategies para hindi ako mag-succeed, para hindi ako lumago, para hindi ako makalayo. Conscious man sila o hindi, ito ang ginagawa nila. Para habambuhay akong safe. Safe nga pero patay ang kaluluwa. This time, hindi ko na kayang magpatakot. Wala na akong madaming oras para matakot. It’s either I fight or be dead forever. Sawa na akong magpakabait. Sawa na akong umunawa nang umunawa, magpasensya nang magpasensya. It’s time to be responsible for myself.

I need to be responsible for myself because the only thing that I can give is whatever I have. What can I give if I do not have anything or if I feel constricted to give? I need to be more, to free myself from constrictions, so that I can share more! And I can offer sooo much more. They do not know that. They think they can rub their fear on me but I RESIST! Lagi man silang takot para sa akin, at lagi man nila akong tinatakot, ako, hindi na dapat!! (Naiintindihan ko sila but hindi ko na kayang mabuhay just so hindi sila takot. I can do so much more than making sure everyday that two people are not scared for me).

Sabihin na nila ang gusto nilang sabihin, hindi naman nila alam ang sinasabi nila kasi dinedepende lang nila ang sinasabi nila sa nakikita nila. I do not blame them na hindi nila nakikita what is inside. Dahil wala akong gift para mag-explain ng sarili, para ipaunawa sa kanila ang sarili ko (at ayaw kong mag-explain ng sarili), the fruits of my perseverance will eventually speak for who I really am.

I will succeed. Maybe not according to your idea of success. But I will never permit you to make me feel small and insignificant again. I am strong now and I will fight you. I am fighting you now.

God works in me, giving me the will and power to achieve His purpose.”


*14 days-- no cigarette, not even a single puff. weeee!!!


Wednesday, January 30, 2008

Cold Turkey

Lahat ng kakilala kong tao hindi naniniwala sa ganitong uri ng pagki-quit. Malaki daw ang chance ng relapse. Pero sa limang taon kong pagki-quit-withdrawal-relapse-addiction-quit-withdrawal-relapse-addiction-quit, madami na rin akong nasubukang iba't-ibang strategies. Sa tingin ko, ito ang pinaka-effective na strategy: cold turkey. Hindi ibig sabihin na ito ang pinakamadali sa lahat ng mga sinubukan kong strategies. Pero sa ngayon, I can say, ito ang effective para sa akin. Nasusubok ang aking will power.

Ang tinatalikuran ko oras-oras ay ang pagka-alipin sa dikta ng katawan. Oras-oras na gusto kong manigarilyo pero hindi ako naninigarilyo, lumalayo ako sa state na iyon. Umuusad ako ng isang hakbang papalapit sa isang uri ng pagkalaya -- pagkalaya sa pananakop ng nicotine fixation sa aking pag-iisip. Ngayong naka-ilang araw na akong walang nicotine, mas maliwanag ang aking pag-iisip. Nararamdaman ko ang pagluwag ng aking hininga. Kapag humihinga ako nang malalalim, hindi na sumasakit ang aking base ng lalamunan. Ang sarap huminga nang malalim.

Mas lumalim ang paniniwala ko sa idea ni Paolo Coehlo na sa tamang oras, dadating ang tamang bagay-tao-pangyayari. "The universe conspires to give you your heart's desire." Dalawa ang wish ko noong Christmas noong nagsisimbang gabi kami. Taon-taon, kinukumpleto ko ang 9 na simbang gabi kasi natutupad ang mga wish ko. Kahit yung mga bagay na hindi ko pala alam na yun pala ang wish ko, natutupad. Ang 2 wishes ko noong Christmas ay:

1. Deep spiritual life
2. Boyfriend (hahaha!)

Kaya ang lungkut-lungkot ko nang may isang beses akong absent sa simbang gabi. Sumama ako kina Kuya Nelson at Ate Mabel na mamili ng mga regalo sa Divisoria. Inabot kami ng gabi sa Maynila. Naalala ko yun. Noong dumating sa akin ang understanding na hindi na kami matutuloy. Ang pakiramdam ko, dahil sa isang gabing iyon, isang taon ang mawawala sa akin. Dahil hindi matutupad ang wish ko.

Pero, mukhang hindi naman. "The universe conspires to give you your heart's desire." Something like that. Sa tamang oras, dumating ito. Ang nakatulong sa akin ay isang internet website at isang e-book na nakuha ko din sa website na ito. Bago ko iyon natunton, there was something in me na nagsasabing, "I can do it. Kaya ko nang mag-quit, this time, cold turkey: by inner strength alone."

Noong nakita ko ang website, it is God telling me, "Go on. You are on the right track." Dahil sa komersyalismo, napakadami sa internet na nagsasabing walang success sa pagki-quit cold turkey. Pero itong website na ito, ito lang ang nagsabing hindi completely true ang sinasabi ng medical community tungkol sa mabisang paraan ng pagki-quit. Sinubukan ko na ang nicorette gum. Kasi, karamihan ng mga medical sites, nagsasabi na kailangan ng nicotine replacement therapy (NRT) tulad ng nicorette gum o nicotine patch para hindi mag-relapse. Ang problema daw kasi sa mga nagki-quit ay hindi nila ma-handle ang withdrawal symptoms. Totoo ito. For the past months na nagtatrabaho ako, hindi talaga ako makapagsimulang magtrabaho pag hindi ako nakakapag-yosi. Hindi ako makapag-focus. Basically, ang sinasabi ng website na itong hulog ng langit ay: May reason kung bakit madaming sites na gan'un: nag-o-offer ng kunwari ay advise sa pagki-quit pero ang totoo ay nag-a-advertise ng produkto.

Ang may-ari ng website ay isang smoking cessation coach for the last 30 years sa Amerika. Hindi siya doktor. Parang Alcoholics Anonymous, meron s'yang mga smoking cessation clinics at tinutulungan n'ya ang mga tao na mag-quit nang hindi nag-gi-give in sa mga consumerist thinking ng medical community. Isa rin siyang nicotine addict dati at ang kanyang life passion o Personal Legend (sabi nga ni Paolo Coehlo) ay tumulong sa tao na makalaya sa enslavement ng nicotine addiction.

Hindi ko iniisip kung bakit ngayon lang ito dumating when it's been five years hindi ako maka-alpas-alpas sa cycle ng addiction-quit-withdrawal-relapse-addiction-quit-withdrawal-relapse-addiction. Naniniwala akong dumating ito sa tamang oras. "The universe conspires to give you your heart's desire." Ito ang first step sa wish kong deep spiritual life.

Cliche na sa akin ang sinasabi sa Bible na hindi ka puedeng mag-worship ng dalawang Diyos na sabay. Pero ngayon ko lang talaga ito naintindihan. Hindi ako puedeng maging smoker at the same time ay maging seeker ng spirituality. Hindi ako puedeng nagpapa-alila sa dictates ng physical desire for nicotine fix at maging spiritual na tao.

Tatlong araw pa lang ito. Maaga pa para sabihin pero malakas ang intuition ko at kapag ganitong kalakas ang intuition ko, hindi ako nagkakamali. Ito na ang huli kong pagki-quit. Ito na ang simula sa pagtahak sa mas malalim na spirituality -- moment-by-moment relationship with God-Life-Universe -- wala itong due date. Habang-buhay na kailangang pagtrabahuhan at pagsumikapan. Union. Being one with everyone.

Kung meron man akong patutunguhan, saan man ako makarating, gaano man kalayo -- sa tingin ko, magpe-persist itong emptiness hangga't hindi ko tinatanggap at binabalikan ang kung ano dapat ang aking source, kumbaga sa diver ay diving board -- ito ay ang spiritual onneness with everything.

Ayaw kong maging "holy one" o "buddha", mga other-worldly na idea sa isang taong may malalim na spirituality. Woman of the world pa rin ako. Corrupted pa rin ako. Dahil tao ako at nabubuhay ako sa mundong ibabaw at kailangan kong mamuhay kaalinsabay ng materiality ng buhay. Pero normal din naman na asaming kaalinsabay ng effective na worldly life ay magpa-usbong din ng effective na spirituality. It is a human need, to have something more than what is seen and touched. Tao lang ako at nagsusumikap lang akong maging mas makabuluhan ang aking pagiging tao. At ang simula ay maging isang ex-smoker. I have all the strength that I need but this time, I am not getting the strength from myself. I am getting it from God-Life-Universe.